Chapter2 - The Start of War?

633 37 14
                                    

Psalm 27:4 One thing I ask of the LORD, this is what I seek: that I may dwell in the house of the LORD all the days of my life, to gaze upon the beauty of the LORD and to seek him in his temple.


Cha's POV

Papunta na kami ng airport ni Kuya at hindi pa din ako nagsasalita pamula kaninang umaga bago kami umalis ng bahay. Paano naman kasi, ang lungkot.


Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at sa mga nadadaanan namin. Lipad ang isipan to the point na hindi ko na namalayan na nasa airport na kami.

"Cha, 'wag ka na malungkot. I know this is hard for us pero para sa atin din ito, okay?"- panimula ni Kuya habang ginugulo ang buhok ko.


"Alam ko naman Kuya. Sige na umalis ka na!" pagalit kong tugon at napatawa naman siya.

Tama naman si Kuya, para 'to samin. At kahit tinutulungan kami ni Tita Sam, hindi naman pwede na lagi na lang kaming umaasa sa kanila di ba?


Si Tita Sam ang sumagip samin. Siya ang tumayong pangalawa naming magulang. Siya ang nagpa-aral at sumustento ng pangangailangan naming magkapatid matapos ang nangyari. Siya lang din ang kapatid ni mama at tanging malapit naming kamag-anak.


"Haayy, ang laki-laki na talaga ng kapatid ko. Parang dati, UHUGIN ka pa at iyakin. Haha."


"Kailangang lagyan ng emphasis yung uhugin? Pssh." sagot ko. Si Kuya talaga minsan may mga sinasabing hindi nakakatuwa.


"Haha. Pero sinong mag-aakala na ang uhuging batang  na 'yun ay magiging isang babaeng maganda, mabait at hindi papatalo sa mga problema."- seryoso at nakangiting sagot nya.


Ramdam ko naman ang pagbawi niya sa pang-aasar niya kanina.


Matapos kong marinig ang sinabi niya parang gusto kong umiyak. Alam ko kasi na nagpapaalam na siya. Minuto na lang ang bibilangin at aalis na siya.


Pero hindi pwede, ayoko na ulit umiyak.....


"Mag-iingat ka bunso ha at tsaka huwag mo kakalimutan ang mga bilin ko sayo. Basta tumawag ka agad pag may kailangan ka. Alam mo ding babasahin ni Kuya lahat ng mga emails mo ha. Be a good girl." He said while patting my head.

Yan si kuya. Sobra kung magpaalala kung ano ang dapat at hindi dapat kong gawin. Sobra siya kung mag-alala sakin. Kahit noong nag-aaral pa siya, lalo na ngayon na sa ibang bansa na siya pupunta. Para sakin hindi lang siya isang kapatid dahil siya na rin ang tumatayong tatay ko. Inako niya lahat ng responsibilidad kahit hindi dapat. At sa lahat ng 'yun nakita ko na kahit hindi kami buo o kahit dalawa lang kami sa buhay ay isa pa rin kaming pamilya.

"I will kuya. You are worrying too much. I'm old enough to handle myself." I assured him.


"Not old enough to live alone Cha. Don't do stuff that will make me worry more ha. Plus mag-aaral kang mabuti ha!"

"Sure! Hehe."

"At higit sa lahat, No boyfriend muna ha?"- tumingin sakin ng seryoso si Kuya at ngumiti.


"Fine." Aaminin ko na medyo nagulat ako sa sinabi niya. Ngayon lang kasi nita nabanggit ang tungkol sa boyfriend na 'yan. Ayos lang naman sakin na wala niyan, studies first di ba. Hehe. Tska NBSB to, never been kiss, never been touch. Dalagang Pilipina lang? E sa ayoko din naman at isa pa wala akong balak.


Wala akong balak maniwala sa pag-ibig na 'yan.

Old enough to know not to believe in lies.

My Only Exception (Slow update)Where stories live. Discover now