And his fierce eyes met mine.
Hinintay ko siyang magsalita, sabihin kung anong nangyari at kung bakit niya yun ginawa pero imbes na magsalita ay huminga lang siya ng malalim at tumalikod sa akin na para bang nag-pipigil ng galit. Dahil nasa second floor kami nakita ko sa may bintana na nandun pa din si Cedric na inaayos ang sarili at ang kanyang mukha. Malakas ang suntok sa kanya ni Vince at may sugat itong naiwan. Tuluyan na sana akong lalapit sa bintana para mas makita si Cedric nang biglang may kamay na humawak sa balikat ko at iniharap sa kanya.
“Huwag na huwag kang titingin sa ibang lalaki pag kasama mo ako.” Mariing sabi ni Vince na nakapanghina ng mga tuhod ko at nakapagpalambot sa katawan ko.
“Ano bang problema mo Vince? TSK. Hindi ka nakakatawa.” Inalis ko ang kamay niya sa balikat ko at dumistansya sa kanya hangga’t kaya ko pa dahil sa totoo lang hindi ko maipaliwanag ang mga tingin niya at ang sinabi niya.
“Problema? Ayan na naman ba tayo? Kung ano ang problema ko? ‘Yan ang hirap sayo Charlotte e! Napaka-arrghh!“ sigaw niya sakin at napahampas sa sofa.
“Bakit? Ako ba ang nanuntok ng walang dahilan!?” I yelled at him as I tried to ignore his previous statement.
“Walang dahilan?! Sigurado ka bang walang dahilan Cha?! You just met him last night! You had a date with a person you barely know nang wala man lang paalam and the handcuffs, Cha?! Seriously?”
“You don’t know everything Vince. Hindi ko gusto ang mga nangyari!”
“What you’re saying is different from what I saw earlier. You’re clinging to him na parang linta tapos sasabihin mo sa akin na hindi mo gusto! He even dressed you.”
“Parang linta?! Yun ba ang tingin mo?”
Pero sa kabila ng galit na nararamdaman ko,nangingibabaw pa rin ang sakit ng mga mumunting karayom sa bawat salitang sinabi niya.
“Oo Cha! I even cancelled all my meetings para lang sunduin ka pero anong napala ko. Don’t tell me na love at first sight ka kay Cedric? ” Tugon niya na para bang napakadaling sabihin nun.
ESTÁS LEYENDO
My Only Exception (Slow update)
Novela JuvenilYou promised you won't dare to fall in love but what if one day your childhood mortal enemy/rich and incredibly handsome prince once again came into your life to stay with you in one roof? And take note, you also have a guy best friend who secret...
Chapter23 - It won't be the same again
Comenzar desde el principio
