"Oo nga. Maaga pa, two hours before her date arrived, nandito kami para magpatulong okay?" Sabi ni Julia.

"Sige na, gamitin niyo na kwarto ko. Bababa lang ako. Hindi pwedeng magisa lang dun si DJ, malalagot yun kay kuya"


"Seriously kath? Ano na kayo ni Daniel ngayon? Nagsi-secret date ba kayo or something?" Si Zharm naman, kung maka-tanong...

"Walang something. Diyan na kayo"


Umalis na ko at nagmadaling naglakad papunta kila Kuya at DJ.


Akala ko nagsasapakan na sila pero nung nakita ko sila, parehas lang silang nakaupo sa sofa. Tumingin sila sakin at kumunot noo ko. Ano kayang nangyari habang wala ako?


Tumayo bigla si Kuya neil.


"Kath, layuan mo na si Daniel kundi sasabihin ko kay mama lahat nang nangyari ngayon" Tapos umalis na siya papunta sa kitchen.


Huh? Ano daw? Layuan si Daniel? Bakit? Ano ba ginawa nung tao?



Daniel's POV


Nakatingin lang sakin ang kuya ni Kath.

Ano toh? Puros titigan? Walang usapan?

Alam ko pogi ako, pero kailangan ba talagang titigan ako?


"Tol', Anong pangalan mo?" Bigla siyang nagtanong.


I guess narinig niya yung sinabi ng utak ko na dapat na siyang magsalita.


"Daniel" Sagot ko. Umupo siya sa sofa dun sa tapat ko.


"Uhhmmm Hun, luto lang ako ng dinner natin ahh" Sabi nung babaeng katabi ng kuya ni Kath. Kamukha niya si Julia. Siguro kapatid ni Juls toh.


Tumungo lang si Kuya neil at umalis na yung babae.

"Ikaw ba yung nagbigay ng ride sa kapatid ko two weeks ago?" So hindi pala sinabi ni Kath?

"Yup"

"Ito diretsahang tanong, kayo ba ni kath?"


Hindi ko ma-explain face niya. Galit ba siya or what?

"Di ko pa siya nililigawan" Wait lang. Ay mali! Mali! Mali! Dapat ang sasabihin ko, di ko PO siya nililigawan! AISH!


"So may balak kang ligawan si Kath?"

"Wala"


"Pinapaasa mo lang pala siya. Ganun?" Puros tanong naman ito eh. Bakit hindi kapatid mo tanungin mo?

"Hindi ko siya pinapaasa. Alam ni Kath yun. Wala kaming feelings sa isa't-isa. Hanggang barkada lang kami"


"Barkada? Pare, hindi ako tanga para maniwala dun. Hahalikan mo si bunso. Gawain na pala iyon ng magkakabarkada ngayon?"

Ang laki ng problema nito noh?

Stuck in the Moment (Stuck Series Book 1)Where stories live. Discover now