KNOWING AL

2.9K 46 7
                                    

Make-up?

Heels?

Dress?

Skirts?

Accessories?

Bags?

Perfume?

Nail Polish?

Oh gosh! I'm so crazy about them! Wala na atang space sa cabinet ko para makasya ang lahat ng designer's clothes ko. Di ko na din ata alam kung saan ko ilalagay yung mga bago kong biling sapatos!

Yan ata ang mga sinasabi ng isang tipikal na babae.

Well, NOT ME! Ibahin niyo ako sa kanila.

But don't judge me first. May dahilan ako kung bakit ako nagkaganito. Isang araw napagtanto ko nalang na gusto ko na ng pants, t-shirt at rubber shoes. I became one of the boys at hindi na ako nagkaroon ng babaeng kaibigan. Ayoko na ng mga kadramahan sa buhay. Gusto ko nalang mamuhay ng tahimik-behind the scene kumbaga. At nakuha ko yan ng nagbago ako at hindi ko yun pinagsisisihan.

Maraming nagtaka, maraming naghinayang pero hindi nila ako nakumbinsing bumalik sa dating ako kasi wala naman na talaga silang magagawa. I chose this and nothing or no one could ever change my mind. Eto na ang bagong ako na mas malaya at masaya.

Hindi ako katulad ng ibang babaeng nagpapaganda ng sarili para magmukang maganda sa iba. PSSH KALOKOHAN! Pero hindi ako bitter. I'm just stating a fact. A fact that you can't ever deny. Kahit pa naman nung di pa ako nagbago, hindi ako palaayos masyado. Hindi naman kasi kailangang magpaimpress para mapansin ka ng tao. Just being yourself is enough at yun ang pinanghahawakan ko hanggang ngayon.

A sarcastic teenage tomboy. Wala akong pakialam sa label na binibigay nila sakin--TOMBOY? Ano naman? Basta ang alam ko, ako pa rin to, hindi ako masamang tao. Nagbago lang naman ako sa pananamit, sa paggalaw at sa pananaw sa buhay. Yun lang, meaning hindi ako nagkakagusto sa babae. Siyempre lalaki pa rin ang preference ko kaso nga lang never NA akong magkakainteres sakanila. HINDI NA! Ako pa rin naman to eh-mas improved nga lang.

Anyway, ako nga pala si Allison Jane Schmitz, half German, half human. Just call me Al. I used to love my name but now I dislike it. Isa lang ang ayaw ko at yun ay tawagin akong 'Alli'. Kaya don't even dare, or else..

Ako pala ang "only girl" o "unica hija" ng family ko. Kaya nga laking gulat nalang nila ng dumating ako sa bahay isang hapon na suot ang damit at cap ng kuya ko. Naalala ko pa nun nung umiyak si mama. Yeah, right..umiyak talaga siya kasi ako nga lang ang babae saaming magkakapatid. Pangalawa ako saaming tatlo. Natanggap naman nila kaagad ako pero syempre joke lang yun. Actually, it took over a year bago nila tuluyang naaccept ang reality. Matagal at masakit yung buong proseso na yun since ang cold ng parents ko sakin. Syempre naawa ako sa parents ko, hindi naguilty ah, kasi ganito na talaga ako eh. Kaya nga mostly nasa barkada ako kasi ayokong makita silang malungkot.

Ayoko na ng drama. I lived with it once and once is enough. I just wanna live behind the spot light talaga. Though minsan mahirap din dahil sa popular kong mga barkada. Mga hearthrobs ba naman, kaya deadma na lang. Besides, parang mga kapatid ko na rin sila lalo na yung best friend ko. Isama pa pala ang apelyido kong kilala saamin. Kilala kasi ang pamilya ko sa lugar namin kaya isa pa yung hindi maiiwasan.

Maraming pagsubok noon at marami din ngayon pagkatapos ng drastic change ko na to. Pero ang masasabi ko lang ay masaya ako ngayon.

Kakaiba pero masaya.

Pero mas masaya kaya kung babalik ako sa dati? May makakapagpabago ba sa takbo ng buhay kong dati ng nagulo? May mas gugulo pa ba sa sitwasyon ko noon? O mas gaganda sa huli? Wag lang sana siyang magpapakita ulit. Wag na wag.

I am Al, and I'm your boy.

___________________________________

Official Soundtrack (OST)

Like You by Tatiana Manaois

She Could Be by Christian Bautista

***************

Everything in this story is just a product of the author's imagination and/or used fictitiously. Written during my nene days so expect informal everything. Lol! BE WARNED! Jejeness overload itong istoryang ito! **ehem sa umpisa**

____________________________________

She's My Boy © misstiaradoll

Started: May 2014
Stopped updates: October 2014
Resume of updates: March 2015
Stopped again: June 2015

Gulo noh? Hahaha..

Status: SLOW UPDATE as of March 2023

Marami pa akong other stories and this one is one of my stories noong nene pa nga ako kaya bear with it. Sana lang magkagana pa akong tapusin to!

She's My Boy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon