To Love and be Loved in Return [Chapter 40]

118 7 2
                                    

[A/N: Wie! Update update na rin haha! Pasensya kung ngayon lang. Nacorrupt kasi USB ko kaya heto! Gumawa nalang ako ng bago ^____^ 5 chapters iuupdate ko ngayon kaya ENJOOOOOY. ETO NA! ;)]

***

CHAPTER 40

YSABELLE’S POV

Nasa backstage na ako nun nung nakita ko si Nina, namumugto ang mga mata.

Gusto ko siyang tanungin pero parang may pumipigil sa akin.

Nakangiti lang siya sa akin. Mapapansin mong ang lungkot ng mga mata niya. Teka. May nangyari ba?

Mula sa back stage, hindi ko inaasahan na kakanta siya.

Napansin kong ang lungkot ng kinakanta niya.

Dumaan ako sa gilid ng backstage para mapanood ko siya ng harapan.

Nakita ko siya, nakatayo, kumakanta… habang umiiyak?

Tinignan ko kung kanino siya nakatingin.

Bakit nakatingin siya kay Nathan? May problema ba sila?

Nung matapos naman na yung kinakanta niya, kaagad siya tumakbo papuntang stage.

Tumakbo rin ako para salubungin siya dun.

Nakita ko na tumatakbo na siya papalabas ng exit door ng gym. Hinabol ko siya. Kaso ang bilis ng takbo niya kaya hindi ko na siya nakita.

Pagkatigil ko naman, napaupo ako sa damuhan na kinatatayuan ko kanina lang.

Habang hinahabol ko yung hininga ko, saka ko lang naalala si Timothy.

Tumakbo uli ako pabalik ng gym kaso pagkapunta ko sa inuupuan namin kanina, wala na siya don.

Sinubukan kong tawagan yung # niya, nagriring naman kaso hindi niya sinasagot.

Nagsend din ako ng message sa kanya, kaso walang reply na natatanggap ko.

Aalis na sana ako dun kaso may biglang kumausap sakin.

“Hinahanap mo siya no?”

Napatingin ako sa kanya. Bakit alam niya na hinahanap ko siya?

“O-oo eh. Kaso iniwan niya na yata ako.”

“Ang dali mong sumuko.”

“H-ha? Bakit mo naman nasabi?”

Natawa lang siya sa sagot ko. Tapos ginulo niya yung buhok ko.

“Ikaw talaga. Puntahan mo na siya sa roof top ng building natin. Nandun siya.”

Tumayo na ako bigla pagkarinig ko dun. Bakit naman kaya siya nandun?

“Steven?”

Lumingon lang siya sakin. “Salamat ha?”

Nagsmile lang siya. “Puntahan mo nalang siya. kanina ka pa niya hinihintay dun eh.”

I smiled back. “Sige.”

Tapos tumakbo na ako papuntang roof top ng building namin.

Pagkaakyat ko naman dun, muntik na akong nadulas. Ang dilim naman kasi eh. buti nalang nakahawak ako dun sa hawakan ng stairs.

“Timothy?”

Tanong ko ng mabuksan ko yung pintuan ng roof top dun.

Kaso pagtingin ko, ang dilim. Parang walang tao.

Totoo ba yung sinasabi sakin ni Steven na nadito siya? Kasi kung hindi, aalis na ako. >//<

“Timothy?”

To Love and be Loved in Return [ON-HOLD!]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon