Prologue

21 1 0
                                        

Nilabas ko ang ballpen ko at ang aking journal habang pinagmamasdan ang babae sa harapan ko. Hmmm Sandy... Sandy ang ipapangalan ko sa kaniya. Ginuhit ko si Sandy, tuwid na brown na buhok, makinis at maputing balat, mapupulang labi, matalas na mga mata. Inisipan ko naman siya ng kaniyang personality, mahilig magpinta at may marangyang buhay, may matataas na marka sa school at may gwapong boyfriend.

          Napangiti ako sa sarili ko, ganto lang ang madalas kong gawin tuwing nakasakay sa train papasok o pauwi ng school. Gagawa ako ng character mula sa ibang tao na nakakasabay ko sa train. Balik tayo kay Sandy, paano kung kabaliktaran pala yung naiisip ko sa kaniya? Naghihirap pala siya, malaking problema sa ba-

         "Aunelia." Napatingala ako sa taong tumawag sakin.

        "Uy Lex!" Kumapit siya sa hawakan at nanatiling nakatayo dahil okyupado na yung sa tabi ko. "Nagawa mo naba yung assignment sa Physics?" Dalawang linggo palang yung pasukan may assignment na agad.

        "Oo. Alam ko namang di mo gagawin yun kaya papakopyahin kita. Joke. Tuturuan lang." Ang sarap talaga magkaroon ng kaibigan na brainy.

        "Yun oh! Ang bait bait talaga ng kaibigan kong 'to!" Kinurot ko yung tagiliran niya dahilan para mapangiti siya ng bahagya. Napasinghap ng marahan yung katabi kong babae kaya napalingon ako. Nakatitig siya kay Lex habang namumula ng bahagya ang muka. I know, I know. Ganiyan talaga ang effect ni Lex. Nakakasilaw ang kagwapuhan.

        Pag-lingon ko sa taong bibigyan ko sana ng character eh bumaba na pala siya. Di ko man lang siya nagawan ng maayos na storya. Bumaba narin kami ni Lex sa stasyon naming at naglakad na patungo sa school.

"Aunelia, pakopya naman." Umiling ako sa kaklase kong lalaki. Syempre di pwede! Pinaghirapan 'tong ituro sakin kanina ni Lex habang break, di pa nga kami kumain para sa assignment na ito tapos papakopya ko lang sa iba? "Sige na please, maganda ka naman." I get that complement a lot. No kidding.

        "Pasensya ka na hindi talaga, gusto mo turuan kita o dikaya paturo ka kay Lex mas maiintindihan mo."

        "Di na, ikaw nalang magturo sa akin. Ang suplado nun." Nginitian niya ako at napa-irap nalang ako. Takot lang kayo kay Lex eh.

        Tinuruan ko siya kahit hirap na hirap ako. At pusang gala! Next week pa daw che-chekan yung assignment kasi nagbotohan ng magiging class officers. Yung president namin di ko kilala, na feeling ko eh napagtripan lang, yung vice di ko kilala pero gwapings, ako ung Secretary. Yes, ako yung secretary! Geez. Si Lex naman yung treasurer kasi mayaman daw. Nako kuripot yan. If you guys are wondering, grade 12 palang kami. Huling taon ng High School. Hmm ano kaya mangyayari sa taong ito.

        "Aunelia, kain muna tayo." Yaya saakin ni Lex. Teka may pera pa kaya ako?

        "Teka, Lex di ko kasi alam kung meron pa akong pera." Tinignan ko ang wallet ko at 100 nalang yung pera ko. Saan aabot ang isang daan ko? Pangtabi-tabi lang ito kaso di naman kumakain si Lex ng sa tabi-tabi lang. "100 nalang yung pera ko eh. Hehe. Gusto mo libre mo ako."

        "Wag na. Sige hatid na kita sa train station, may pupuntahan pa ako." At hinatid niya nga ako. Di niya kasi ako hinahayaan na maglakad mula sa school hanggang sa train station, naga-alala siya sakin. Yie, sweet ng friend ko 'no?

        Pagkarating sa train station umalis rin siya agad kaya solo ko ngayon ang byahe ko pauwi. Pagkasakay ko napatingin ako sa babae sa aking harapan na natutulog. Muka siyang pagod na pagod. Galing siguro siya sa trabaho, pano kaya kung ako rin nakapag-tapos na at magtratrabaho. Kala ko dati pag nagtrabaho kana easy nalang lahat, hindi pala. Mag-asawa nalang kaya ako ng mayaman para easy money? Joke! Di pwede yun, may mga pangarap akong gustong gawin kaya kahit mahira labaaan!

 Pagdating ko sa bahay gutom na ako. "Mama!" sigaw ko sa loob ng bahay kaso walang sumagot. Umakyat ako sa kwarto at nakitang tulog si Mama at ang aking kapatid. Parehas ko silang hinalikan sa pisngi at napangiti sa sarili. Having a special child sibling is no easy, kelangan kong tulangan si Mama sa pag-aalaga sa aking kapatid at sa gawaing bahay habang si Papa naman ay nagtratrabaho sa ibang bansa. Kumain na muna ako at naghanda ng maaring lutuin para sa hapunan.

        Pagkatapos ko magluto madami pang oras na natitira bago ang hapunan kaya lumabas muna ako ng bahay para makapaglakad lakad. Sa isang Villa kami nakatira na kokonti palang ang mga nakatira kaya tahimik ang lugar. Napansin kong may bagong lipat sa di kalayuan samin. Sana mayrong makalaro si Agnes sa bagong lipat. Wala kasi siyang makalaro dito kasi iniiwasan siya porket special child ang aking kapatid.

        Masakit. Kung pwede lang na lagi akong nasa tabi niya gagawin ko na. kung hindi lang importante ang paga-aral ay magi-stay ako sa tabi nila ni Mama. Kaya kahit may mga nanliligaw sa akin di ko pa makita ang sarili ko na papasok sa isang relasyon dahil ayaw kong mahati ang oras ko sa pamilya ko at sa bagay na iyon. Lalo na kung ang mga pagbibigyan ko lang ng oras ay mga hindi kayang tanggapin ang lagay ng kapatid ko, pinagtatawanan at minsan naawa. Ganda lang naman ang habol nila. Ayoko ng ganun, gusto ko yung mamahalin rin yung kapatid ko.

        Napatingin ako sa orasan ko, sakto ilang minuto nalang at maghahapunan na kami.

        "A-at-e!" hirap na bigkas ng aking kapatid pagkapasok ko sa aming bahay.

        "Agnes!" nilahad ko ang aking mga braso at dali-dali naman siyang tumakbo sakin para mayakap ako kahit nahihirapan siyang maglakad.

        "a..mish-u!"

        "I miss you too."

        "a..lab-u!"

        "I love you too!" parehas kaming napangisi. Maya-maya lang ay nilapitan rin kami ni Mama para saluhan kami.

        Pagkatapos ko maghugas ng pinggan ay may kumatok sa bahay. "Sandali lang!" sabi ko, hindi naman na ako natatakot dahil mahigpit talaga ang seguridad dito saamin. Pagkabukas ko ng pinto ay isang lalaki ang bumungad saakin. May dala-dala siyang cookies. Cookies!

        "Uhm. Hello. Pinapabigay lang ni Mama. Kakalipat lang namin. Doon." Tumuro siya bahagya sa lugar kung saan yung nakita kong may bagong lipat kanina.

        "Thank you." Inabot ko yung cookies. "Welcome! Welcome nga pala dito." Ngumiti ako. Napakurap-kurap naman siya. Medyo makapal yung salamin niya. Average looking guy. Medyo payat. Matangkad, hanggang baba niya lang ako. "Ay! Ako nga pala si Aunelia."

        "Desmond." Ilang segundo kami natahimik. "Uhm. Sige, salamat rin. Mauna na ako." Tumango ako tsaka siya tumalikod para umalis at sinarado ko naman yung pintuan, umakyat na ako para iabot sa aking kapatid ang cookies at pumasok sa aking kwarto. Desmond

All I WantStories to obsess over. Discover now