37.com
Pumunta kami ng Jemu Island dahil dito ang probinsiya ni Daddy at Mommy, nung bata pa kami ay madalas kaming nandito dahil di'ba nga ay wala kaming magulang. Ang nakakainis lang ay out-of-place ako, kasama ni Jay si Danny kaya hindi niya ako masyadong kinukulit. Music, tulog at tunganga ang ginawa ko kanina sa buong biyahe.
Dumiretso ko sa kwartong para sa akin sa bahay ng mga lola at laking pasasalamat kong may dala akong laptop. May wifi na dito! Naligo ako at nagpalit ng damit.
"Jara! How are you? Ready na daw ang lunch!" sigaw ni Jay sa kabila ng pinto ko.
"Yep. Pababa na ako."
Inayos ko ang suot na hikaw at nagpahid na ng lip gloss. Sana naman ay di na pag-usapan ang tungkol sa school dahil di kagaya ni Jay ay medyo mahina ang kokote ko.
"Hi Lola!" at lumapit ako sa kanya para humalik.
"Kamusta ka na?" nakangiti siya sa akin. "Ikakasal na si Jay at magbibigay na ng apo sa akin. Ikaw kaya?"
Nagtawanan sila kaya nairita ako. Naipagkumpara pa rin kami, lagi na lang. Tumayo si Jay at hinila ang upuang para sa akin, to make up siguro from the attention na nakuha niya. Pilit akong ngumiti at nagpasalamat kay Jay. Nagsimula akong kumain at hinayaan silang purihin ng purihin si Jay kahit gusto ko na talagang masuka ngayon.
"Boyfriend ni Jara si Eliseo, Lola."
Natigilan siya sa pagkain at mabilis na tumingin sa akin na para bang may nakakatawa.
"Ang apo ni Manuelito?! Aba ang swerte pala nitong si Jara. Bakit di mo dinala dito?" nakangiti niyang tanong.
Umiling ako at uminom ng tubig. "May outing din po 'ata sila ng mga kaibigan niya," na obviously ay di totoo. "Pwede po bang magsurfing?" pag-iba ko sa topic.
Tumango si Lola. "Oo naman. Mag-ingat ka lang at ang board mo ay nandun sa dati pa din."
Mabilis kong tinapos ang pagkain dahil dun, hindi siguro magsi-surf si Jay, narinig ko kasing dadalhin niya si Danny sa mga Auntie. Sinabi kong susunod na lang ako mamayang dinner doon.
"Mag-ingat ka," paalala ni Jay sa akin habang hinihila ko ang aking surfboard.
Nginitian ko siya. "Kayo din."
Sumandal siya sa akin at niyakap ako. "Sorry kanina," bulong niya.
"Sanay na ako," at hinila ko ang maiksi niyang buhok kaya kumulubot ang mukha niya.
"Damn Jara! Maikli na nga eh!"
Tumawa ako at tinakbo ang layo ng bahay ni Lola sa dalampasigan habang bitbit ko ang board ko. Excited na ako! Napansin kong medyo marami ang turista ngayong araw at apat sa kanila ay namumukhaan ko. Gusto ko na sanang pumunta kela Auntie ng biglang makita ako ni Wynona. Kumaway siya at tumakbo palapit sa akin.
"What a coincidence!"
Ngumiti ako at tinanggap ang yakap niya. "Bakit di niyo sinabi?"
"Aba! We didn't know," at nakangiti siyang tumalon. "Mag-surfing ka?"
"Oo," at nahihiya akong ngumiti.
"Tara," tawag ni Jeph sa akin. "Laban kayo ni Ervy! Champion 'to!"
Umiling ako at mahinang tumawa. "No way. Noob lang ako."
Nagkulitan pa kami kung lalabanan ko pa ba si Evil Boy o hindi. Umabot na kami ng kalahating oras kaya pumayag na din ako, nasasayang kasi ang oras na mag-enjoy ako dapat. Tumakbo na ako palapit sa dagat.
YOU ARE READING
www.PatayKangBataKa.com
Teen FictionJaralynne Austria is in love with all the Asian guy artists. Her dream is to find her own flower boy, someone as handsome as Lee Min Ho, as cool as Jang Geun Suk and as attractive as Jun Matsumoto. One daydreaming day, her bestfriend gave her a link...
