Dalawang put Siyam kong Tanong

190 2 0
                                    

By: anjj_lala

Isa, Dalawa Tatlo

Kasabay ng pagbilang ko

Ang dalawang put siyam na tanong ko sayo

Mahal mo ba ako?

Minahal mo ba ako?

Pinahalagahan mo ba ako?

O pinaglaruan lang dahil ito ang makapagpapasaya sayo?

Dahil ito ang trip mo?

Pero bakit ako?

Bakit ako ang pinag- tripan mo?

Sa dami dami ng babae bakit ako?

Deserve ko ba 'to?

Deserve ko bang mamatay ng paulit-ulit dahil sa sakit na hatid mo?

Deserve ko bang masaktan dahil sa iyong panloloko?

At mawasak ng ganito?

Sana matapos na 'to 'no?

Siguro kasi pagod na ako?

Abuso na 'to?

At gusto ko ng wakasan ito?

Pero meron nga bang katapusan?

Meron bang kawakasan?

Pwede nga bang wakasan? At

Pwede ko kayang takasan?

Para hindi na paulit-ulit na masaktan?

At para sakit ko nama'y mabawasan?

Kasi sawa na akong mabahiran

Ng aking kabitter-an

Alam mo ba kapag nakikita kita sa daan?

Lagi nalamang akong nasasaktan

Pero sayo wala lang

Nadadaan mo lang sa tawanan

Ng iyong kaibigan.

Paano mo nagagawang tumawa?

Para akin namang magaya

Paano mo nagagawang ako'y lagpasan lang?

Na parang estrangherong nag dadaanan

Paanong ako sayo'y wala lang?

Na sa akin parang alaala nating dalawa'y walang hanggan

Talaga bang ako'y iyo lang pinagtripan?

Sumagot ka dahil hanggang ngayon hindi ko maintindihan

Ang mga dahilan ng iyong pang-iiwan

Hindi pa ba ako sapat?

At may iba pang nararapat?

Sa iyong puso na akala ko dati ay tapat?

Unspoken Poetry[Completed]Where stories live. Discover now