Hanggang Ngayon

679 13 0
                                    

By: anjj_lala

Hanggang ngayon di ko alam kung bakit pilit pa rin akong umaasa

Umaasa sa mga bagay na alam kong wala na

Mga bagay nung tayo'y ayos pa

Mga alaala na mananatili nalang ala-ala

Alaala na di ko makalimutan ng ikaw pa ay kasama

Kasamang nangarap na tayo para sa isat-isa

Isat- isang alam kong sira na

oo matagal na

Matagal na ang nararamdamang dapat hindi na

Dapat hindi na pero pilit na iniisip na baka maayos pa

Baka maayos pa ang relasyong talagang sira na

Sira na dahil sa di sinasadyang pagkakamali

Pagkakamali na di na sana lumaki

Maraming bakang nanggugulo sa isip ko

Sa isip kong magulo

Alam kong malabo

Malabong mabalik ang mga kahapong sa ati'y  nagpakilig

Nagpakilig hanggang sa tayo'y nasanay na

Nasanay sa mga bagay na ngayo'y wala na

Wala na pero sana meron pa

Meron pa na gusto kong sabihin sayo na

Hanggang ngayon mahal pa rin kita

____

Unspoken Poetry[Completed]Where stories live. Discover now