CHAPTER 2: Hello Mahal, I Exist!

Magsimula sa umpisa
                                    

"At kaya ba kinuha mo yung course na HRM dahil katabi ng building niyo yung building nila?"patuloy pa din sa pagkain ng sandwich ko si Mischa. And this time, pati yung juice ko iniinom na din niya.

"Oo! Eh kesa naman sa mag-Engineering din ako? Yech. I hate math!!"

"Jusko naman Tiffy! As if naman pag nakita ka niya ngayon, papansinin ka nung lalaking yun? Eh ubod ng sungit nun! Naalala mo nung highschool tayo? Suplado siya sa mga fans niya."Pagkakuha niya sa juice ko, kinuha naman niya pati yung chocolate na sinesave ko for my dessert.

"Highschool yun okay? Malay mo nagbago na siya ngayong college na tayo. 2 years na din siyang college student no," Kukunin ko na sana yung natitirang chocolate bar ko na nakatago sa pinaka-sulok ng lunch box ko... nang mapansin kong kinakain na ito ni Mischa. "at isa pa..."

"Anyo yown?"

Halos hindi ko na maintindihan si Mischa sa sinasabi niya dahil nguya ng nguya pa din ang loko! Tama ba namang kainin niya yung nakareserve kong chocolate?!

Tinignan ko siya ng masama at inagaw ko sa kaniya ang natitirang chocolate na sana ay kinakain ko na ngayon. "Bakit kanina mo pa kinakain baon ko? Wala ka bang baon?! Kakaasar ka! Tinabi ko nga ung chocolate dahil kakainin ko yun eh! Tapos inubos mo pareho! Kakainis ka!!!!"

"Sorry na Bestie! Medyo na-i-stress kasi ako sa kwento mo kaya ako napakain ng di oras sa baon mo! Hehe~ Tsaka alam mo namang fan ako ng mga niluluto mo. Masarap kasi!!" patuloy pa din siya sa pagkain niya ng last bar ng chocolate ko. Huhuhuhu, my chocolate bars, they're now gone!

"Hoy, bayaran mo yung chocolate na inubos mo ha!" pagmamaktol ko sa kaniya. Sobrang di ko pa din matangap na inubos niya yung chocolate ko. Huhu! "Ibili mo ko mamaya sa Mini Stop!"

Iniligipit ko na yung baunan ko na na kanina pa naka-Hello World. Bastos na Mischa, walang pakundangan na nga niyang kinuha yung baon ko, hindi man lang niya sinara ng mabuti yung baunan ko. *pouts*

"Tiffy!!!!! Tiffy Tiffy Tiffffyyyy!!!!" bigla na lang ako tinapik ni Mischa ng sunod sunod. Infairness, masakit ha. -_-

"Ano ba yun? Isa-isa lang! naririnig kita!" Ano ba kasing meron at kung makatapik tong kaibigan ko, parang walang bukas?!

"Si- si- Si Chase!"

May tinuturo si Mischa at tumingin naman ako doon sa direksyon kung saan ito nakaturo.

Parang huminto ang oras nang makita ko ang lalaking matagal ng nagpapatibok ng puso ko. Tila nagkaroon ng slow motion ang buo kong paligid. After 1year, finally, nakita ko na ulit siya.

Yung lalaking unang nagpatibok ng puso ko.. naglalakad siya ngayon sa harap ko!

Kung su-swertehin ka nga naman oh. First day na first day ko sa college life ko, nakita ko agad si Mahal ko. Jackpot! Hindi niya ako kilala. Pero simula sa araw na ito, makikilala na niya kung sino si Tiffany Aurea Dash dela Vega. Simula sa araw na ito, papasok na ako sa mundo niya... Eeksana na ako sa kaniyang buhay! Dahil wala akong balak na habang buhay ko na lang ilihim itong pagsinta ko sa kaniya.

Dash, now entering Chase's life!

"Tiffy! Saan ka pupunta?!"

"Pupuntahan ko ang happiness ko!"

Walang pagdadalawang isip akong tumakbo palapit sa kaniya. Sasabihin ko na yung matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya, na hindi ko nagawa nung highschool pa ako. Hindi ko na palalagpasin ang pagkakataon na ito. Magpopropose na ako sa kaniya!

Dali dali akong tumakbo hanggang sa nasa harap ko na sila. Nagulat ang mga kaibigan niya ng nakita nila akong nakatayo sa harap nila. Nang nakita kong nakatingin sa akin si Chase, para akong nanigas sa kinatatayuan ko. Finally, nakita na niya ako! Alam na niya ang existence ko!

"Kaibigan mo?" tanong nung isa niyang kasama na lalaki. Matangkad ito at medyo tan ang kulay. Sa tindig at porma pa lang, alam mong mayaman ito. Medyo matapang ang facial features niya.

"Hindi." Malamig na sagot ni Chase. OUCH! But true. Hindi naman niya kasi ako kilala nung High school pa kami. Pero atleast ngayon makikilala na niya ako! Hello Mahal, I exist!

"So, kakilala mo?" usisang tanong ng isa niya pang kasama. Average ang height nito, at maputi. And oh, ang bango niya! :O Ang lakas ng amoy ng pabango niya. O_O Yung mata niya, medyo maliit kaya mukha siyang parang palaging nakangiti.

"Hindi." Ang monotone ng boses ni Chase. -_-

"Ah, must be one of your fans." Nagsalita ulit yung isa niyang friend. Yung Tall, dark and handsome friend niya.

Fans? So ibig sabihin, habulin pa din hanggang sa college si Chase? Wah! Ang dami ko pa ding karibals!!!

Shiz, bawal magpatumpik-tumpik dito! Ngayong alam kong madaming fans si Chase, isa lang ang ibig sabihin nito: MADAMI AKO KARIBAL! At mahihirapan akong mapasaakin si Chase! Kailangan gawin ko ang lahat para makuha ko ang puso niya. Wag na natin itong idaan sa santong dasalan!

I gave him my most genuine, sweetest, and beautiful smile at nagpakilala sa kaniya.

"Hi Chase! I know you don't know me, but I know you! Ako nga pala si Tiffany Aurea Dash dela Vega. But you can call me 'Dash'!"

Nakangiti lang sa sakin yung dalawa niyang kaibigan. Para ba silang nanonood ng nakakatawang palabas. Pareho pa silang nakangisi! Pero I don't mind. Ang importante, maramdaman ni Chase na sincere ang pagpapakilala ko sa kaniya.

Speaking of Chase, wala pa din siyang reaction. Nakatingin lang ito sa akin na para bang nabobored siya. Emotionless. Parang robot.

Inilahad ko ang kamay ko sa kaniya at lumuhod sa harap niya. Nagulat naman yung dalawa niyang kaibigan dahil sa ginawa ko. Yung mga tao sa paligid namin, nanonood na din sa amin. At wala akong pakealam! Dahil sa oras na ito, isa lang ang importante para sa akin: ANG MAKAPAG-PROPOSE KAY CHASE!

"Please be my boyfriend!"

Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata ng kaibigan ni Chase. Yung mga tao sa paligid namin na kanina lang ay nanonood, ngayon ay nagbubulungan na. Yung iba na-wi-wirduhan sa ginawa ko. Yun iba, natatawa. Ang kanina kong bestfriend na naiwan ko sa pav, ngayon ay nasa tabi na pala namin. Gulat na gulat siya sa mga pangyayari. Meron pa nga akong nakitang nag-vivideo sa akin eh. Shiz, hindi pa ako handang ipagkalat sa buong mundo namagiging boyfriend ko na si Chase!

Lahat sila may expression at reaction, maliban kay Chase! Oh come on, don't tell me hindi niya naintindihan ang ginawa ko kaya di siya nagrereact? Ang linaw linaw ng sinabi ko. Gutso ko siyang maging boyfriend!

"Wow dude, kakaiba tong fan mo ah! Ibang iba sa iba mong fans!" natatawang sinabi ni Mr. Jolly friend.

"Oo nga dude. Yung iba, hanggang letters at patagong pag-tingin lang ang kayang gawin sayo. Pero itong isa, iba. Nagpropose pa sa harap ng madaming tao! Wow, ang haba ng hair mo dude. Ikaw na ngayon ang pinagpo-proposalan!" walang tigil sa pagtawa itong si Mr. Tall, Dark and Handsome. May nakakatawa ba sa ginawa ko?!

Teka, parang mas gusto ko pa ngang pagtawanan ako ni Chase eh. Atleast alam kong na-absorb niya yung mga sinabi ko. Pero hindi! Hindi pa din siya nagrereact! Wala siyang comment man lang. At hindi nag-iba ang expression ng mukha niya. Bored. Blank. Emotionless!

Nagsimula na siyang maglakad. Sinundan naman siya ng mga kaibigan niya habang patuloy pa din sila sa pagtawa. Nakalagpas na siya ng konti sa akin ng bigla siyang lumingon sa kinaluluhuran ko (yes, hindi pa din ako natitinag sa pwesto ko!) at nagsalita.

"Get out of my sight."

"Eh?" - ang lame ng reaction ko sa sinabi niya. Yun lang talaga ang nasabi ko dahil sa shock na naramdaman ko dahil doon sa sinabi niya.

For the last time, tumingin ito sa akin, at nagtama ang aming mga mata. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko! Sh*t, ang gwapo niya talaga.

"I hate depsperate girls like you."

SHOCK.

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon