Chapter 5 (LHWW)

2K 44 0
                                    

Fifth chapter:

Pumikit ako ng isang beses at pagkadilat ko ay nakangiti pa din sa akin si Princeton. Ano sabi niya? Pumikit ulit ako at dumilat ulit. Tumawa siya sa ginawa ko at binitawan na ang kamay ko.

“Merichelle.” Sabi niya tapos hinawakan naman niya ang magkabila kong pisngi. “I know we just met a few days ago and we still do not know each other but I am sure with my feelings for you. Nung makabangga kita sa harapan ng company niyo ay iba na ang naramdaman ko sa'yo. I like you so much, Merichelle Tang.”

Pumikit ulit ako at dumilat. Tapos isa pa. Tapos isa pa—

“Haha. Ang cute mo magreact kaya mas nagugustuhan kita eh. Tara na nga sa audition room.” Tinayo na niya ako at naglakad kami. Hindi ko namalayan na nakarating na kami sa harap ng pinto ng audition room kasi nalula ako sa sinabi niya. Hindi ako makapag-isip ng kung ano dahil sa sinabi ni Princeton. Am I dreaming?!

“Uy. Okay ka lang?” tanong niya sa akin. Humarap ako sa kanya tapos pinisil ko ang pisngi niya.

“Totoo nga. Wahhhh!” sigaw ko tapos humarap na ako sa kanya. Nakangiti na nakakunot ang noo ni Princeton. Magsasalita sana ako pero napatingin kami ng bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Lolo.

“Nandyan na pala kayong dalawa. Get inside at malapit na magsimula.”

“Kasali ako, Lo?” tanong ko.

“Yes. Isa ka din sa mga pipili ng students.”

Pumasok na kami sa loob at nagsimula na din ang audition ng ilang minuto. 100 students ang nag-audition ngayon at pipili lang kami ng 70 students para sa next audition. Dancing ang pinakita nila ngayon at lahat sila ay magagaling kaya nahirapan kaming pumili ni Princeton. Yeah, Kaming dalawa lang ni Princeton ang judge. Madami din ang nanunuod sa audition ngayon.

“Okay. Thank you sa mga nag-audition ngayon. All of you did a great job! Sa 70 students na napili, Congratulations sa inyo and next will be singing.” Sabi ni Lolo matapos naming iannounce ni Princeton ang results.

Pagkatapos nun ay hinatid ko si Princeton sa sasakyan niya. 7:00 na din ng gabi kaya kakaunti na lang ang sasakyan sa parking lot. Ang tahimik pa kaya biglang pumasok sa isip ko ang mga sinabi ni Princeton kanina sa garden.

“Thank you for this day, Merichelle. I really had a great and wonderful time with you.” Sabi niya at ngumiti sa akin.

“Thank you din, Princeton. Ako din, Nag-enjoy ako kasama ka.” Sagot ko naman sa kanya.

“Merichelle, All the things I told you awhile ago was all true. I really like you. Will you give me a chance to prove my feelings for you?” Hindi na ako nag-isip sa isasagot ko dahil ito naman ang gusto ko eh.

“Prove to me, then. Sweet efforts are better than sweet words, right?”

After 2 months.

2 months passed at talagang napatunayan ni Princeton ang sinabi ko sa kanya nung bigyan ko siya ng chance nung nasa parking lot kami ng school. Lagi niyang pinapadama sa akin kung gaano ako kahalaga sa kanya. Kahit gaano pa siya kabusy sa pagiging CEO niya ay hindi iyon naging hadlang.

Sa 2 months na iyon, Madaming nangyari. My feelings for him changed. I started to love him, Yeah, Love. I think he’d done enough efforts to show his love for me. Nakapili na din kami ng 50 students na magpeperform para sa collaboration project ng Royal Star and Dream Team Entertainment. Main producer pala kami and co-producer lang ang RSE. ‘Concert for a cause: Mason Foundation’  ang pangalan ng project na iyon. Lahat ng makukuhang pera ay mapupunta sa foundation na iyon. Next month naman gaganapin ang concert na ito.

Loving Him Was Wrong (Completed)Where stories live. Discover now