"P-Parang kayo lang ni Scarlet," kusang paliwanag niya nang mapansing nakatingin sa kanya si Lance na noon ay nagtataka sa tila pagiging ususera niya.

Lumingon si Lance sa magkatipan. Pagkuway sumagot ng ngiti kay Clarisse at saka muling nagbasa sa tablet.

"Ahmmm... Lance hanggang saan mo kayang tanggapin ang taong mahal mo?" she asked after being reminded by the sweet couple in front of them.

Napakunot ng noo si Lance. It's hard to believe his boss just voluntarily opens a topic about love. Pero kahit nagulat siya'y hindi niya ito pinahalata. It's a very rare chance to talk to the lawyer about personal matter kaya naman agad niya itong sinakyan.  "I can accept everything. Kaya mo nga mahal di ba? You should love both the ugly and beautiful things about that person."

"How about sa mga kasalanang pwede niyang magawa sayo. Hanggang saan mo siya kayang patawarin?" untag pa rin ng abogada.

"Hmmm... depende. Since I love the person I can definitely forgive her sa lahat ng magiging kasalanan niya... pero kung gaano ko siya kabilis mapapatawad ay nakadepende sa bigat ng naging kasalanan niya," Lance answered while secretly glancing at Clarisse. Nagdududa ito sa mga kakaibang tanong ng kausap.

"P-Paano halimbawa kung nalaman mong nagtaksil siya sayo?"napapainom ng tubig ngunit kunway patay malisya pa ring tanong ni Clarisse.

He was silenced for a moment. Nahuli na naman ba ng abogada na nagtataksil ang asawa? Is she currently weighing her feelings and indirectly asking for his advice?

"Of course siguradong magagalit ako sa una but I think I'll spend time too to examine myself. Hindi lang naman siya ang pwede kong sisihin sa lahat. Possibleng may nagawa din akong mga pagkukulang para pagtaksilan niya ako."

Namilog ang mga mata ni Clarisse. "Y-You mean patatawarin mo siya and you're not going to break up with her? You'll consider the mistake as a learning lesson in a relationship, right?" she said with excitement.

"Hmmm...." he paused momentarily to think. "That's possible, I don't want to be impulsive. I'll do my best to save our relationship. Kapag mahal ko kasi ang isang tao, lahat ng pwede kong gawin para huwag siyang mawala sa akin ay gagawin ko."

Umangat ang isang sulok ng mga labi ni Clarisse. Medyo gumaan ang pakiramdam niya sa sinabi ng lalaki. She knew from the start na mas nangingibabaw pa rin sa kasama ang pagmamahal kesa sa ego. Kung katulad niya si Lance noong mga panahong nahuli niyang pinagtataksilan siya ng mga naging boyfriend, siguro kahit isang relasyon ay meron siyang naipaglaban...at siguro ay hindi siya nag-iisa ngayon. Although masakit sa pride na tanggapin, natutuwa siyang hindi niya kagaya mag-isip ang assistant.

Love Me TooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon