Chapter 24- The Riddles and Potion

248 20 0
                                    

***

"Tapusin na natin to Red. Pareho lang tayong lumalaban rito." Pinahid ni Hershey ang pawis na tumutulo sa noo niya. Inangat ang hawak na espada bago buo ang loob na sumugod sa dalaga.

"Carry on. Ngunit hindi mo mababago ang katotohanan, na magkaiba tayo ng ipinaglalaban." Pagmamayabang ni Red saka isinangga ang hawak niyang abaniko.

***


"Kyaaaaaaaaaaahhhh!" Namayani ang tili ni Alcoriza nang pagpasok pa lang niya sa bahay ay sinugod na agad sya ng isang berdeng parrot.

"Panauhin! Panauhin!" Paulit ulit na sambit ng parrot habang nahintakutang napasigaw sina Alcoriza at Emm.

"Perry tumigil ka." Sambit ni Lucia nang dumapo ang parrot sa balikat niya. Mukhang alaga ito ng bruha. Ang naisip agad ng dalawa. Nagkatinginan sila at sabay napalunok laway. Hindi yata nila kakayaning manatili pa rito ng ilang minuto.

Inilibot ng dalaga ang paningin. Napangiwi siya nang makita ang itsura ng kwarto. Napupuno ito ng iba't ibang kulay ng usok sanhi ng mga potions na ginagawa ng babae. Sa gitna ay isang malaking kawa na may kumukulo pang potion.

"Ang huling sangkap.." Gumuhit ang mala-demonyong ngisi sa labi ni Lucia nang ilagay ang isang hibla ng buhok na hinigit pa niya sa buhok ni Alcoriza sa mismong pagpasok nito. Ito ang huling sangkap upang magawa niya ang potion na makapagpapabago sa kanyang anyo, ang isang hibla ng buhok mula sa isag ordinaryong taga-ibabaw.

"A-anong ginagawa nya?" Nanlalaki ang matang tanong ni Emm.

"Ssshhhh." Puna ni Alcoriza. Sa isang iglap ay umalingawngaw ang malakas na halakhak ng bruha. Nagkalat ang makulay na usok sa buong kwarto.

Napapikit sila at napaubo dahil sa mga nalalanghap. Mayamaya ay nawala ang usok kaya't naimulat agad ni Alcoriza ang mga mata niya. Napanganga na lamang sila sa nakita.

Sa harap nila ay nakatayo ang isang napakagandang babae. Itim na itim ang buhok, maputi at sa balikat nito ay ang berdeng parrot na nakadapo. Wala na ang bruhang si Lucia.
Asan na siya?!

"L-Lucia?" Takang tanong ni Emm sa babaeng kaharap.

"Hahaha! Malaya na rin ako sa wakas!" Di makapaniwalang sambit ng babae na si Lucia. Agad niyang hinaplos ang makinis na balat at pisngi na wala nang bakas ng katandaan. Mas bumata siya ng limampung taon kaysa sa dati niyang hitsura.

"W-what the heck." Manghang mangha na saad ni Alcoriza at tinitigan ang magandang babae na si Lucia. Hindi siya makapaniwalang totoo ang nasaksihan nyang magic.

Sa labis na tuwa ay nagtatalon si Lucia. Nagkatinginan naman ang dalawang magkaibigan.

"E-excuse me? Alam naming maganda kana. Maaari na ba naming makuha ang potion?" Singit ni Emm na naging dahilan para matigil sa pagtawa si Lucia.

"Potion? Maaaring kunin?" Nakataas ang kilay na sambit niya.

"HINDI MAAARI!!" Malakas na bulyaw ng bruha. Halos tumalon sina Alcoriza at Emm sa sobrang gulat lalo na nang panlisikan sila ng mata nito. Makailang minuto lamang ay muli itong humalakhak.

"Eto ba ang kailangan nyo?" Nakangisi si Lucia at ipinakita ang isang mahiwagang botelya na hawak niya. Aabutin na sana ng dalaga ang botelya pero agad itong inilayo ni Lucia.

"Pinaglalaruan mo ba kami?" Nagtitimping tanong ni Alcoriza at nakuyom ang kamao dahil sa inis.

"Bago nyo makuha ang potion, kailangan nyo munang makasagot sa aking mga bugtong." Hamon ng bruha. Tinitigan niya ang dalawa na halos hindi makapaniwala sa naririnig.

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon