Chapter 23- Lucia The Witch

Start from the beginning
                                    

"Sigurado ka ba sa pupuntahan natin?" May pangangamba sa tinig ng dalaga.

"Sa tingin ko?" Hindi siguradong sagot ng kausap. Pinalipad agad ni Emm ang sinasakyang dragon papalapit sa bundok. Hindi pa sila nakakalapag nang kusa itong umatras na tila mawawalan ng balanse.

"Lagot na. Huwag kang titingin sa baba." Kinakabahang sambit ni Emm nang makita ang napakalalim na ilog na babagsakan nila. Hindi pa sila nakakatiyak kung may naninirahan bang buwaya rito o wala kung sakaling mahulog sila sa mula sa taas.

"UWAAAAHHHHHHHHHHHHHH!!!!"

Umalingawngaw ang tili ni Alcoriza nang tuluyan na silang mahulog sa napakalalim na ilog. Sisinghap-singhap si Alcoriza nang magawang maiangat ang ulo sa tubig. Medyo malakas ang alon at hirap siyang hanapin kung asan na si Emm.

"Emm!"

"Andito ako!" Nakita niya ang humahangos na binata palapit na sa pampang. Walang paligoy ligoy na sumisid na rin ang dalaga papunta sa kaibigan. Habol ang hiningang gumapang ang dalawa sa pampang. Lupaypay at lumalawit na ang dila.

"Phew!"

"Uhuhu. Akala ko malulunod na ako." Himutok ng nanlulumong si Emm. Basang basa ang damit nila. Agad tumayo si Alcoriza at tinanaw ang maliit na bahay sa medyo taas ng puno. Tingin niya ay may naninirahan rito.

"M-malapit na tayo." Tinuro niya iyon kay Emm.

"P-papasok na ba tayo?" Nag-aalinlangang tanong ni Emm sa dalaga. Inilibot pa nito ang paningin sa maliit na tree house. Napapalibutan ito ng malalaking baging at matataas na damo. May kadiliman rin ang paligid at hind gusto ng dalawa ang atmosphere na sa paligid nila.

Nakakatakot.

"Nimrod. Syempre kakatok muna tayo." Sarkastikong sambit naman ni Alcoriza bilang pambara sa sinabi ng kaibigan. Ang totoo ay sinabi lang niya iyon para alisin ang nararamdamang kaba.

"Sabi ko nga--" Di pa nila nagagawang kumatok sa pinto ay kusa na itong bumukas. Nagkanda-luwa luwa ang mga mata nila sa sobrang takot at gulat nang tumambad ang isang nakakatakot na pigura ng babae.

Mahaba ang itim na buhok nito, may matulis na baba, kulubot ang balat at may hawak na tungkod. Nakangisi ito sa kanila habang bitbit pa ang dala niyang walis.

"Oh Diyos ko.." Napangiwi si Emm sa sobrang nerbyos na nararamdaman. Tila nanghihina na ang mga tuhod niya at gusto nang manginig dahil sa takot.

"Mga nilalang na taga-ibabaw?" Tanong ng bruha gamit ang matinis na boses. Lalo lang nahintakutan ang dalawa. Lumunok si Alcoriza bago nagsalita.

"Kami nga. Ikaw ba ang mambabarang na si Lucia?" Kinakabahan nyang tanong. Naningkit ang matatalas na mata ng bruha at tinitigan silang mabuti.

"N-nandito kami para sa isang potion. Nanganganib ang Agartha. Kailangan namin ng tulong mo." Tiningnan sila ng bruhang si Lucy na parang naninindak. Napatago tuloy si Emm sa likuran ni Alcoriza dahil sa takot.

"Ang potion ay sagrado. Wala pang naglakas loob na lumapit sakin para hingin ang bagay na iyon. Kundi kayo lang." Napatango tango si Lucy at inalis ang itim na hood niya.

"Sumunod kayo sa akin." Aya nito nang tuluyang pumasok sa loob ng tree house. Susunod na sana si Alcoriza nang pigilan sya ni Emm.

"Huwag. Base sa mga nababasa ko sa mga libro, tuso ang mga bruha. Hindi natin alam ang mangyayari kapag pumasok tayo sa loob." Giit ni Emm pero di nagpaawat ang dalaga. Agad niyang iwinakli ang kamay nito.

"Para to sa Agartha." Pagkasabi nun ay dire-diretso siyang pumasok. Napasunod na lamang ang di mapakaling si Emm kahit labag sa kanyang kalooban.

***

Napangiwi si Neva nang mapalo siya ni Red sa bandang hita. Dahil sa nangyari, napaupo na lamang sya at di makagalaw. Tila naparalisa ang katawan niya sa ginawang paghampas sa kanya ng dalaga.

Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang sunod sunod na patalim na tatama sa kanya. Pinilit niyang makagalaw pero di nya talaga kaya. Naisangga na lamang niya ang hawak na arnis. Saktong sinalag ni JhunaMae ang mga paparating na patalim upang protektahan ang kaibigan.

"Ayos ka lang?" Tanong ni JhunaMae at agad nagpalipad ng mga pana papunta kay Red.

"JhunaMae yuko!" Umalingawngaw ang sigaw ni Hershey. Agad napalingon si JhunaMae sa dalaga nang bigla na lang siyang matamaan ng isang patalim.

Bumaon ang talim nito sa hita niya. Umaagos ang dugo na napaupo ang dalaga sa sulok habang tawa lamang ng tawa si Red. Ramdam na ni JhunaMae ang unti-unti niyang panghihina dahil sa sakit.

"You bitch." Mura ni Hershey kay Red nang makita ang kalunos lunos na kalagayan ng dalawang Muskeeters.

"Paano ba yan? Ikaw na lang ang natitira." Nilaro laro ni Red ang dulo ng pula nyang buhok at ngumisi ng nakakaloko.




***

Agartha | Published Under KM&H BLACK PAPER FOREST PUBLISHING HOUSEWhere stories live. Discover now