2;

4 0 0
                                    

2. Curiosity Kills The Cat
"Shems, sino ba kasi 'yun?"

"Uy, Tita." Tawag ko kay tita habang tumabi ako sa kan'ya. 'Di ko alam kung magtatanong ba ako, o ano.

"Ano?" Tanong n'ya habang may tinitignan s'ya sa mga papeles.

"Ah, wala." Nag aalinlangan talaga ako magtanong, eh. Baka naman kasi isipin n'ya interesado ako du'n sa lalaking narinig ko kanina. Bago ako umalis sa opisina ni tita para tanungin si Nicca, bigla kaming nagkasalubong. "Uy, Nicca! May tanong ako sayo."

"Oh, ano 'yun?" Tanong n'ya sa'kin na akala mong walang gana makipag usap.

"Uh, ano. . ." Naghihintay s'ya ng itatanong ko. Itutuloy ko pa ba? Bigla s'yang humakbang palayo at hinila ko s'ya bigla. "Uy, ito na! Atat ka naman masyado, eh. Ano . . . kilala mo ba 'yung kumakanta kanina?" Sa wakas, nagkaro'n ako ng lakas ng loob magtanong!

"Ah, bakit? Interesado ka?" Tanong n'ya ng akala mo may paghuhusga sa tono.

"Hindi, ah!" I denied. "Interesado lang kung sino s'ya, kasi maganda taste n'ya sa kanta."

"Kanta lang ba talaga?" May panloloko sa boses n'ya habang tinanong n'ya ako. Ang gulo naman ng mood swings nito.

"Oo nga, kulit. At saka, maganda din boses, feeling ko bagong tutor dito sa tutorial." Paglaban ko habang nakatungo sa kan'ya.

"Ah. Siguro nga bago. 'Di rin familiar boses, eh, pero feeling ko makaka-close ko s'ya. Lahat naman ng tutors, close ko, eh." Tumango na lang ako, nagpasalamat, at pumunta sa kwarto para kunin mga gamit ko. Ang tinatanong ko lang naman sa kan'ya kung kilala n'ya, hindi kung magiging close n'ya ba o hindi. Jusko naman.

"Tita, aalis na po ako. Pahatid na lang po kay Tito." Paalam ko kay tita habang nagsusuklay ng buhok na alam ko namang magugulo ulit dahil kaskasero mag drive si tito. I laughed mentally because of the thought I had in mind.

"Sige, sige. Sabay ka na sa mga tutor ko, at paalis na rin 'yung iba." Nagulat ako sa sinabi ni tita, pero hindi na ako nakapag inarte, kaya ito ako ngayon, diretso lakad papunta sa tricycle ni Tito.

"Ako na lang po sa back ride." Sabay naming sabi nu'ng isang lalaki na siguro tutor. Napatahimik ako at tumango na lang, at dumiretso sa may loob. Shemay, mas mapapadikit ako sa mga lalaki. Puro pa naman lalaki na andito, jusko.

Du'n dapat ako uupo sa may maliit na upuan, ng biglang sinabi nu'ng maputi na ngumiti sa akin kanina sa kusina, "Dito ka na lang, oh. Nakakahiya naman." Ang cute ng boses n'ya, kaya tumango na lang ako at naiwan akong katabi 'yung kaninang lalaki na nakasama ko sa kusina nu'ng una pa lang.

"Hi, ano pangalan mo?" Tanong nu'ng ngumiti sa akin kanina. Namula ako bigla, at nagstu-stutter sa pag salita. "A-ano, Dyan."

"'Di ba, 'yun 'yung sinasabi 'pag hindi 'yun 'yung bagay na 'yun? Kunwari, sabi nu'ng isa, 'ito ba 'yung sinasabi n'ya?' ta's sasagutin ko ng 'hindi, Dyan 'yun'." Napangiti ako bigla sa joke. Ang corny n'ya, pero nakakatuwa. 'Yun din iniisip kong joke sa pangalan ko, eh.

"Hala, tawanan mo naman, Dy." Naglabas ako ng maliit na tawa kasi kakulit. "Dy na lang itatawag ko sayo ah?" Ba't kakulit n'ya? Napatawa ako lalo at sinagot s'ya. "'Yun talaga nickname ko. Uh, ano. . . Kayo ba? ano pangalan n'yo?" 'Di ko mapigilan tanungin, kasi nahihiya akong isipin na wala silang pangalan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MelodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon