Prims' Note:
hahaha sorry kung lame ang ud nato. tinamad ang author eh.
Joke. di oy, actually itong chap na to ay filler lang thou kahit filler lang to isa din itong mahalagang part para sa introduction ng other minor characters ng story na ito.
Kung sino-sino man sila...
hahahaha
Abangan niyo nalang
Chapter 6: Music Room
Steph's POV
School na naman di ko nga inaasahang mamimiss ko ang school. Matapos ang malagim na weekend ko na puno ng walang katapusang supresa. Di ko nga alam kung ano na ang mangyayari sa akin eh pagkatapos nun nangyari nung sunday.
It's been 3 days after nung nalaman ko na si Johnny Torres ang aking fiance. Well masaya ako na absent siya hangang ngayon dahil pumunta sila ng family niya sa Japan upang bisitahin din ang lola niya at mga relatives doon. Nagpapasalamat talaga ako na di pa siya pumapasok dahil hindi ko talaga alam kung anong mukha ang ihaharap ko sa kanya.
Aaminin ko, iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko na magkikita kami ni Johnny. Maraming tanong ang gumugulo sa isipan ko. Ano ba ang magiging reaksyon namin sa isa't isa? Dapat bang may makaalam na ibang tao sa sitwasyon namin? Seryoso ba siya sa sinabi niya?
Ayyy. Ewan! Bahala na si Batman!
Nandito pala ako sa may hall papauntang Music room.
Music room? Hahahah. Wala man sa itsura ko pero kasali ako Glee club ng school ko. Kaso dahil may incurable phobia ako. Char! Stage fright lang oi, kaya di ako kahit kailan nakitang kumanta sa stage. Ni wala ngang ibang naka-alam na kasali ako sa Glee club eh, syempre maliban lang kay Xy at nila.....
"Mali nga yan!! Dapat ganito." -voice 1
"Engot, Dapat ganito para mas bumagay sa kanta"-voice 2
"Seryoso? Di ba para tayong mga sira nyan?"-voice 3
"Oo nga para tayong mga gagong manok na sumasayaw."-voice 4
"Hahahhahaha....Manok.."-voice 5
"Tahimik ka dyan...pfft...hahahaha"-voice 6
"Edi ganito nalang pala?" -voice 7
Sino ba to? Nasa may malapit na ako sa may pinto kaso may nagsalita nanamang ibang boses.
"Sa tingin niyo bagay ba ito?"-voice 8
"Ehhhh? Yan ang susuotin natin?"-voice 9
"Sa tingin ko di yan babagay sa kanta natin." -voice 10
"eto, tikman mo masarap to."-voice 11
"Asshht ano ba ang ginagawa mo? Sa halip na kumaiin ka dyan tumulong ka kaya?"-voice 12
"Alam niyo ingay niyo talaga..." -voice 13
Di na ako nakaatiis. May pagka-echosera talaga ako eh. Pero yung mga boses na narinig ko ay sobrang Familiar sa akin eh. Di naman bawal pumasok eh. Dito naman talaga ako papunta tsaka memeber ako kaya pwedeng-pwede ako pumasok no.
At ayun pumasok ako.
O_O
"Senpai tachi?"
*Ciao
________________________________________
YOU ARE READING
Love Monster ~ONHOLD~
HumorSa simpleng buhay na puno ng kulay ganon pa ang buhay ni Stephanine bago dumating ang isang will na babago sa buhay niya. meet the CRUSH meet the FIANCEE meet the ADMIRER and meet the lucky (lucky nga ba?) LOVE MONSTER A story by SHINeengPrimadonna ...