Chapter 4: The Flashback

Start from the beginning
                                        

"Ah!! Oo, ang saya kaya nung party niya after that day! And napanindigan niya naman 'yung sinabi niya na yung taon na 'yun ang pinakamasaya!"

Ganun! Sino ba kaibigan nito si James o ako?? Tss. Nakasama siya sa party nun? Grabe ako nga di ako invited nun eh!

"Kainis nga 'yung araw na 'yun eh!"

"Huy! Ok lang, Naging Vice President ka naman ah! Kaya ok lang!"

"Yun na nga eh! Vice ako so palagi kaming magkasama! Lalo na 'nung sa partner kami sa Science Lab"

"Ay!! Oo ano ba nangyari nun?"

*Flashback*

"Class! Today we will disect a frog! I will choose who is going to be your partner for this activity" sabi ni Ma'am. Sana naman ma-kapartner ko si Mina, dahil favorite niya ang pag-disect ng hayop!

"Ok Mina, you will be partner with Katarina, Belle, your partner is Mr. Angeles.. Get to your tables now.!"

Ano? Ma'am paki-ulit nga po. Nag-buffer pa eh. Di pa fully sync sa utak ko. Lab partner ko si James?

"Class! Get your frogs in here." sabi ni Ma'am, sabay turo sa may sink malapit sa table niya.

"Belle! Hi! LAB PARTNER! HAHAHA"

Ito na pala yung umag na 'yun. Para maka-ganti siya papakuhanin ko nung palaka!

"Hoy! James, ikaw na yung kumuha nung palaka, ako na magdi-disect. Bilisan mo baka maunahan ka pa!"

"Aba! Hindi sabay tayong kukuha nung palaka at sabay din tayo mag-disect. Ano ako magpapakahirap kumuha tapos ikaw mag-disect ka lang diyan. Unfair naman!"

"...... Sige na nga!"

Pumunta na kami sa sink. Ang daming palaka! Croak ng Croak! Ok lang naman at nasa loob sila ng net!

"James ikaw na kumuha aat i-lagay mo sa Jar. Ako na maghahawak ng Jar"

"Uhm.. Sige na nga"

Pinasok ni James yung kamay niya sa may net. Nung una dumudulas sa kamay niya yung palaka. Naka 5 ulit ata siya at sa pang-anim ay nakuha niya at nalabas niya sa net ng hindi dumudulas.

"Oh! Buksan mo na yung jar! Bilis! Baka dumulas pa 'to sa kamay ko!" sigaw sa akin ni James. Na parang diring-diri sa palaka

Pinipilit ko tuloy buksan.. Nang nabuksan ko na, nakita ko wala na 'yung palaka sa kamay ni James.

"James.... nasan na yung palaka?" kalamado kong tanong sa kanya na may kasamang kaba.

Nakita ko lang siya na nakatitig sa ulo ko. Parang timang, OMG nasa ulo ko 'yung palaka...

"Uhm.. Oo sige. Kunin mo na bilis. Bilisan mo!!" sabi ko sakanya habang ina-abot niya yung palaka sa ulo ko.

Lumalapit yun dibdib niya sa mukha ko kaya pinikit ko 'yung mata ko. Mabango naman pala 'tong umag na 'to.

After 5 minutes. Di ko parin dinidilat yung mata ko dahil baka tumalon sa mukha ko. Eeew!

"Ms. Villanueva, anong ginagawa mo diyan? Nakakuha na si James ng palaka ah! Bakit ka nakapikit?" sigaw ni Ma'am kaya bigla akong dumilat. Nakita ko ako na lang 'yung tao sa sink at lahat sila nakatitig sa akin. Pagkatapos ay sabay silang nagtawanan.

Letse talagang James na 'yan ang sarap sagasaan ng 10 truck! Bumalik na ako sa table namin ni umag na hiyang hiya sa nangyari.

"Hoy! Bakit di mo naman sinabi na nakuha mo na yung palaka sa ulo ko?" mahina kong tanong na may kasamang inis.

"Bakit sino ba nagsabi na nasa ulo mo yung palaka? Hahaha" asar na sagot ni James.

Hmm. Nakakairita talaga 'to! Oo nga naman wala naman siyang sinabi na nasa ulo ko yung palaka. Pero kahit na, nakakaiita parin siya. Pinagmukha niya akong tanga doon na nakapikit at parang tulog.

*end of flashback*

"Oh? Naalala mo na?" tanong ko kay Mina pagkatapos kong ikuwento yung nangyari sa Science Lab.

"AH! Oo! Uhm.. Belle una na ako ah! Sa Monday ha! Punta ka na sa bahay namin ng 5:30 am! Bye" paalam ni Mina sa akin habang kinukha niya na yung mga gamit niya.

"Oo naman. Sige sige Bye! Ingat!"

Siguro after 30 minutes ng umalis ni Mina, naghanda na akong matulog ng nakatanggap ako ng text

From: 0927*******

Hi Belle! Ako pala si IDC! Malapit na tayong magkita.

Si Mysterious Guy pala yung nagtext. Magkikita na kami soon? Sana gwapo 'to (landi mode ON) joke. Pinalitan ko na yung contact name niya sa phone ko, ginawa kong IDC. Di ko alam sasagot, so di na lang ako nag-reply.

Matutulog na sana ako ng nakatanggap na naman ako ng text, di ko na sana papansinin baka kasi si IDC. Pero nang tiningnan ko si James pala.

From: James

Kate tigilan mo na nga ako. Ayoko na!

Ha? Kate? Pagkakaalam ko Belle pangngalan ko eh! Baka wrong send. Mag-rereply sana ako, pero wag na baka mapahiya pa siya. Bukas ko na lang tanungin sa date namin. Este malling namin.

Speaking, bukas na pala yun! Syet!

---------

A/N: Tuloy ko pa po ba? Comment po guys Thanks :))

You + Me= Syntax ErrorWhere stories live. Discover now