AIA. 09 - Hold me like I'm more than just a friend

Start from the beginning
                                        

"May gagawin ka ba sa weekend? Punta tayo ng CLPH...." Yakag niya.

"Ay, wait kasi baka may meeting kami nila Baks noon." Sumimangot siya.

"Wala ka nang time para sa akin. You're always busy."

"Hoy! Tang inang ito!" Natawa ako. Nagulat ako nang hapitin niya ako para mapaupo sa lap niya. Lalo niya akong niyakap. I looked at him. Sanay naman na ako ganito siya ka-clingy sa akin. Minsan nga tinutukso ako nila Pan, gusto daw kasi ako ni Kairos pero hindi ko daw nararamdaman.

Para daw kaming naglalaro ng taguan – taguan ng feelings. Pero alam kong hindi naman iyon ganoon. He's just really sweet.

"Hoy, nagtatampo ang baby damulag." Sabi ko sa kanya. Inakbayan ko siya tapos ay hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi. "Babawi naman ako sa'yo. Kapag hindi na ako busy. Punta tayo ng Boracay, diba gusto kong magpunta doon tapos kasi, mayaman na ako kaya lilibre na kita. Ngumuso siya na parang batang nagpapa-kiss. Pinisil ko iyong labi niya.

"I wish we could be like this forever..." He whispered. Kinalibutan ako. Magtatanong sana ako pero nahihiya kasi ako. Ano namang itatanong ko sa kanya?

I bit my lower lip.

"Ateng! Hanap ka ng caterer natin!" Narinig ko si Lula. Tumayo ako.

"Wait mo ako ha." Sabi ko sa kanya. Ayaw niya pang bitiwan ang kamay ko pero sa huli ay pinakawalan niya rin ako. Pumasok ako sa loob at hinanap si Caterer. Nakita kong kausap siya ni Shana tapos ay tinuro ako.

He was a tall man with distinct gwapo slash meztiso features.

"This is Cachi Cinco." Pakilala ni Shana.

"Hi, Miss Cinco. It's nice to meet you. My name is Luis."

"Hello, Luis... uhm... Kinuha ko ang kamay niya.

"Luis Felipe Arandia. But you can call me Luis or Ipe or you can call me to answer my question."

"Anong question?" Nagtaka ako.

"If you want to have coffee, tea or me or just whatever."

Napaubo ako. Ano bang sinasabi nito. Grabe. Ang smooth niya ha. Napangisi na lang ako.

"Uhm ano..."

"No pressure." Kinindatan niya ako. "Mag-iikot-ikot muna ako. I'll see you around, Miss Cinco."

Umalis si Luis Arandia. Tang ina.

"Tang ina! Ang gwapo!" Sabi ni Shana habang nakatingin doon. Napailing na lang ako. Nang bumalik ako ay nakita kong naglalaro si Kairos ng kung ano sa cellphone niya.

"Tara na, uwi na ba tayo?" Tanong niya. "Bakit ang tagal mo?"

"Wala. Kinausap namin iyong caterer. Si Luis Arandia. Ang gwapo. Medyo crush ko."

Tumawa siya. "Bakla iyon."

"Gago! Lagi kang ganyan, puro ka bakla."

"Pinag-iingat lang kita. Pakilala mo muna kay Alele o kay Sabi bago ka makipag-date. Baka bakla iyon."

"Lahat sa'yo bakla! Tara na nga!" Hinatak ko siya. Hinahanap ko ang SUV niya pero tinuro niya iyong black corvette na dala niya. Iyongh tinatawag kong Batmobile niya. Tuwang – tuwa naman ako. Two seater lang iyon, ibig sabihin siya ang magda-drive.

All I askWhere stories live. Discover now