Chapter 29

58 2 0
                                    

"Anne, it's not what you think." Seryoso nyang sabi.

"Then what? Dont fool me, nadala na ko sayo." Mataray kong sagot. Talagang gusto nyang pagtsimisan kami eh. E di pagbigyan! Yan gusto nya eh.

Napaatras ako sa sobrang lapit nya. Damn, ang bango nya talaga. Anne, hindi ito ang panahon sa pangmamanyak sa kanya.

"May nangyari man samin ni Trixie, but can you just believe me this time? Ikaw lang ang mahal ko." Lumapit ulit sya sakin. Kaya napaatras ulit ako.

Tanginang pagmamahal yan.

"I don't believe in you, anymore." Umirap ako.

"Anong reasons pa ha? Sa tingin mo maloloko mo ulit ako?" Umamba ako na aalis na pero kinorner nya na ako.

"Ano ba! Damnit. Let me go!" Pinagtulakan ko na sya pero, ang lakas nya.

"Let her go, dude." Maangas na sabi ni Charles.

Ano to, Ex meets the boyfriend? Pero sabagay, nakakausap na naman talaga nila yung isa't isa eh. Pero hindi ganto kaseryoso.

Tinapunan sya ni Alex ng masamang tingin. Habang si Charles naman ay nakakuyom na yung fist nya.

"She's mine, back off." Galit na sabi ni Alex.

"Tumigil ka nga." Saway ko. "Narinig ko na yan, madaming beses na." Tumalikod na ko.

"Sandali lang Anne,"

"No." Cold kong sabi.

"Samantha," Tawag naman ni Charles.

"Oh?" Ganon pa din yung tono ng boses ko.

"Ihahatid na kita,"

"May kotse ako." Pagmamatigas ko.

Ngayon ko lang napansin na ang bilis pala ng panahon, kasi it's February na. I mean, mage-end na ang February. At nagpra-practice na pala kami for the graduation. Sa dami dami ng pangyayari sa buhay ko ngayon, nakalimutan ko na gra-graduate na pala ako.

Bakit nga ba Marketing ang course ko? Ay, engot lang.

Saka, sa dami dami rin na nangyari ngayong araw na to, ngayon ko lang napansin na uwian na. Oh d ba ang galing lang. Wala kasi akong pake sa mundo minsan eh. Yan tuloy na pala ko.

Napansin ko rin na kanina pa ko sinusundan ng dalawang kumag sa likod ko, for what for? Para lokohin ako? Nah, ayoko munang magpaloko, lalo na't malalaman ko na iisang babae lang ung dahilan ng pangloloko nila sakin. I'm not worth with that so called karma. And besides, i have my own decision. Ayokong magpakatanga ulit. Ayos na yung isang beses lang. At kapag naging dalawang beses na yon, uto-uto na ang tawag sakin.

Tumigil ako sa paglalakad at lumingon sa likod. Nakita ko parin na nasa likod ko yung dalawa.

"Talaga bang ayaw nyong magpaawat?" Iritadong sabi ko sa kanila. Sa lahat pa naman ng ayoko eh, yung may buntot ako. Hello, i'm not a dog para magka-buntot. Duh. Ang ganda ko naman yatang aso pagnagkataon.

Umiling sila.

Nakakairita talaga, kaya binilisan ko yung paglakad ko hanggang sa makarating kami ng parking lot.

Huminto ako at nakitang nakasunod parin sila. Hanep na yan oh. Kailangan may buntot talaga? At dalawa pa, Sabagay, san ka naman nakakita ng asong may dalawang buntot? Damn, ang abnormal naman ata non.

Nakapasok na ko't lahat sa kotse ko pero yung dalawa, nakaharang parin sa daanan. Sagasaan ko kaya sila? Kaso baka naman makasuhan ako ng wala sa oras. Duh. Ayoko kayang makulong. Mas lalo naman na ayokong magstay dun sa jail with the buglars. Lalo na yung may mga lasingero, yuck.

You're Hot And I'm Cold [Revising]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon