chapter 16

4K 138 31
                                    


Mahaba at malayo ang biyahe patungong probinsiya nila Santi panay nga ang Tulog ko  nag baon din si Santi ng pagkain Kaya deretso ang pagbibiyahe namin ...

"Isang bayan pa at nandoon na tayo" sabi niya sa akin kita ko ang puyat sa mga mata niya may tinapos kasi siyang paper works bago Kami  umalis kaninang madaling araw at ngayon ay hating gabi na nagising Lang ako dahil sa pangangalay ng likod ko dahil narin sa tagal sa pagkakaupo..

"Are you alright pwede naman tayong mag check-in sa malapit na hotel dito "sabi ko sabay haplos sa tiyan ko

"Hindi ayos Lang ako at sandali nalang naman ay nandoon na tayo ikaw ayos Lang Ba kayo ni baby?" Sabay hawak sa kamay ko

Ngumiti ako at tumango sa kanya  Hindi naman nagtagal ay hinila nanaman ako ng antok Kaya naman di ko namalayan na nakatulog ako ulit

****



Nang magising ako ay umaga na  nasa isang kuwarto na ako malinis at di naman kalakihan simple Lang ang itsura at presko sa mata ang kulay puti nitong pintura ganon din ang mga kurtina na hinihihipan ng malamig na simoy ng hangin ...

Bumaling ako sa tabi ko at nakitang Tulog pa si Santi at nakayakap sa akin sub-sob ang ulo sa bandang leeg ko at humihilik pa natawa ako dahil first time kong marinig na naghihilik siya pagod siguro sa biyahe hinaplos ko  ang buhok niya  ilang saglit pa ng maramdaman kong gumalaw siya at lumayo sa akin ng higa Kaya naman nakabangon na ako

Tumayo na ako at hinanap ang banyo na nasa tapat ng tinulugan namin Kumuha muna  Ako ng damit ni Santi sa mga gamit naming nasa baba ng kama at lumabas na para maligo  Hindi kalakihan ang bahay dahil paglabas ko sa kuwarto ay sala na  at yung Banda sa kaliwa ay kusina ..

Maayos at napaka cute ng Bahay halata ding mag isa siya kasi naman Wala masyadong gamit maliban sa kawayan na mga upuan sa sala at tv

Ng Matapos akong maligo ay sumilip ako sa kusina Wala masyadong gamit isang pinggan at  isang malaking mug ang meron .. pang isahan Lang din ang mga gamit gaya ng isang pares Lang ng kutsara at tinidor  ..

Sumilip ako sa maliit na ref sa gilid at tinignan ang laman pero Walang kahit ano sa loob  Napahawak ako sa tiyan ko ng makaramdam ako ng gutom

" sandali Lang baby wag kang atat gutom din ako" sabi ko at lumabas ng kusina haplos ko ang tiyan ko ng maalala na may grocery pala sa kotse kasi kung Hindi ako maaring magkamali ng magising ako kahapon ay nakita kong bumili ng kung ano si Santi sa nadaanan naming grocery store  ..

Lumabas ako ng Bahay at ganon nalang ang mangha ko sa tanawin maaliwalas at napakaganda  May ilang Bahay din pero malayo ang  mga agwatan yung iba gawa sa kawayan ngunit maganda ang pagkakagawa.  naglakad ako patungo sa kotse na nakaparada sa labas ng Bahay may gate na gawa sa kawayan  May puti itong pintura naaliw nga ako dahil Napaka simple at presko sa paningin Lahat ng nakikita ko ng makalabas ako sa gate ay tinungo ko ang kotse at nakita ang mga nakasupot  sa backseat ng kotse ng makuha ko na ay agad din akong pumasok  sa gate may mga matatanda din na dumaan at pinagtitinginan ako...ngumiti ako pero pakiramdam ko ngisi yung nagawa ko kasi nagmadali silang Umalis at nagbubulungan pa

"Buntis siya "

"Asawa ni Santino?"

"Ewan ngayon ko Lang nakita"

Napanguso ako sa narinig  ko kasi naman parang big deal sa kanila ang makakita ng buntis

Ng makapasok ako sa Bahay ay sinilip ko si Santi na Tulog pa nakadapa na ito sa kama Kaya naman nagpasya akong magluto kahit pa ito ang unang beses na gagawin ko ito..

Marami kaming katulong at ni minsan Hindi ako humawak ng kutsilyo at sandok ni nga maghugas ay Hindi ko alam dahil sa kinalakihan kong buhay..

Nilabas ko yung laman ng supot may slice bread at palaman may isang tray ng itlog din at iba pa na Hindi ko nga alam kung ano may napansin akong para sa pancakes Kaya naman kinuha ko yun may hotdog at bacon din at isang plastic na sapalagay ko ay bigas nangangamote ako kung ano Ba Dapat ang gagawin dahil Wala akong ideya kung pano mag luto ng kanin o Kaya ay mag prito manlang...

"Okay easy Empy ...Kaya ko to " pagpapalakas ko sa loob ko  naisip ko si manang Kaya naman nagtungo ako sa kuwarto at kinuha yung phone ko sa bag agad kong tinawagan ang telephone sa Bahay 

"Hellow Imperial residence Sino po sila?" Narinig kong sabi ng katulong

"Si ma'am empress mo to paki bigay ang phone Kay manang "

"S-sige po ma'am " sagot niya at narinig Kong tinawag niya si manang

"Hija  kamusta nandiyan naba kayo"  Tanong ni manang naglakad ako pabalik sa kusina

" ayos Lang po Kami manang nandidito napo Kami  "

"Ganon Ba ano nga palang problema at napatawag ka ?" 

"Kasi manang magpapaturo sana ako kung pano magluto ?"  Natahimik ang kabilang linya

"Hellow manang?"

"A-ah Oo anong lutuin Ba?"

" Umm.. kung pano po magluto ng kanin at mag prito ?" Nahihiya kong tanong

" Sige ganito makinig Lang mabuti hija  sa pagluluto ng kanin hugasan mo muna ng dalawang beses "

Nakinig akong mabuti sa sinabi ni manang hirap nga ako kasi nga first time pero nagawa ko naman ng matapos ako sa kanin ay sa pagluto naman ng itlog at hotdog,bacon 

Napaupo ako sa upuan ng Makita ang ginawa ko  niiyak ako Hindi sa kasiyahan kundi sa mga nasayang kong pagkain maliban sa sunog ang kanin ay Hindi nalalayo ang mga prinito kong ulam ...halos magkanda Paso paso ako sa pag prito kasi nga tumatalsik yung mantika sinunod ko naman Lahat ng sinabi ni manang pero Bakit ganito...tuluyang tumulo ang luha ko at napahikbi ako sa nangyari..

Naramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod at hinalikan ako sa ulo..

" Don't cry sweetie  Hindi man perpekto  ang ginawa mo ay at least ng try ka " sabi niya at hinarap ako sa kanya

"P-pero  ... Wala na tayong breakfast k-kasi ...kasi''.."

"Tsup!"

Hinalikan niya ako sa labi saglitan Lang pero nagawa akong patigilin sa pag iyak


"  sinabi ko naman sayo na Hindi mo kaylangan gawin ang mga bagay na Hindi mo Kaya kung tutuusin gusto Kong Wala ka nalang gawin kasi nga nangako ako sa sarili ko na gagawin kitang Reyna dahil sa ikaw ang Reyna ko Hindi mo kaylangan ipagluto ako kasi gusto Kong ikaw ang pagsilbihan ko " hinalikan niya ang mga kamay ko na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko

"  wag kanang umiyak dahil Lang sa maling ginawa mo pagkain Lang yan at magagawan ng paraan hmmm?" Tama na sweetie kasi pinakasalan kita kung Sino at ano ka Hindi dahil sa kung anong meron ka at kung anong Kaya mong gawin " niyakap ko siya sa sinabi niya lalo ko siyang minamahal na kahit sa panaginip ay Hindi ko akalain na mangyayari sa akin...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 23, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Dark Series:Empress Imperial: the Ice QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon