(Chapter 3 of the actual story)

27.1K 503 106
                                    

(This is self-pub. You can only read few chapters here..ebook is on Good Novel app)

With all her force, she pushed him then slapped him hard na tila ikinagulat pa nito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

With all her force, she pushed him then slapped him hard na tila ikinagulat pa nito. Wala itong choice kundi pakawalan siya.

The nerve! At ano ang gusto nito? Enjoyin niya ang halik nito? Ano yun? Welcome kiss?!

Welcome kiss my ass! she thought.

"Baby...?" Tila disoriented ito dahil sa sampal niya.

"How dare you?! Huwag na huwag mo akong tatawagin na baby dahil tapos na tayo! You broke up with me! Nakalimutan mo na?" she asked through clenched teeth.

"Honey?" a man's voice called her.

"Eric! " Tawag niya sa lalaking kakadating lang.

She turned her back to Logan para lumapit sa binata. She has a nice smile on her lips.

"Is there a problem?" kunot noong tanong nito matapos tapunan ng tingin ang nasa likod niya but she didn't bother to look back at her ex. Instead, she raised her cheek for a peck. Kagaya ng ex niya, matangkad din ito. Logan is probably taller by an inch or two.

"No, wala naman. Tara let's go to Heidi so you can give her your gift." Sabi niya after his kiss na nakangiti pa din sa guwapong mukha nito.

****

"Anak ng putakte pare! Baka naman manggulo ka dito ha? Sabing tama na yan eh! Kundi ka man manggulo, baka naman buhatin ka naming pauwi? Maawa ka naman sa amin pare! Di ka namin kaya ni Noel! " nailing na sabi ni Simon while Logan continued to drink na parang kaka-imbento lang ng alak.

"Pagkakamali kasi namin hindi namin sinabi sayo that your ex is currently dating someone exclusively. " Sabi naman ni Noel.

Nagtatagis ang bagang na ibinaba ni Logan ang hawak na lata ng beer habang masamang-masama ang tingin kina Annessa na nasa isang lamesa na hindi kalayuan sa kanila.

"Kailan pa?!" he asked in a steely voice. He is trying to catch her eyes pero tila umiiwas talaga ang dalaga. All he can see is her right profile habang masayang nakikipagkwentuhan ito sa mga kaibigan at sa lalaking kasama nito.

Simon sighed bago sumagot. " May isang buwan na yata. Hindi mo naman sinabi kasi na intresado kang makipagbalikan kaya hindi na naming binanggit sayo."

"Son of a fucking bitch! Kailangan ko pa bang sabihin sa inyo yun? P*TANGINA! Alam niyo na dapat yun eh!" Logan said through clenched teeth. He is breathing shallowly dahil sa pagpipigil ng galit. Kahit gusto na niyang hilahin si Annessa at upakan ang kasama nito, he can't. Nasa hindi din kalayuan ang magulang nila Simon at Heidi. Tama ang mga ito, hindi siya pwedeng manggulo.

"Pare naman..minsan kasi parang ayaw mo na siyang pagusapan di ba? Kaya ang akala talaga namin..." hindi na natuloy ni Noel ang ssabihin.

"Dahil ayaw kong umuwi ng wala sa oras! I was giving her time to heal and grow up kaya ayaw ko munang makibalita about her! All those fucking years na hindi ko siya kasama were pure agony knowing na galit na galit siya sa akin! Tapos ngayon ganyan? She changed a lot at may tarantadong umeksena?! P*TANGINA TALAGA!"

He can't help being angry kahit alam naman nito na ito ang malaki ang kasalanan. He broke up with Annessa because she didn't want to have sex with him. Yun ang mga panahon na sex lang palagi ang nasa utak nito. He was shallow, he admits that now. Pero nang magkalayo sila, he soon realized that he is willing to accept her as she is. Makakatiis naman siya na wala pang mangyari sa kanila. Pero knowing how angry she was when she discovered about him and Katherine, naduwag siyang makipag-usap ulit dito after nang huli nilang paguusap where he saw how his sweet baby can be, when provoked.

"Hindi pa naman boyfriend pare. Pwede pang gawan ng paraan." Pangeencourage naman ni Noel.

Logan angrily took another gulp habang titig na titig pa din sa dalaga.

"Talagang gagawa ako ng paraan! I didn't come back here for nothing! Secondary lang ang pagbabalik ko for our businesses! She is mine at walang kahit sinong gago ang aagaw sa kanya sa akin! " galit na sabi nito before he stood up.

"Pare! " tawag nila Simon at Noel nang mukhang papunta ito sa lamesa kung nasaan ang ex nito. Sabay na tumayo na din ang dalawa.

****

"Want some more grapes honey?" malambing na tanong sa kanya ni Eric.

Iniabot nito sa kanya ang platito where there are different slices of fruits.

"Ang daming hantik! " giggled Jill.

"Nakakataas ng blood sugar ha?" tukso naman ni Heidi.

Nailing na lang siya and got a piece of grape.

"Thank you." Sabi niya kay Eric.

"Heidi!" tawag ng malamig na boses.

The others looked up sa nagsalita except her. She can recognize that voice anywhere kahit hindi niya tignan ang, nagmamamay-ari nito. Ganun na ganun ang boses nito when she told him what she thought of him ilang araw matapos itong makipag-break sa kanya. She discovered that he fucked Kristine Salcedo na sosyal na pokpok ng university niya.

"Logan!" dinig niyang tawag ni Heidi.

"Ikaw ayaw mo?" she asked Eric na nilipat ang tingin sa kanya. He was of course looking at her haughty ex nang kung parang kung sinong hari itong tumawag sa kaibigan niya.

She raised a grape to his mouth and he willingly opened it para isubo ang prutas.

Annessa is not aware of  the look of shock and worry among the others. Lalo kasing dumilim ang mukha ng ex niya habang nakatingin ito sa kanila ni Eric.

Hindi din nila nakita ni Eric na hinawakan nila Simon at Noel sa magkabilang balikat at braso ito to stop him from going to them. Pulang-pula ang mukha at leeg nito.

"Sige mauuna na kami sis! Happy birthday again!" Annessa heard Simon said bago mabilis na umalis ang mga ito.

When she heard that, dun pa lang siya lumingon ulit sa mga kaibigan.

"Kayo? Aren't you going to eat your desserts? " she asked them na nakangiti.

She raised her left brow when she saw Jill and Heidi's expressions. Ang una, nakaawang ang bibig habang nakatingin sa kanya while Heidi shook her head from left to right bago kumuha ng isang slice ng kiwi sa platito.

 Ang una, nakaawang ang bibig habang nakatingin sa kanya while Heidi shook her head from left to right bago kumuha ng isang slice ng kiwi sa platito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
( 2nd Gen) Ravishing My Ex ( ebook on Good Novel )Where stories live. Discover now