M1

26 4 3
                                        

Malu

"Magandang umaga, kabayan! Ako nga pala si Christina Malu E. Gaya. You can call me Malu. Dahil kapag sakin ka lumapit hinding-hindi ka Malu-lugi. Malu-lutas lahat ng piniproblema mo. Sakin hindi ka Malu-lumbay, Malu-lugi, Malu-lungkot at Malu-losyang. Murang-mura lang naman, sa halagang 100 pesos maari na kitang matulungan. So ano pang hinihintay niyo? Grab me now! Este grab the opportunity! Now na!"


Nasa main gate palang ako ng school pero andami ko nang fans. Naks! Ang sikat ko no? Siyempre, ganito talaga kapag maganda. Bwahahaha! Joke lang. Mga kliyente ko yan ng nangangailangan ng aking help. At alam nilang ako lang ang kayang makalutas ng problema nila sa buhay.

Hinanda ko na ang malapad kong ngiti sa kanila. Let's go!



"MGA KABABAYAN! ANDITO NA ANG LULUTAS SA PROBLEMS NIYO! MALU IS COMING! YEAH! ROCK'NROLL BABEYY!"



So ayun nga. Nagsilapitan ang mga problemado. Andoon na iyong madumi ang sapatos at kailangan pakinangin. Yung hindi nakagawa ng assignment dahil hindi alam. Yung magpapabraide ng hair. Yung magpapadala ng aklat at mga gamit. Skin problem. Heath problem. Face problem. Kili-kili problem. Hininga problem at kung anu-ano pang problem. Kaya ko yang lutasin agad. Half kasi ako. Half tao at half tao. Hahaha! Jokeeyyy again.


Masaya naman ako sa ginagawa ko. Ikaw ba hindi sasaya kapag pera na ang pinag-uusapan? Asus! Maniwala ako sayo. Hindi na uso ang pa-demure ngayon. Kailangan mo nang maging practical dahil ang buhay parang gulong. Kapag tinitigan mo ang gulong siyempre mahihilo ka! Edi gugulong ka sa lupa. Ew. Waley no? Ah basta! Kailangan kong kumita. Ipagpalagay nalang natin na may mga anak akong binubuhay. Hihi. Madami sila na pinapalamon.



"Pssst!" Si Bronson yan. Kaklase ko. Maitim. May skin problem.



"Yes, bronson?" Sabay lagay ko ng mga notebooks ko sa bag. Tapos na kasi ang pang-umagang klase namin. Bale, lunch na.



"Paano ba ako puputi?" Sabi ko na e. May skin problem talaga siya. Taas noo ko siyang hinarap.



"100 pesos." Inilahad ko ang palad ko. Nagningning naman ang mga mata ko ng agad niya iyong ibigay sakin. Syet! May pambili nakong dingdong. Hahaha.




"Dali na, Malu. Magsabi kana sakin." Atat much? Palibhasa may gustong ligawan sa kabilang section. Maputi pa naman iyon. Si Amanda Milk. Half Milk, half Milk. Letche.



"Ganito lang yan." Tapos binulong ko siya. Tumango-tango naman siya at para bang tuwang-tuwa.



"Salamat Malu! Maaasahan ka talaga." Tinapik ko lang siya at tumayo na ako.



"So paano? Kita nalang tayo next year?" Tumango siya ulit.



Hay naku. This is really life. Napapa-english tuloy ako. Hindi ko pwedeng sabihin sa inyo kung paano ko sila natutulungan. Gayahin niyo pa ako e! Huwag na oy. Never-ever babe! Ako na talaga. Ako na ang best in english. Hahaha.


Naglalakad ako palabas ng gate nang lapitan ako ng mga kapwa ko senior high na mga estudyante. Mga lima sila. Yung isa yukong-yuko pa. I think nasha-shy siya. Oh shy boy!


"Malu!" Ngumisi ako. Makaka-200 pa yata ako sa araw na ito.



"Oy! I know, you need me. Este, you need my help." Nakalapit na sila sakin. Yung dalawa nakaakbay kay shy boy. Tapos si lalakeng tangkad ang humarap sakin.




"I'm Gregorio. And they are my friends. " Nagwave sakin yung dalawa. Tapos dinamayan si shy boy na kulang nalang makuba na sa pagkakayuko. Hindi pa siguro tuli yan.


"Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo, kabayan? Nga pala, del pilar apilyedo mo diba?" Medyo natunugan ko kasi ang pangalan niya. Soccer player sa school.


"Yeah. Buti naman at nakilala mo ako. Kailangan lang namin ng tulong mo."



I handed my palm again. E sa ganun talaga e. Bayad muna before service. Sana nga may tip na kasali. Bigtime kaya ang mga ito. Nanlalaki naman ang mga mata ko nang ilagay niya ang 500 pesos sa kamay ko.


"Keep the change. Basta ba siguraduhin mo lang na matutulungan mo itong kaibigan namin." Paksyet! Gaganahan akong magtrabaho nito.


"Oh, sure. Ano bang problema niya?" Sinubukan kong silipin ang mukha ni shy boy pero yumuko pa siya lalo.


"He needs to become playboy like us. But he doesn't have enough confidence. Kailangan niyang masali sa squad namin at hindi iyon mangyayari kung ganyan siya kapisot at kaduwag. Now, can you help us?"


"Of course, kabayan. Madali lang ang solusyon sa problema niyo. Operation, tuli. Hahaha!"

Pinostpone ko muna lahat ng serbisyo ko sa iba. Kailangan kong magfocus kay shy boy. Dahil kapag maging successful itonh ginawa ko. Meron akong house and lot!






Charot!


.

Sabi ni Del Pilar, may karagdagang bonus daw ako. Aba! Hindi ko na tinanggihan. Pera na yun no. Kaya naman nandito ako ngayon sa harap ng gate ng school at hinihintay si shy boy. Sisimulan ko nang sirain ang shell niya. Patay ka sakin ngayon. Eksaktong 7 am nang makita ko siyang bumaba sa isang magarang sasakyan. Nalula pa nga ako e pero hindi iyon ang kailangan kong pagtuunan ng pansin.



Nung wala na yung sasakyan niya ay agad akong tumakbo palapit kay shy boy na yukong-yuko na naman.




"Huli ka!" Agad ko siyang hinila at kinaladkad papasok ng school. Dinala ko siya sa hindi masyado mataong lugar. Siyempre kapag sinabing hindi matao na lugar, sa sementeryo ang labas. Pero hindi ko siya dinala sa sementeryo, sa gymn ko siya dinala. Nasa classroom na kasi lahat ng mga students at alam kong walang makakakita samin dito.



"Ba-Bakit tayo nandito?" Aha. Pati pagsasalita niya may defect din. Ililista ko muna ang lahat ng may defect. Umupo ako sa isa sa mga benches doon at hinayaan ko siyang tumayo sa harap ko. Nilabas ko na din ang notebook at ballpen ko. At saka inobserbahan siya. Halos buong pagkatao niya yata may defect. Payat siya at nagmumukhang lampa sa ayos ng buhok niya. Gwapo naman sana si Jose Rizal sa katayuan niya pero hindi na uso yan ngayon.




"Ma-Malelate na ako. What are we do-doing here?" Hay naku. He's really-really a shy boy. Sayang at pala-english yata siya. Iuntog ko kaya siya? Pero wag na. Baka hindi ko matanggap yung bonus ko kay Del Pilar. Sayang din yun.




"We will do the dew! Bwahaha!"




Okay. Tama na. Be serious. Kinuha ko ang I.D niya at saka binasa iyon.



"Erick Eusebio Ssi" Agad akong napatingin sa mata niya. Ah. Singkit si kababayan. Half singkit, half kuba. Muntik na akong mapatawa pero buti nalang at napigilan ko. Mukha kasing masama na ang tingin niya sakin. I cleared my throath.



"Your wasting my time Mi-Miss..." Nilahad ko ang kamay ko sa kanya.



"Malu. Malulutas ko ang problema mo." Ang lapad-lapad na ng ngiti ko sa kanya pero hindi man lang niya pinansin ang kamay ko. Napasubo tuloy ako. Pero okay lang. Inakbayan ko siya kahit alam kong mas matangkad naman siya ng mga 1 inch sakin.



"Eusebio. Today, is the day that everything will change! Ipapatuli na kita. Hahaha!'


Hahahaha! K.bye

MaluStories to obsess over. Discover now