Napataas ang kilay ni Vhal, abay sinusubukan siya ng babaeng ito ha! Ganitong ganito ito noong highschool pa lang sila.

"Okay, I'll see you. Bye!" Napatingin ito sa kanya. "What?" Mataray nitong tanong.

"Boyfriend mo na ba iyang Jake na iyan?" His brows were furrowed but managed to sound apathetic.

Humarap sa kanya si Natalie at tinignan ang mga labi niya. Damn, then she bit her lower lip!

"It's none of your business, Mr. Valerian Fernandez." Tumayo na si Natalie at kinuha ang mga gamit.

Damn! Mas matindi ang tinaray nito kumpara noon.

"Oh, cousin!" It's Riley with Jader and Blake. "Kanina ka pa namin hinahanap, tara sa yacht tayo"

"Bakit di maipinta ang mukha mo?" Tanong ni Blake. "Don't tell me , si Natalie ang dahilan?" He didn't respond.

"Magugulat ako kung hindi si Natalie ang dahilan, tara na! Nagaantay din si Zacharie doon kasama si Cashmir" ani Jader.

"Nandito si Cashmir?" Tanong ni Riley. "Kailan pa?"

Cashmir is Blake's younger sister. Kaedad lang ni Zacharie kaya mas nagkakasundo ang dalawa.

"Just this morning, Zacharie called the girls. Naiinggit kasi tayo daw kumpleto tapos siya magisa lang" Blake said.

Napapayag naman nila si Vhal, wala naman siyang magagawa dahil bubuhatin siya ng mga ito kapag naginarte siya.

"Oh, mga Kuya nandiyan na pala kayo!" Ani Zacharie habang may hawak na mango shake.

"Can you please put on some clothes?" Naiiritang wika ni Riley, it really bugs him off kapag nakikitang nakabikini ang kapatid.

"Anong gusto mong suotin ko--"

"Hephep, tama na nga iyan! Magaaway na naman kayo" Good thing that Blake is around kundi si Vhal na naman ang aawat sa dalawa. "Nasaan si Cashmir--"

"Hi mga Kuya!" Bigla naman itong dumating,nagtangis ang bagang ni Blake ng makita ang kapatid na halos sinulid na lang ang suot!

"What are you wearing?" Nakakunot ang noo ni Blake na tanong sa kapatid.

"Duh, we're on a yacht! Natural magsusuot ako ng ganito!" Cashmir tsked. "Old man"

"See?" Sabat ni Riley.

"Tama na nga iyan, may punto naman itong dalawang chikiting." Ani Jader. "Pero mamaya magdamit kayo ha!" Turo niya sa dalawa.

"Hindi kami chikting--argh!" Umupo si Zacharie sa may sofa katabi si Cashmir. Nagkukuwentuhan ang dalawa ng marinig ni Vhal na kinukwento nito si Natalie.

"Pakiulit, Zach? Saan kayo nagkakilala ni, Natalie?" Nagtinginan ang mga pinsang lalaki sa  kanya at napakunot ang noo.

"We're roommates!" Sagot ni Zacharie. Paano sila naging magkaroommate when Zacharie's only in college? "Last year lang naman kami nagkakilala ni Natalie, she was studying automotive while I was still deciding kung magtutuloy ba talaga ako sa college o hindi then I moved here na"

"You're only seventeen, right? How come naging magkaroommates kayo when she's already in college pero ikaw highschool pa lang?" Tanong ni Riley.

"Oh, sa bahay siya tumira" Nanlaki ang mga mata ng apat na lalaki. Wala silang idea! "Nasiraan ako ng sasakyan one night and she was the kind enough to help me fix it. Then doon na nagstart yung friendship namin, wala naman akong Ate hindi ba? Tapos pilipino pa siya."

"So, paano siya tumira sa bahay?" Curiosity filled them.

"Only for a while lang naman, kailangan niya lang ng matutuluyan that night kasi may problema daw siya" nagsipagbagsakan naman ang mga balikat ng tatlo maliban kay Vhal.

"Akala ko naman.." Riley hissed. "Nakituloy lang, hindi tumira!" Asik ni Riley, samantalang si Blake at Jader ay napailing na lang. "Ang labo mo talaga kausap, Zach!"

"S-sandali, nakilala mo lang siya last year?" Pagkukumpirma ni Vhal, tumango lang si Zacharie.

"Then she helped you to fix your car?" Tumango itong muli. "Then you became friends after that?" Zacharie nodded again.

"So how come you became roommates?" Gustong klaruhin ni Vhal ang kwento, masyado nga talaga kasing magulo. Babae mga naman,pfft!

Then, Zacharie told them the whole story. Literal na whole dahil inabot sila ng halos buong mahapon.

Kinabukasan ay hinanap ni Vhal si Natalie at nakita itong nasa indoor pool area, she's swimming laps.

Tumayo siya sa may dulo at inantay ang pagahon nito. He won't give up!

"Hi" bati niya sa dalaga pagkaahon na pagkaahon,inabot pa niya rito ang tuwalya.

"What are you doing here, Vhal?" Pinulupot nito sa bewang ang tuwalya at umupo sa sunbathing seats.

"Naghahanap lang ng inspiration" sambit ni Vhal at mapaglaro niya itong tinignan.

"Inspiration? Sa swimming pool?" Napailing si Natalie. "Bakit, wala ka ng maloko para maikama?"

"Hey" umupo siya sa tapat nito. "Bakit mo ba laging sinasabi iyan? I'm not like that!"

She let out a fake chuckle "You were not like that but people change"

"Oo nga,parang ikaw" nagtugma ang mga mata nila't sa huli si Natalie ang umiwas dito.

"What do you want, Vhal?" Seryosong tanong ni Natalie.

"Ikaw" diretsang sambit ni Vhal.

"Oh, please--" akmang aalis na siya ay hinawakan siya ni Vhal sa palapulsuhan. "Vhal, leave me alone" she whispered.

"How about a bet?" Napakunot ang noo ni Natalie, anong pinagsasabi nito?

"A bet?"

"Let's have a race" tumayo si Vhal at hinarap ito. Now he's towering her. "If you win, I'll leave you alone. Hindi mo na ako makikita, maamoy o mararamdaman."

Napataas ang kilay ni Natalie, sounds like a good bet. "Deal--" dinikit ni Vhal ang daliri sa labi nito't hindi siya pinatapos.

"But if you lose, you're not going to join the next round" sambit ni Vhal, nanlaki naman ang mga mata ni Natalie.

"No!"

"Okay, para fair." He smirked. "If you lose, mamili ka na lang. You'll back out on the next round or you'll go out with me"

Tumaas ang kilay ni Natalie. Aba't napakaantipatiko din talaga!

"Deal. Siguraduhin mo lang na hindi na kita makikita,maamoy o mararamdaman!" Dinuro niya ito.

"That will happen if you beat me--"

"Which I will!" Buong kumbiksyon niyang saad. "Let's race, then!"

Halos mapunit ang labi ni Vhal sa narinig. He won't miss this chance!

Unsaid SacrificeWhere stories live. Discover now