Bobo kasi

5.6K 167 40
                                    

Ewan. Wala akong maramdaman dito eh. Ang fail lang :(

Sorry po ms. Alyloony. Magdedicate na lang ako ng story, ampangit pa. :(

-----------------------------------------

Bold – Josh

Bold Italic - Angel

“Oi dude, ganito ba?” tapos pinakita ko kay Josh  yong moves ko.

“Hindi. Ganito oh.” Then puwesto siya sa likod ko at hinawakan niyong kamay ko. Yong parang nakayakap siya sa akin. Then gi-nuide niya ung kamay ko para dun sa tamang galaw.

Ang init ng mga palms niya tapos ang bango pa kahit na pawisan na siya. Gusto ko tuloy tikman yong pawis niya kung matamis ba kasi ang bango niya talaga. HAHAHA! I felt na nagblush ako. Pasimple akong lumayo sa kanya at humingi ng break.

SI Josh yong kinuha kong choreographer. Magpe-present kasi ako ng sayaw dun sa reunion namin ng pamilya ko. Komportable naman ako kay Josh kasi bestfriend ko siya. Yun nga lang may lihim akong pagnanas- I mean pagmamahal sa kanya. Pero wala naman akong pag-asa kasi tingin niya sa akin “TOMBOY”, “LESBIAN”, “T-BIRD” kaya nga minsan, pinangangatawan ko na rin yong tingin niya sa akin. Pero okay na yon, atleast di siya lumalayo sa akin.

“Oi, dude, na inlove ka na ba?” tanong ko sa kanya. Di din naman siya magdududa eh.

Bigla siyang napatingin sa akin at parang nandidiri. Kita mo?! Ewan ba’t mahal ko to.

“Yuck! Ano bang pinagsasabi mo, Angel?”

“Ba’t ba parang nandidiri ka? Di ka ba naniniwala sa love?”

“Sayo ako di makapaniwala! Meron ka palang nalalaman na ganyan? Grabe! Improving kana ah! HAHAHA” Hinampas pa yong likod ko. Grabe, nagkalasug-lasog ata ang baga ko.

“Grabe ka! Anong palagay mo sakin? Saka kung makahampas ka, parang di ako babae ah!”

“Eh hindi naman talaga! Mas lalaki ka pang kumilos sa akin eh.”       

“Pero seryoso nga. Na-inlove ka na ba?”

“Since tinatanong mo, aamin na ako and I need your help. Magtatapat na kasi ako sa kanya.”

OneshotWhere stories live. Discover now