2

59 5 3
                                    

Kabanata Dalawa

"Aalis ka na talaga?"

Bumuga siya ng hangin. Tinignan niya ako saglit bago tiningala ang mukha at pumikit. Maaliwalas ang kalangitan pwera lang sa namumuong maitim na ulap sa dakong silangan. I couldn't help myself but to heaved a sigh too. Muli ko siyang nilingon at pinagmasdan ko ang paggalaw ng kanyang abuhing buhok na sumasabay sa hangin.

"It's just a couple of months, may kailangan lang asikasuhin," aniya.

"I know, pero kailangan ba pati ikaw, pumunta rin doon? Iiwan mo na talaga ako," pilit kong hininaan ang boses ko upang maitago ang pagkabasag ng tinig.

"I will not leave your side. Katawan ko lang ang mawawala. Ikaw pa?! You're my favorite cousin!" sabi niya. Isang ngiti ang pinakawalan niya habang dinudurog ang puso ko sa sakit.

Cousin? Oo nga, muntik ko ng makalimutan.

"Belle? Are you okay?" napapikit ako sa biglang pagwagayway ni Tita Margareth ng kubyertos malapit sa mukha ko. Nakatingin silang lahat sa'kin. Napaaawang ang labi ko. OMO! Did I spaced out?

"I think she's not, nabasa po kasi siya ng ulan kanina sa labas."

Napalingon ako kay Luke na mariing nakatitig sa'kin. Agad 'kong inalis ang tingin ko sa kanya at tinitigan na lang ang plato sa harapan ko.

"Oh!" tumango si Tita Margareth.

"Well, If you're not feeling well, you can rest now," aniya.

Umiling ako. "No need, Tita. I'm fine may naalala lang po ako."

Sinilip ko si Grey na nakaupo sa harapan ko. Napakagat ako ng ibabang labi nang makita ang mukha niyang nag-aalala.

Dammit! Tumigil ka na Belle! Sinasaktan mo na ang sarili mo!

Bago ko pa man maramdaman ang pagtulo ng luha ko ay agad akong tumingala at bumuga ng hangin.

"Naalala? Can I ask what is it? You seems bothered."

Pinasadahan ko ng tingin ang mga pinsan ko na nakatingin rin sa'kin. Napalunok ako. Anong sasabihin ko?

"Here! Ako ang nagluto niyan." pumasok si Mama sa dining room.

Mabilis na na-shift ang atensyon nilang lahat sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag. Perfect timing! I really love you Mom!

Tumayo si Tita at tinulungan ang mga maids sa pagbitbit ng mga ulam. Sabay na lumabas mula sa kusina si Papa na may bitbit namang petsel ng tubig at baso. Kasunod nito si Ate Pam na nagtatanggal ng apron. Mukhang tinulungan niya si Mama na magluto.

"May nakaligtaan ba ako?" tanong ni Mama bago umupo katabi si Papa.

Nakita ko naman ang pag ngisi ni Jeth at Migs. Pinaglakihan ko sila ng mata. Sa aming magpipinsan silang dalawa ang pinakamakulit. Ano na naman ang pakulo ng mga ito?

"Tita, mukhang hindi pa nakaget over si Belle sa Ms. Intrams. First time eh." Jeth chuckled. Sinang-ayunan naman nila ito kaya nakahinga ako ng maluwag.

Hindi na lang ako nagsalita at tahimik na sinubo ang ulam at kanin sa plato ko.

"Ms. Intrams? Saan iyan? Sa Costa Rica Highschool?" curious na tanong ni Tita Margareth.

This time ako naman ang sumagot.

"Opo tita, actually kakatapos lang po kanina." sabi ko na ikinatango niya.

"That's good na sumasali ka sa extra curricular activities unlike my son Grey." tinignan ni Tita si Grey. Napaismid siya.

Nakita ko kung paano hawakan ni Alex ang likuran niya habang aligaga sa paglalagay ng tubig sa baso. Ano ba ang relasyon nilang dalawa? They were so close.

"Here," inabutan niya ito ng tubig.

Tumaas ang kilay ko dahil doon.

"Thanks" ngumiti si Grey at mabilis na inubos ang laman ng baso.

I frowned. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis. Pinagbuntunan ko na lang ng inis ang malaking karne sa plato. Grrrr..

"How's US? I thought nakapagtapos na si Grey ng college doon?"

"Ah. Yes, gusto na nga namin dito na tumira. Grey misses this province at balak rin niya na dito na magtrabaho. Kami na lang ni Orlando ang babalik doon."

Natigil ako sa pag to-toture ng karne nang marinig ang sinabi ni Tita Margareth. Is this for real? Ibig sabihin ba nun dito na sila magstay for good? Nakaramdam ako ng kakaiba sa sikmura ko. Na-excite ako bigla.

"Namiss na nga niya ang mga pinsan niya, lalo na si Belle." dugtong niya pa na mas lalong nakapagpula ng aking pisngi.

"Belle could tour Grey here. Kabisado na niya ang Costa Rica. Right anak?"

Tumango ako sa sinabi ni Mommy. Hindi ko tuloy maiwasang mapangiti.

"That's good, isama nyo na rin si Luke para naman malibang."

Tumango si Luke. "Sure"

Sumang-ayon rin ang magulang ni Luke na kanina pa tahimik. Nahigit ko ang hininga lalo na noong magtaas ng kamay si Alex at sinabing gusto rin niyang ma-tour sa buong bayan ng Costa Rica. Ano ba yan! Okay na sana ang dami namang epal!

Hindi ko maiwasang mapairap sa hangin. Halata naman na nagpapansin siya kay Grey.

Muli 'kong pinasadahan ang mukha ni Alex. Simple lang siyang manamit at maamo ang mukha. Hindi katulad ko na mukhang sophisticated dahil sa cheek bone at jaw line ko na halatang halata.

Pinagmasdan ko rin kung paano siya kumain. Napakamabini ng kilos at halatang sanay sa mga okasyong ganito. Teka? Bakit ko ba kinukumpara ang sarili sa kanya? I'm far more better than her.

"It's settled then, sabado naman bukas kaya okay lang." ngumiti si Mommy.

Hindi ko na tuloy magawang ngumiti pa. Natapos ang usapan tungkol sa amin. Nagkaroon naman ng kanya kanyang usapan ang mga matatanda pati na rin ang mga pinsan ko. Nang silipin ko sila Grey at Alex. Muling sumambakol ang mukha ko. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang pagtawa nilang dalawa.

"Una na po ako."

Tumayo ako at umalis sa hapag-kainan.

Gusto kong tanungin kung magkaano-ano ba sila kaya lang nagmukha naman akong desperada nun. Isa pa, ano naman ang karapatan ko? It's not like I'm his girlfriend dahil alam kong hindi naman mangyayari iyon. At naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko maiwasang mangarap sa isang ilusyon. Isang ilusyon na alam ko namang hindi magkakatotoo.

To be continued....

***

Like? Vote

Reactions? Comment.

For the Guy I Would Never HaveTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang