TOF 21:

4.9K 261 21
                                    



....



TOF 21:

Nagising si Venee sa ingay galing sa kanyang cellphone. Madilim na at malalim na ang gabi. Ang huli niyang naalala ay nag-iyakan sila ng kanyang daddy saka nagkwentuhan sa mga nangyari sa kanya sa ibang bansa kasama ang kanyang mommy at asawa nito. She clearly saw regret in his eyes, hindi malinaw kung maayos na ang relasyon nito at ng kanyang mommy pero sa hula niya baka mas lalong naging komplikado iyon.

Si Roose ang nasa kabilang linya, bigla niyang naisip kung kumusta na ito matapos palayasin sa kanilang bahay.

"Hello."

"Did I wake you up?" tanong nito, bakas ang pagod sa boses.

"Medyo." Pag-amin niya.

"Sorry. I just miss you." Sabi nito sa kabilang linya. Nakakagulat dahil iba na ang dating noon sa kanya, hindi kagaya ng dating mga pahaging nito na parang wala lamang. This time, she clearly knew that something in her change. The way she feels for him, hindi na lamang wala ito.

"Saan kayo tumutuloy?" tanong niya dito, ayaw niyang sagutin ang nakabitin nitong tanong.

"Sa dati naming bahay. "

"Okay." Umayos siya ng upo, sinandal niya ang kanyang likod sa headboard ng kanyang kama. She's thinking that Roose's doing the same. Kumusta naman kaya ang bahay na tinutukoy nito, ang mommy nito? Pero wala siyang lakas ng loob tanungin ang anumang bagay tungkol sa babaeng sumira ng kanyang pamilya.

"I'm afraid I'm not seeing you often as before, pero kahit magalit ang daddy mo, hindi ako titigil na gumawa ng paraan para makita ka."

"Roose-"

"Please don't tell me to stop." Pagmamakaawa nito sa kabilang linya. " Wala akong bagay na hinangad sa buong buhay ko...ito lamang, ikaw lamang Venee. I can lose everything but not you. Ang nagustuhan ko lamang sa pagpapanggap naming ni mama, ay yung katotohanan na magkukrus ang landas natin. That's the reason why I set aside my conscience. I wanted to see you. "Hindi niya alam kung paano sasagutin nag bawat sinasabi ni Roose, o kung masusuklian niya ba iyon, hindi malinaw. Hindi niya rin sigurado kung paano natapos ang kanilang pag-uusap.

"Gud morning Mam Beney!" bati sa kanya ni Yaying. Nagbalik na pala ito, umuwi kasi ito ng probinsya dahil sa mga magulang daw nito.

"Kailan ka dumating?" tanong niya rito. Todo ngiti naman ito habang pinapalitan ang kanyang mga kurtina sa kwarto. Utos daw daddy niya, nagpapa general cleaning daw ito sa buong kabahayan.

"Kagabi lamang , pagbalik ko siya namang pag –alis nina sir Rus." Kunwari'y hindi niya na lamang narinig ang sinabi nito, batid niya na alam na sa buong bahay ang nangyari kahapon. Tumuloy siya sa banyo para mag-ayos.

"Sabay daw po kayong mag breakfast ng daddy, hinihintay ka niyang magising, ang sabi ko kung gigisingin kita, hindi ka naman pinapagising, hayaan daw kitang magising ng kusa." Nagmadali siya dahil sa sinabi ng kanyang yaya, paglabas niya sa kanyang kwarto ay abala nga ang mga kasambahay sa paglilinis at pagpapalit ng kung ano ano sa kabahayan. Pagtuloy niya sa dinning table ay nandoon nga ang kanyang ama.

"Good morning Venee." Ito ang naunang bumati sa kanya. Tumayo pa ito para halikan siya sa noo. Masarap iyon sa pakiramdam. Matagal niyang panahon na pinangarap kung mangyayari pa ba ito na gigising siya sa umaga tapos babatiin siya ng nakangiti ng kanyang ama.

"Good morning dad."

"Let's eat na anak." Nag-umpisa muli sila sa pagkain na may kasama muling kwentuhan , wala ni isa sa kanila ang nagbukas ng topic tungkol sa nangyari kahapon.

The Other Flower 1: Venee Marke Calaguas(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon