FLASHBACK - part 2

4.3K 129 12
                                    

[TIME MACHINE by snsd sa side -- > para mas feel niyo ang flashback]

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

- FLASHBACK, part two -

Author's POV

Pagdating ni Seohyun sa dorm nila...

"Unnie's, pinark na namin ni Sehun ang car doon sa parking place natin. Si Sehun umuwi na siya Tsaka, ito na ang susi." sabi ni maknae [A//N: naglakad lang si Sehun pauwi sa dorm nila kasi nga malapit lang ang dorm ng SNSD at EXO diba]

"Seohyun, pwede pahiram ng cellphone mo?" sabi ni Hyoyeon

"O sige. Ito na unnie" sabi ni maknae tapos inabot kay Hyoyeon ang cellphone niya pero nilapag lang ni Hyoyeon ang cellphone ni Seohyun sa table

"Akala ko ba hihi--"

"Seohyun, kailangan mong isakripisyo ang pagmamahalan niyo ni Sehun" sabi ni Taeyeon tapos sina Yoona at Soyooung, nag-iiyakan na

"Anong ibig mong sabihin?!" sabi ni Seohyun na may namumuong luha sa kanyang mga mata

"Kasi.. ang EXO, sinaktan nila kami. Nakita namin silang may kahalikang babae sa bar." sabi ni Taeyeon na umiiyak na rin

"Hindi ko maintindihan..Bakit nila ginawa yun?" sabi ni Seohyun

"Kasi..niloloko lang nila tayo at ganun din si Sehun sayo!" sigaw ni Sooyoung habang umiiyak

"Hindi...hindi magagawa ni Sehun yun sa akin" sabi ni Seohyun na umiiyak

"Maknae, alam mo ba na ako ang pinaka-nasaktan dito?! Alam mo ba kung bakit?! Kasi yung nakita kong kahalikan ni Luhan ay si Jiyeon...Si Jiyeon na dati kong bestfriend. Alam mo ba ang feeling na yun ha?! Kaya ngayon...pipili ka, ang pagmamahalan niyo ni Sehun o kukunin mo yang cellphone...mo...dyan...sa...lamesa...at...tawagan...mo...si...Sehun at ... sabihin mong...HINDI MO NA SIYA MAHAL! Ngayon pumili ka!" sigaw ni Yoona

"Maknae, do it" sabi ni Jessica na parang naiiyak na rin

"Wh-why?!" sabi ni Seohyun

"Maiintindihan mo rin maknae" sabi ni Tiffany

"Gawin mo na maknae!" sigaw ni Sooyoung habang umiiyak

Inabot ni Taeyeon ang phone at tinawagan ni Seohyun si Sehun

Ringggggg

"Sehun...Sorry...Break na tayo...I never loved you kaya break na tayo..." tapos ibinaba na ni Seohyun ang phone na mabigat ang loob

[EXOSHIDAE] It Hurts (The 9 Goddesses & The 12 Gangsters BOOK II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon