Chapter 2

117 3 0
                                    

------------------

Nandito kami ngayon sa canteen. Kahit nga pinapatay ako ng mga estudyante sa mga mata nila, pinipilit talaga ako ni Dreia.

Ang bastos ko naman kung hindi ko siya papayagan? Diba... Eh anak kaya siya ng principal.

Na-ikwento ko narin sa kanya lahat lahat ng mga bagay tungkol samin ni Sean. Kung pano kami nagsimula, sumaya, tapos yung niloko niya ako't iniwan ng walang dahilan.

Bilib talaga ako sa babaeng 'to. Di nauubusan ng topics.

Nakaka-panibago nga.

" Hoy! Nami...nakikinig ka ba? "

Nabigla ako sa sinabi niya.

" Ah. eh... Ano nga ulit yun? "

" Ang sabi ko...ay anong mga bagay ang ginawa mo matapos yung 2 months break-up niyo ni Sean? Naglasing ka ba or nagtangkang magpakamatay? Or what? " Gaga talaga 'tong babaeng to. Kung ano-anong iniisip.

" Ang O.A. naman ng imaginations mo. Wala. Nganga lang ako this past 2 months. Parang nabigla parin since nung break-up namin. "

" Ah..ganon ba. Pero na-try mo na bang kalimutan at magmahal ulit? "

" Oo. Sinubukan kong mag move-on at kalimutan siya... Pero... " Totoo. Gusto ko siyang kalimutan.

" Pero ano? "

" Siya parin eh. Si Sean parin tinitibok ng puso ko. Kahit nga maraming nanliligaw sakin nun. Nung nalaman nilang break na kami ni Sean.. Pero hindi eh. Iba parin kung siya yung nagbibigay ng flowers. Tapos kakantahan niya ako... Tapos.. "

Napakagat na lang ako sa labi ko. Di ko namalayan na umiiyak na pala ako.

" Sshhh ! Tahan na. Hayaan mo na yun. Sa ngayon, magpakasaya ka. Wag kang magpapakita ng motibo na talunan ka. Try to socialize with others. Para kalimutan siya unti unti. Diba? "

Turn me On (boyxboy)Where stories live. Discover now