36- The Storm... Courage

Start from the beginning
                                    

"You okay?" sympathetic na tanong naman ni Tiana na kasunod lang ng kakambal nito.

"Yeah," aniya.

Nakalapit na rin sina Cole at Erick sa kanila. Pinakahuling lumapit si Sophia na mukhang puyat na puyat. Ang alam niya ay binabantayan ito ni Deus.

"How are you?" pormal niyang tanong sa babae.

"What do you think?" mataray naman nitong sagot.

"I'm sorry."

"Hindi ikaw ang pumatay sa mga magulang ko. Wala kang kasalanan sa akin," anito saka ibinaling na sa ibang direksyon ang tingin.

"Nasaan si Rifka?" tanong ni Cole.

Inilibing nila si Neschume sa isang public cemetery on the same day na nagpakamatay ito. Hindi talaga sila makapaniwala sa nangyari dahil masyadong biglaan. Katulad ng nangyayari ngayon sa pamilya nila.

Actually, na-postpone ng dalawang araw ang execution ng kanyang ina dahil sa nangyaring gulo sa academy. Hiniling niya sa ama na pakiusapan ang ISOP President na gawin iyun upang madaluhan si Rifka at buti naman pumayag ito at ang buong Senate. Kailangan din kasing dumalo ni Director Brisbois sa execution dahil ito ang head ng institution ng mga Sentry, isang napakataas na position sa vampire world.

Ayaw n'ya pa sanang iwanan si Rifka two days ago pero kailangan niyang pumarito.

"Nagluluksa pa rin sa dorm room nila n'ong umalis ako," sagot niya. Sinilip n'ya kasi ito bago siya tumulak papuntang Graviville.

"Bakit ba nangyayari ang lahat ng 'to?" pabuntung-hiningang sabi ni Deus.

"Life is much more complicated than it already is," sagot naman ni Erick kaya inirapan ito ni Tiana.

Nakita ni Gaius ang pagdating nina Saide at Forrest. Agad na lumapit ang mga ito kina Damian at Lorcan at nakita niyang nagyakap ang kanyang ama at kapatid. Tila hinanap pa siya ng mga ito dahil inilibot ng dalawa ang paningin sa paligid.

Naramdaman niya ang pagtapik ni Deus sa kanyang balikat kaya humakbang siya papunta sa ama at kapatid.

"Are you okay?" salubong ng kanyang ama saka siya nito niyakap ng mahigpit.

"Oo," sagot niya saka tiningnan ang kapatid na walang kakilos-kilos habang nakatingin sa isang direksyon kaya napatingin na rin sila roon.

It was their mother, entering from an arch doorway of the courtyard. Sa bawat gilid nito ay may tigtatatlong Sentries na fully equipped with weapons.

Nasaktan si Gaius habang nakatingin sa ina na nakasuot ng itim na overdress. Hindi siya sanay na nakikita itong nakasuot ng damit na straight cut, walang ni anong palamuti at kulay.

But her face remained unchanged. The usual high and mighty expression of Mayor Juliana Loretha Kühn was still there. Unfaltering.

She did not look repentant. Not even a slight hint of remorse.

Dinala malapit sa tree stump si Juliana bago ito tumingin sa direksyon nila.

Lumapit si Director Brisbois sa tree stump at patulak na pinaluhod ng lalaking Sentry si Juliana paluhod at inilapat ang ulo nito sa stump.

"Forrest, anak, tulungan mo ako," sa wakas ay nagpakita na ito ng emosyon. It was fear.

Napalunok si Gaius. Ito ang unang pagkakataon na nakita niyang natakot ang kanyang ina.

"Gusto n'yo ba munang magpaalam?" tanong ni Lorcan sa kanila.

"H-Hindi na," sagot ni Forrest. "Goodbyes are always the worst."

SentryWhere stories live. Discover now