Bangkero

8.7K 87 21
                                    

"BANGKERO"

Kahit na papalapit na ang Christmas ay mukhang napakainit pa rin ng panahon. Parang summer na naman. Mukhang mas masarap kumain ng ice cream, halo-halo at kung anu-ano pang pampalamig kaysa kumain ng puto, bibingka at kung anu-anong kakanin at suman. Syempre mas masarap kung habang kumakain ng pampalamig ay nakababad ang katawan mo sa tubig. Hay, kailan na naman kaya ako makakapunta sa beach na kasama ang mga barkada ko. Sana maranasan ko uli yung kakaibang naranasan ko noong isang beses na pumunta kaming magbabarkada sa Hundred Islands.

Last summer kasi ay nagkayayaan kaming magbabarkada na pumunta sa isang beach. Si Ramon ang nag-suggest na pumunta kami sa Pagudpod at dadalhin niya ang bagong nilang Starex Van. Yun na sana ang pupuntahan namin. Biglang nag-back-out ang isa naming barakada na magiging kahalili ni Ramon sa pagmamaneho. Dalawa lang sila kasing marunong magmaneho sa aming walong magbabarkada. Kaya naman naiba ang plano namin na mas nakabuti sa akin. He he he he……..

Straight lahat ang aking mga barkada ang pagkakaalam ko at wala silang alam sa pagiging silahista ko. Madalas ko nga silang pagpantasyahan sa tuwing makakakita ako ng ari nila. Syempre straight sila at straight din ang akala nila sa akin. Kaya naman sa tuwing magkakasabay kaming umihi sa magkatabing urinal ay hindi ko pinalalampas na masilayan ang ari ng sinumang makakatabi ko. Wala akong maitulak kabigin sa kanilang pito dahil pare-pareho naman kaming magagandang lalaki. Hilig din namin ang basketball at magpunta sa gym kaya magaganda din ang aming pangangatawan.

Subalit hindi ang sa mga barkada ang ikwekwento ko ngayon. Kundi yung na-experience ko noong mag-swimming kami sa isang isla doon sa Hundred Islands.

Sa bahay na kami ni Ramon natulog noong gabi bago kami lumuwas papunta sanang Pagudpod. Noong gabi din iyon namin nalaman na hindi makakasama yung isa naming barkada na hahalili kay Ramon sa pagmamaneho. Malayu-layo ang Pagudpod kaya tiyak na kawawa si Ramon kung siya lamang ang magmamanehong mag-isa. Kaya naman nagpasya na lamang kaming sa Pangasinan na ituloy ang lakad. Madilim pa ay nagbyahe na kami papunta sa Pangasinan. Wala namang naging problema sa aming byahe at narating namin ang Hundred Islands bago pa man mag-alas otcho ng umaga.

“Boss, bangka po. Mura lang po.” ang bungad na isang lalaki ng makababa kami sa aming sinasakyan.

Madami pang sumunod na nag-alok sa amin ng bangka sa dalampasigan na iyon patungo sa mga isla. Subalit may kakaibang lalaki ang sa akin mismo nag-alok ng bangka. Bukod sa matangos ang ilong at may mga biloy sa makabilang pisngi ay matipunong-matipuno ang pangangatawan na natatakpan lamang ng maluwag na sando at shorts na pambasketball.

“Sir, yun na lamang pong bangka ko ang arkilahin ninyo. Bago lang po iyon.” ang alok sa akin ng lalaking tinutukoy ko.

“Eh magkano naman?” ang tanong ko sa kanya.

“Kayo na pong bahala. Basta ba hindi ako malulugi sa krudo ko.” ang tugon na lalaking bangkero.

“Papano kung isang daan lang ang ibigay namin,. Papayag ka ba?” ang biro ko sa bangkero.

“Dagdagan nyo na lang sir. Kulang pang pang-krudo ko iyon.” ang tugon naman ng bangkero.

“Biro lang naman yun.” ang sabi ko naman sa kanya.

“Sige, tatanungin ko ang mga kasamahan ko.” ang dugtong ko pa.

Pagharap ko sa mga kasamahan ko ay may kinakausap na rin pa lang ibang bangkero sila. Buti na lamang at nakasingit ako at kinumbinse ko sila na yun na lamang bangkerong kausap ko ang sakyan namin. Dahil nangako ako na hindi tataas sa isang libo ang singil ng kausap ko kahit hindi pa kami nagsara ng usapan tungkol sa bayaran. Inisip ko na lamang na kung sobra doon ang singil niya ay ako na ang mag-aabono.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BangkeroWhere stories live. Discover now