Pag-Ibig Na Tunay

103 4 0
                                    

Scene 2 (Sa Lupaing Taniman nina Yumi)

At nang dalhin ni Yumi si JC sa kanilang lupain, nakita ni JC na napakalawak nito. Ngunit ngumiti siya sa dalaga at nagsabing, "O sadyang kay gandang pagmasdan ang malawak ninyong lupain na wala pang anumang tanim, ngunit pupunuin ko ng malulusog na tanim ang inyong lupain dahil mahal na mahal kita at patutunayan ko yan sayo."
"Ah sige bahala ka na diyan" sagot ng dalaga
"Tignan natin kung makakaya mo yan, mahihirapan ka lang, hindi ikaw yung tipo kong lalaki" sa isip ng dalaga na may ngiting panlilinlang habang papalayo na kay JC
At nang nag-iisa na si JC, sinimulan niya na ang pagbubungkal ng lupain at sumagi sa alaala niya ang bilin ng kanyang ama nung ito'y kasama niya pa, at ito ang laman sa kanyang ala-ala.

Scene 3 (Sa Isang Tahanan)
(Ang nakaraan ni JC nung kasama niya pa ang kanyang ama)
"Anak, kung magmamahal ka dapat kang maging totoo, dapat ay handa ka ring masaktan, mahirapan at handang ibigay ang lahat alang-alang sa minamahal mo kahit ang iyong buhay" bilin ng ama
"Pero ama, parang mahirap naman po atang ibigay ang buhay mo kung sakaling hindi ka naman mahal ng iniibig mo, pero dahil yun ang sinabi mo, gagawin ko yun ama, kahit ibigay ko pa ang buhay ko alang-alang sa minamahal ko."
Sagot ni JC

Scene 4 (Sa Taniman)
Inabot na nga si JC ng katanghalian at tirik na tirik nga ang araw ngunit patuloy pa rin siyang nagbungkal ng lupain nina Yumi
"Mahal kita, bastat mahal kita, iniisip nila ay hindi mahalaga mahal kita maging sino ka man", kanta ni JC habang nagbubungkal
At inabot na nga rin si JC ng gabi at nakatulog na sa isang puno kung saan siya sumandal dahil sa matinding pagod.

Si JC at si YumiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon