Chapter 1: Class 4B

31 0 0
                                        


[Bleu's POV]

"Ang tagal ko namang natulog bakit ang tamlay ko pa rin? Energy draining naman pala ang tulog! Sinong nagsabing energizer ito ha?" Hindi ko alam kung bakit ko kinakausap ang sarili ko. Tapos na rin akong kumain ng umagahan so why? Why?!

Pero teka nga, "Natulog nga ba ako ng maaga? O nagpuyat na naman ako? Pero naalala kong 8:30 pa ako natulog. Paano na lang kung mali iyong orasan namin? Natulog ng maaga o nagpuyat?" Wait... parang hindi nagsink-in yung tanong. "Natulog ng maa—"

"Hep! Natulog ka ng maaga okay? Tama ang orasan niyo at hindi ka nagpuyat. So please tama na? Iyan na naman eh."

Natulog ako ng maaga! Oo! Tama nga ang orasan namin! Pero sino naman itong nakikisingit?

"Alam ko na ang itatanong mo. Ako si Atara Arteo, childhood friend ni Goule. Kaibigan ni Bleu Reine sa Ygrid High at gusto mo ba ulit masapak para makaalala ka ulit?"

Ahhh... naalala ko na.

"Waaah! Antarctica!! Namiss kita!! Bakit wala ka last week?" Tumakbo ako papalapit sa kanya atsaka niyakap.

Huminga siya ng malalim bago magsalita, "Atara pangalan ko okay? Hindi Antarctica, hindi Katara, hindi Alcantara at mas lalong hindi Karagatan. Saan mo ba napupulot ang mga pangalan na 'yan?" Napakunot tuloy noo ko sa sinabi niya.

"Hindi ka si Antarctica? Pero kakasabi mo lang kanina ah? Tsaka ang tinatanong ko bakit wala ka last week?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Hula ko malapit nang lumabas ang laser beam na matagal niya nang tinatago! Waaaaah wag sana!!

"Nagbakasyon muna kami ni mama pero naiwan naman si papa dahil busy."

"Paano si Kuya Tarota? Iniwan niyo rin?"

"Tarota? Sino— DAKOTA, BLEU!! DAKOTA ARTEO ANG PANGALAN NI KUYA!"

"Oh eh bakit ka sumisigaw? Parang pangalan lang ni Kuya Darota. Meron ka ngayon no??" Hindi ko alam kung bakit bigla nalang niya sinampal ang sarili niya. Pero astig ah!

"Kakatapos ko lang last last week, Bleu. Nakalimutan mo bang natagusan kita?" Ahh... oo nga pala. Punuan na kasi ang jeep at ako ang naunang umupo kaya kinandong ko nalang siya. First day niya ata nun.

"Oo nga pala. Hehe."

"Tara na nga sa room. Nga pala, alam mo bang may bago tayong kaklase?" Bagong kaklase? Wala namang nakapagsabi sa akin ah. O baka nakalimutan ko lang?

"Ahh... baka nakalimutan ko. Di ko maalalang meron eh."

"Nope. Wala talagang nagsabi sayo dahil kakalimutan mo lang din naman. Knowing our class."

"Tara Katara! Excited na ako makita siya!" Sigaw ko sabay hila sa kanya papasok ng gate. Hindi ko nga alam kung bakit doon kami sa harap ng gate nag-uusap. Katangahan lang diba?

Nakapasok kami sa room nang walang problema. Kadalasan kasi nasa labas ang mga cheerleaders at basketball players na laging nanggugulo at nagsisigawan sa corridor. Buti nga wala sila ngayon.

"Hi Bleu! Hi Ara!"

"Good morning!"

Inevitable MistakesWhere stories live. Discover now