Chapter 29: O Nagkakabistuhan Na Ba't Umeetching Pa?!

2.4K 32 4
                                    

@wradnalangpo salamat sa pagsupport! :))) sana kahit tapos na summer eh mabasa mo pa rin yung mga next chapters :)) GB!

========================================================

EmEm's POV:

Nandidito kami ngayon kay Ma'am... nakalimutan ko pangalan niya eh, yung nagturo sa akin nun ng ethics ekek, hindi ko na tinanong kung sino siya, di naman na kami magkukrus ng landas bukod sa bahay niya na ito eh. Kaya ako nagpunta dito kasi pumunta sa bahay kahapon si mommy at sinabing isasama daw nila ako sa opening ng bagong bukas nilang branch ng store ng pabango, yung GAB: Great Atmosphere Beyond. Yan ang isa sa mga nangungunang brand ng pabango ng Philippines pero ngayon ko lang nalamang sina Gab pala ang may hawak nun -.-. Kung di pa ako nainvite ni mommy.

Di lang pala ako ang nagpunta dito, sinamahan ako nina Paco, Hummer at Poknat... ang babysitter ko haha. Inaaral ko ngayon ang tamang pag-upo kapag kakain, paano susubo, paano tatawa(dapat daw di kita ang dila kapag tatawa), may sinabi pa siya eh paano daw kung pagtawa mo eh lumobo bigla yung ano? hahaha. Sabihin mo lang daw... 'Oh ha! Kaya niyo yun?'. Lanya. -.-.

Nakakadistract lang yung dalawa, si Poknat at Paco.

"Aba, napansin ko... hindi mo na kinakausap ang sarili mo?"

"Ha? Napansin mo? Pinapansin mo ako?", parang bata yung pagsasalita niya. Napatingin ako sa kanya at parang nagspark yung mata niya natawa tuloy ako.

"Emarie, wag ka tumawa, wag kang padistract sa ibang tao, paano kung nakita mo yung kasama mo sa table na may boogie siya? Tatawanan mo?", boogie? 0.o

"Sorry po."

"Oo, kasi normal ka na, eh kung lagi ka ba namang ganyan eh di na kita aawayin, kairita ka kasi eh."

"Hmmp, alam mo kaya di ko na siya kinakausap kasi magkagalit kami."

"Siya? Sinong siya?"

"Yung sarili ko, magkaaway kami ng sarili ko :((("

"Baliw?!"

"Oo Paco! Baliw na kung baliw! Baliw na baliw sa'yo tapos ganyan ka pa! Alam mo ba kung bakit kami nagkagalit? Kasi naman sabi niya kalimutan na daw kita eh ayoko kasi nga mahal kita, unang kita ko pa lang sa'yo mahal na kita! Kahit nga mga kalokohan ko kinalimutan ko na para sa'yo."

"Wehhhhh?", hahahahahaha kung nandun ako malamang yan din ang sasabihin ko. "Lakas na ng tama mo, bakit di ka pamental?"

"Pst, Paco, wag mo nga ganyanin si Poknat, babae siya, wala kang galang alam mo mabuti pa tara may sasabihin ako sa'yo para magkasundo tayo ng mabuti.", sabat ni Hummer.

May ideya ako kung ano sasabihin ni Hummer. Sigurado akong type niya si Poknat pero torpe ito kaya hihingan niya ng favor si Paco para mapalapit siya kay Poknat.

------------------------

Sandali lang ang session dahil bawal daw ako mapagod bilin sa kanila ni Gab, napaka protective talaga ng yummy ko ^^, ang yummy yummy talaga. haha.

Habang nasa kotse pansin kong walang nagsasalita kahit isa. Si Poknat kasi nga magkaaway sila ng sarili niya, si Paco at Hummer? Ewan ko.

"Paco, hatid na kita sa inyo.", sinira ni Hum ang katahimikan.

"Ha-ihahatid mo ako?"

"Oo."

"Bakit?"

"Para menos ka na sa pamasahe mamaya, ako na ang maghahatid kina ma'am, para ako na lang mamamasahe mag-isa mamaya."

"Huh? Eh sila naman ang nagpapasahe sa atin eh."

"Basta.", niliko niya sa kung saan... hmm.

"Hum, wag mo gawin ito.", eh?

Buntis Ako... Sino ang Ina??!!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon