Naramdaman niya ang tila pagvibrate ng kama gawa ng cell phone ni Mhelanie na nasa loob ng hand bag nito. Inabot niya ang bag na nasa kama sa may paanan at kinuha ang cell phone. 'love' ang naka-indicate na caller. Si Falcon ito. Sinagot niya ang tawag at natatarantang boses ni Falcon ang narinig.

"It's Jufred." Natigil sa pagputak si Falcon.

"Who?"

"Bingi o tanga? Ako 'to, ang pinakaguwapo sa angkan natin."

"Jufred?"

"Jufred Veliganio at your service."

"Sandali. Kasama mo si Mhelanie? Nasaan siya? Kakausapin ko."

"Tulog na siya. Naglasing. Umiyak. Gagu ka rin e, 'no? Pinauwi mo rito tapos sasaktan mo."

"Ano? Sandali nga nasaan ba kayo? Pupunta ako."

"Bukas na. Huwag mo na siyang istorbihin. Tatawagan kita bukas." Hindi na niya hinintay pang makasagot si Falcon, tinapos na niya ang tawag at in-off ang cell phone. Ipinatong ni Jufred ang cell phone sa nighttable at muling pinagmasdan si Mhelanie na mahimbing nang natutulog. Inayos niya ang kumot nito. Yumuko siya at hinalikan ang noo ni Mhelanie bago lumabas ng silid.

KINABUKASAN ay nagluto si Mhelanie ng almusal nila ni Jufred. Iniyakan pala niya si Jufred kagabi. Ang sama-sama talaga ng loob niya. Ni hindi na nga niya tinawagan si Falcon para ipaalam kung nasaan siya. Bahala ito! Busy rin naman ito sa iba.

"Pasensiya ka na, Jufred. Naistorbo pa kita." Aniya habang abala sa pagluluto ng tocino. Binalingan niya si Jufred nang hindi ito magsalita. Nakatayo ito sa gilid ng counter at nakatingin sa kanya. Tulala.

"Jufred. Are you with me?" Kumurap ito, hinaplos ang likod ng batok at parang nahimasmasan mula sa pagkakatulala.

"Gutom na ako." Sinabayan nito ng himas sa tiyan. Marahan siyang natawa.

"Sandali na lang po. By the way, nasaan nga pala si Anne?"

"Umuwi sa kanila. Pinapasunod na nga ako, e, gusto raw akong makilala ng pamilya. Paano kung aswang ang buong pamilya n'on, tapos gagawin lang pala akong handa sa pistahan." Malakas na tumawa si Mhelanie.

"May tao yata, check mo. Tapos na rin 'to, ihahain ko na." Aniya nang tumunog ang door bell. Inilagay niya sa serving plate ang nilutong tocino at dinala iyon sa hapagkain kasama ang sunny-side up eggs na nauna niyang niluto.

"Mhelanie!" Isang baritonong boses ang nagpatigil kay Mhelanie. Nanigas siya sa kinatatayuan nang marinig ang boses ni Falcon. Nilingon niya ito. Salubong ang kilay ng kanyang asawa habang pinapasadahan ang kabuan niya. Napahawak si Mhelanie sa laylayan ng T-shirt na suot.

"Paano mong nalamang nandito ako?"

"Bumalik ako ng office kahapon pero maaga ka raw nag-out. I've been texting and calling you pero hindi ka sumasagot."

"Sumama lang ako sa kaibigan ko. Saka isa pa busy ka. May pinuntahan kang meeting 'di ba?" she emphasized the word 'meeting'. At ang inis na nararamdaman para rito ay muling bumalik nang maalala ang pagsisinungaling nito.

"Paano mo pa lang nalaman na nandito ako?" Bago pa man makasagot si Falcon ay lumapit sa kanila si Jufred at isang babae, nakahawak ito sa braso ni Jufred. Ngumiti ang babae sa kanya.

"Hi, ikaw ang asawa ni kuya, Tres?" bahagya siyang tumango. Inilahad nito ang kamay sa kanya.

"I'm Lyca. Pinsan ako ni Kuya Tres." Inabot niya ang kamay nito. Ito ang asawa ni Alford. Ang alam niya ay buntis na rin ito. Dalawang buwan yata ang ipinagbubuntis nito.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairWhere stories live. Discover now