Part 5: Lupain ng Hiwaga

7.3K 276 12
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017

AiTenshi

July 22, 2017

Part 5: Lupain ng Hiwaga

Kinabukasan, maaga palang ay nag ayos na kami ni Oven ng gamit patungo sa bundok ng Baribari. Ang paalam ko sa aking mga magulang ay mag reresearch lang para sa science project kaya hindi naman sila tumutol kung umakyat man ako ng bundok upang manguha ng halamang gamot.

Naka lagay sa loob ng knapsack ang aking mga gamit, cellphone, compass, chalk na pananda sa daan, tubig, de latang pag kain at tent kung sakali man na abutin kami ng dilim. "Sure kaba dito sa gagawin natin frend?" ang tanong ni Oven na may halong pag aalinlangan.

"Heto na nga tayo, kaunting sandali na lang at nandoon na tayo sa bundok. Huwag kang mag alala sa injury mo o kung sakali mang matigok ay bubuhayin kita kaagad." ang biro ko

"Eh malakas ang loob mo dahil mutant ka, paano naman akong isang simpleng nilalang lamang na nangangarap maging beauty title holder?" ang tanong nito

"Title holder lang, walang beauty. Nandito na tayo! Labas na!!" ang wika ko sabay tulak dito palabas ng taxi

"Arekup bayolente naman ito. Heto na nga po lalabas na me." ang sagot ni Oven na may halong reklamo.

Makalipas ang ilang minutong byahe ay narating namin ang bundok ng Bari Bari, parang isang ordinaryong bundok lamang ito at maaliwalas pa dahil tanghaling tapat at tirik na tirik pa ang araw sa kalangitan.

Ilang sandali rin kaming nakatanaw dito hanggang sa mapag desisyunan naming lumakad pasulong. Hawak ko ng chalk na siyang gagamitin ko sa pag mamarka ng mga puno upang mag silbi itong tanda sa aming daraanan. Samantalang si Oven naman ay may hawak na tinapay at pinipiraso ito para ilaglag sa lupa. "Ano naman iyan?" ang tanong ko

"Edi pananda para hindi tayo maligaw. Effective ito, ganito ang ginawa ni Hansel at Gretel noong mag tungo sila sa kakahuyan." ang wika ni Oven

"Oo iyan ang ginamit nila kaya nga naligaw sila at napunta sa evil witch." ang tugon ko naman

"Napunta sila sa evil witch at pinatay nila ito. Nung nag dalaga at nag binata sila ay naging witch hunter sila diba?"

"So anong connect dito?" tanong ko

"Wala, basta epektib ito. Huwag kana komontra okay?" ang sagot niya habang patuloy sa pag laglag ng tinapay sa lupa.

Patuloy kami sa pag lalakad at pag lalakad ng tanda sa aming dinaraanan. Sa bawat hakbang na aking ginagawa ay pilit kong binabalikbalikan sa aking isipan ang bawat detalye ng eksaktong anyo ng kakahuyan kung saan ako dinala ang aking kakatwang panaginip. Ang malalaking puno na animo higante, ang mga tuyong dahon na nag kakalaglag sa paligid at ang nag yeyelong hangin na para kang nasa loob ng isang dambuhalang cooler. At ang isang hardin ang bulaklak na kulay ginto at kumikinang sa gitna ng madilim na kakahuyan. Hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang mga eksenang iyon.

"Paano ka naman nakaka sigurado na tama ang ating direksyon?" ang pang uusisa ni Oven

"Hindi ko alam, basta hinahayaan ko lang ang aking paa na lumakad, sobrang pamilyar sa akin ang bundok na ito. Para bang naikot ko na ito dati. Ang bawat pasikot sikot ay nag papa alala sa akin na tila ba nag punta na ako dito." seryoso kong sagot.

Mr. Genius X Mr. Blood Sucker 2017Where stories live. Discover now