Chapter Five

10.7K 275 46
                                    

----------------------------------------------------

''Ma! Ayaw ko talagang pumasok.'' Daing ni Kath at nagtalukbong ng kumot.

''Isa! Bumangon ka na ngang bata ka. Nukas na ang Prom nyo tapos hindi ka pa papasok ngayon?'' Sabi naman ng mama ni Kath habang hinihila ang anak para bumangon na.

''Yun na nga Ma! Prom bukas kaya kailangan ko ng beauty sleep.'' Pagdadahilan ni Kath sa Mama nya.

''Nakoo~Anak meron ka na nyan kaya hindi mo na kailangan yan.'' At sa wakas napatayo na din si Kath ng Mama nya.

''Go take a shower and dress up.'' Sabi ng Mama ni Kath habang inaayos ang damit na nagulo sa pag-higit kay Kath.

''Argh! Fine!'' Marahas na sabi ni Kath at dumeretso sa banyo. Napailing naman ang Mama nya dahil tinotopak na naman ang anak nya.

After half an hour ee natapos na din si Kath at ready ng pumasok.

''Wag ka ng kumain sobra ka ng late, dun ka nalang sa school kumain.'' Sabi ng Mama ni Kath. Napasimangot naman lalo si Kath.

Habang nasa kotse ay hindi maiiwasang maalala ni Kath ang nangyari kagabi. Napabuntong hininga sya ng maalala ang malungkot na mukha ni Daniel.

'Wala kang kasalanan Kath. Wala!' Bulong ni Kath sa kanyang isipan at iniling-iling ang ulo.

''Ma'am andito na po tayo.'' Sabi ng driverl nila, kaya bumaba na si Kath at mabagal na naglakad papunta sa room nila. Sobrang late na sya pero wala syang pakealam dahil ayaw nya talagang pumasok o ayaw nya lang talagang makita si Daniel?

''Ms. Bernardo! Why are you so late?'' Galit na tanong ng Prof. nila kay Kath.

''May nangyare lang po sa bahay Sir. Sorry po, hindi na po talaga mauulit.'' Pag-sisinungaling ni Kath at ngumiti ito ng pilit.

''Okay, you can take your seat now.'' Lumakad na si Kath papunta sa upuan nya, napatingin sya kay Daniel na nakatingin din sa kanya kaya agad syang napayuko hanggang sa makaupo sya.

''Ayos ka lang gurl?'' Tanong ni Jane kay Kath.

''Oo.'' Maikling sagot ni Kath na hindi tinatapunan ng tingin si Jane.

''Sigurado ka ha? Kung may problema ka, andito lang ako.'' Sabi ni Jane na nakangiti pero hindi naman ito nakikita ni Kath dahil nakayuko nga ito. Tumango si Kath bilang sagot sa sinabi ni Jane.

Crush Ako Ng Crush Ni Best Friend? (KathNiel) *WITH SPECIAL CHAPTERS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon