Chapter One

16.6K 357 25
                                    

----------------------------------------------

Sabay na naglalakad ang dalwang babae sa gitna ng hallway na parang sila ang mga reyna ng daan.

All eyes on them as they pass by..

''Best, how was your christmas vacation?'' Tanong ni Kathryn sa matalik na kaibigan.

''It was great! Ang ganda kaya sa Paris.'' Tuwang tuwang sabi ni Ingrid. Napatawa naman si Kathryn dahil ang hyper na naman ng kaibigan.

''Buti ka pa nag-enjoy. Eh ako dito lang sa pinas.'' Pag-iinarte ni Kath kaya nabatukan sya ni Ingrid.

''Arte mo, ngayon ka na nga lang nag pasko dito eh.'' Naka-irap na sabi ni Ingrid kay Kath.

''Heh! I have plans kasi, kaso hindi naman natuloy. Asar lang talaga.'' Nagpapadyak pa si Kath na parang isang bata.

''Ey,ey! Umayos ka makakasalubong natin si Crush.'' Umpit na tumili si Ingrid, si Kath naman ay napatingin sa harapan nila.

Makakasalubong nila si Daniel Padilla na crush ng kanyang bestfriend. Ang nag-iisang lalaking kinababaliwan hindi lang ng kanyang bestfriend pero lahat ng babae sa school nila. Well except for Kath of course. Hindi ganun ang type nya sa lalaki.

At katulad ng dati kasama nito ang kanyang mga kaibigan, nagtatawanan at kumakaway sa 'fans' nila na parang totoong celebrity. Ng magkakasalubong na sila ay biglang napatingin si Daniel sa gawi ng dalwang talaga, sabay ngiti ng 'to ng pagkatamis-tamis.

''Ihhhh, best nakita mo yun? Nginitian nya ako! Kyaaaah!!'' Naloka na naman ang bruha. Sa isip-isp ni Kath. Lumingon sya para tignan ang mga ito pero nagulat sya dahil tumigil ang mga ito at nakatingin sa kanilang dalwa. In short pinapanuod sila nitong maglakad.

Mas nagulat sya ng kindatan sya ni Daniel, umirap lang sya at umwas na ng tingin.

''Haha. Pare chicks ah!'' Pangangantsaw ng isa sa kaibigan ni Daniel.

''Tumigil na nga kayo. Mga babaero talaga kayo.'' Sabi ni Daniel at agad na nagpatuloy sa paglalakad.

''Best, nakita mo yun? Nginitian nya ako.'' Hanggang ngayon ay kinikilig pa din si Ingrid at hindi maka-move on sa pag-ngiti sa kanya ni Daniel.

''Oo na best, ilang beses mo na yang sinabi sakin. Pero ikaw ha! Haba ng hair, baka may gusto na yun sayo.'' Pang aasar ni Kath na nagpakilig lalo kay Ingrid.

''Iiiihh! Tingin mo best?'' Kinikilig na sabi ni Ingrid.

''Oo, hindi naman imposible yun. Maganda ka, mayaman, matalino, sikat ka din dito sa school. So bakit hindi diba?'' 

''Kaya kita best friend eh. But any who, gotta go now. Don't wanna be late.'' Nag-beso-beso silang dalwa tsaka pumunta sa kani-kanilang klase.

Pag-dating sa klase ay agad nakipag-beso si Kath sa isang kaibigan na si Jane.

''Musta na friend?'' Tanong ni Jane pagka-upo ni Kath sa tabi nito.

Crush Ako Ng Crush Ni Best Friend? (KathNiel) *WITH SPECIAL CHAPTERS*Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon