So this is love..*

Napayuko siya sa sobrang frustration. Ano ba itong nangyayari?!

Padabog na kinuha niya ang car keys niya at lalabas na sana ulit ng may sinabi pa si Adie sa record na iyon.


"I love you, Marco."

Napapikit siya sa sinabi ni Adie. Sa tuwing sinasabi nito sakanya na mahal siya nito, lagi siyang napapapikit. Hindi kasi siya makapaniwala.. Na ang isang katulad niyang lalaking mahirap intindihin, ay nagawang mahalin ng katulad ni Adie.

Naalala niya ang sinabi ng mama niya.

'Piliin mo kung ano'ng magpapasaya sa'yo'

And he's doing it now.. tama na siguro ang paghihirap nilang dalawa. He will listen now. His heart and mind are ready. Babalewalain niya lahat ng hinanakit at kademonyohan niya sa katawan. For the sake of one thing.


His happiness.

-------

Kasalukuyang nasa recording studio si Marco ng biglang pumasok nalang basta si Vin kasama si Mico. Tinanggal niya ang headphones niya at hinarap ang dalawang gagong walang magawa nanaman siguro sa buhay.


"Ano'ng maipaglilingkod ko sainyo?" Tanong niya pagkatapos inikot ang swivel chair paharap sa mga itong prenteng nakaupo na sa couch na naroon sa studio niya.


"Ang boring sa hacienda! Lumayas na muna ako." Sabi ni Mico.


"Palibhasa umuwi yung alaga mo!" Kantiyaw naman ni Vin na binalewala lang ni Mico.

"Ano ba'ng kailangan niyo? Busy ako." Sabi niya sa mga ito. Pero hindi naman siya pinansin ng dalawa dahil busy ang mga ito sa paghalungkat ng mga bagay na maaabot ng mga kamay nila.


"Lumayas na nga kayo! Sila Dylan ang guluhin ninyo!" Bulyaw niya sa dalawa.


"Umalis sila Dylan at Mitch, pinasyal yung kambal. Si Jeremie naman dakilang alalay ng buntis." Sabi ni Mico habang naglalaro na sa may iPad niya.


"Si Erin? Iyon nalang ang guluhin niyo!"

"Busy si Erin sa shop niya. Tsaka lalo lang kaming gugulo kung iyon pa ang guguluhin namin." Sabi ni Vin.


"Alam niyo? Ang gulo niyo!" Naguguluhang sabi niya sa mga ito.

Maya-maya lang ay biglang nag-ring ang phone niya.

Napatingin naman sakanya yung dalawa na tila nandidiri. Inirapan niya lang ang mga ito at sinagot ang tawag ng mama niya. Tinatanong lang siya nito kung uuwi raw ba siya sa Bulacan.

Pagkatapos ng tawag ay hindi parin nakaligtas ang nakakadiring tingin na ibinibigay nina Vin at Mico sakanya.

Nangunot naman ang noo niya. "Bakit?"


"Bakit ganun iyong ringtone mo?" Tila nahihintakutang sabi ni Mico.

"May problema ba?" Nakataas na kilay niyang balik-tanong sa mga ito.


"It's just that.. it's too.. cheesy? I guess?" Natatawang sabi ni Vin.


"Pa-'I guess I guess' ka pang nalalaman Vin. Sabihin mo na kasing nakakabakla ang ringtone mo!" Bigla namang humalakhak si Mico.


"Maganda kaya ang boses niya!" Depensa niya.


"Wala ako'ng sinabing pangit, ulul!" Sabi ulit ni Mico.


A Love to Report [Fin]Where stories live. Discover now