Eight

69.9K 1.3K 38
                                    

Mabilis na nagpaalam si Adie kay Ms. Eunice dahil napahaba ata ang kwentuhan nila. Ipinahatid nalang siya nito sa driver nila pauwi.

Pagkapasok ng kanyang unit, mabilis na naglinis si Adie ng katawan at pabagsak na humiga sa malambot niyang kama.

Haayy. Ang sarap humiga!

Napatayo siya sa kama ng may maalala. Dali-dali niyang tinawagan si Marco at inihanda ang sarili sa balitang hatid niya.

"Oh, Ms. Martin, ano ang sabi ni Eunice?" batid ni Adie ang kasiyahan sa boses nito. Mas lalo tuloy siyang kinabahan. Dapat pa ba niyang sabihin?

Of course bruha! Trabaho mo ito. Haaayyyy..

"Sir..about that.. ano po kasi.." nag-aalangan niyang sabi.

"Get straight to the point Ms. Martin." ngayon seryoso na ang boses nito. Tila ba may ideya na ito sa kanyang sasabihin.

"Di po nagustuhan ni Ms. Eunice. Paki-ulit daw po." gineneralize nalang niya ang sinabi ni Ms. Tan sakanya. Jusko, sa sobrang haba nun ayaw niyang magkwento sa phone.

"WHAT?! FUCK!"

Sunod-sunod na malulutong na mura ang narinig ni Adie sa kabilang linya. Napangiwi nalang siya sa mga naririnig at bahagya niyang nilayo ang telepono sakanya dahil na-aabuse na ang beautiful ears niya.

"Sir.." awat niya rito.

"Pumunta ka dito sa The Santillan's. You need to report what the hell happened!" mariing utos nito sakanya.

Napakagat ng labi si Adie. "Eh sir, pwedeng bukas nalang po? Masyadong gabi na po kasi.."

"NOW ADIE!!" sigaw nito dahilan para mapapikit siya ng mariin. Tinapos na rin nito ang tawag para siguro di siya makaangal.

Sabi nga niya pupunta siya eh. Nakakabanas talaga! Kung kailan nagwa-one on one time na sila ng kanyang kama at unan tsaka naman siya iistorbohin ng balasubas niyang boss! Naku! Pasalamat siya at may kailangan siya rito.

Di na nag-abalang mag-ayos pa si Adie. Kung ano na ang suot niya ay iyon narin ang sinuot niya papunta sa The Santillan's kung saan man iyon. Isang plain grey shirt at white shorts ang suot niya. Nag-sweater nalang siya dahil medyo malamig na sa labas. Kipkip ang wallet niya at cellphone dali-daling pumara si Adie ng taxi. Hindi na niya dinala ang kotse niya dahil baka makahalata lang si Marco kung bakit may kotse siya. May kamahalan pa naman ang kotse niya. Baka kung ano pa isipin ni Marco at ipaimbestigahan pa siya.

"Manong alam niyo ho ba yung The Santillan's?" tanong niya sa driver.

Tumango naman ito bilang sagot. Malay ba niya kung saan yung The Santillan's na iyon. Hindi nga niya alam kung anong lugar ba iyon. Though, parang narinig na niya iyon sa kuya Adrian niya.

Hindi naman nagtagal ay ibinaba siya ng driver sa tapat ng isang magarbo at mukhang sosyal na restaurant. Sa taas nito ay nakailaw ang malaking label ng restaurant. Nalaglag ang panga niya sa dami ng taong nakapila hanggang labas. Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan si Marco.

"Sir, nandito na po ako sa tapat ng restaurant. Pipila po ba ako?" tanong agad niya ng sagutin nito ang tawag niya.

"No. Stay there. I'll get you." tapos ay binaba na niyo ang telepono.

Bigla siyang kinilabutan sa sinabi nito. His voice was very manly at tila nang-aakit. It sounds so..sexy.

Woooops! Pinilig niya agad ang kanyang ulo. Ano ba itong pinagsasasabi niya sa sarili niya! Sa lamig lang siguro ito. Oo! Tama. Baka sa lamig nga lang ito.

A Love to Report [Fin]Место, где живут истории. Откройте их для себя