Entry 5: The Image

Start from the beginning
                                    

Lumabas ng bigo si Mimi.

 Sa may pinto ay nakita niya ang pinsan na si Ray Joseph.

“Walang kwenta ang president na yan. Mas pinaniniwalaan niya ang sinasabi ng iba.”

“RJ, tutulungan mo ba ko?” Bigla niyang tanong. Sa tono kasi nito ay halatang kay Lily ito pumapanig.

Tumingin sa kanya si RJ. “Pasensya ka na, pero hindi ako gumagawa ng may kasama.”Bigla na itong umalis.

Napakagat na lamang si Mimi sa labi. Ang buong akala pa man din niya ay may tutulong na sa kanya. Mukhang sa sitwasyong ito ay sarili lang niya ang maaasahan.

“Mimi!”

“Aaah!” Ang gulat ni Mimi. May bigla kasing humawak sa kanya. Nang lingunin niya nalaman niya na si Cashmere iyon. Pinsan niya rin.

“Ikaw lang pala, ginulat mo ko.”

“May problema ka ba?” tanong nito.

Medyo nag-alangan si Mimi na magsabi. Nagpasya lang siya na gawin matapos niyang makita ang matamis na ngiti ng pinsan.

“Kung gayon, gusto mo palang alamin kung sino ang nanakit sa kaibigan mo,” sabi ni Cashmere matapos marinig ang panig ni Mimi.

Tumango si Mimi. “Gusto ko talaga siyang makilala dahil siya ang rason kung bakit nagpakamatay si Lily.”

“Kawawa naman si Lily. Ang sama ng ginawa sa kanya,” komento ni Cashmere.

Biglang nakuyom ni Mimi ang kamao. “Kapag nalaman ko lang talaga kung sino ang taong yon, lagot talaga yon sa akin!”

“May paraan ka ba para makilala siya?

Doon bahagyang natigilan si Mimi. Napailing siya.

“Maari siguro tayong mag-umpisa sa mga taong malapit sa kanya.”

“Sandale, Cashmere ibig bang sabihin niyan tutulungan mo ko?” medyo nagtataka pang tanong ni Mimi.

 “Pinsan mo ko, natural lang na tulungan kita,” mahinahong sagot nito.

Parang hindi pa rin makapaniwala si Mimi.

Ngumiti si Cashmere. “Mahilig pati ako sa mga mystery novel,” dagdag pa nito.

Doon lang nakumbinsi si Mimi.

“Ngayon ako na si Agent Two at ikaw si Agent One!” biro pa ni Cashmere.

Napatawa si Mimi. Tumawa na rin si Cashmere.

“Mabuti naman napatawa kita.,” sabi ni Cashmere.”

“Salamat Cashmere. Salamat din pala sa cake.” Bigla niyang isiningit ang tungkol sa cake. Noong nakraan kasi ay nagpunta ang pinsan sa bahay nila para tulungan ang mama niya na mag-bake ng cake. Maaasahan talaga si Cashmere.

Nang sumunod na araw ay sinimulan na nila ang paghahanap ng mga clue para sa kaso ni Lily. Upang malaman ang mga taong malapit dito, tinanong nila ang kanyang ina.

“Maraming kaibigan ang anak ko. Madalas ginagabi siya dahil marami siyang ka-text o kaya’y kausap sa internet. Pero tatlo lang ang alam ko na pinaka malapit sa kanya.  Si Dondon na nanliligaw sa kanya, si Meg na kababata niya, at syempre ikaw, Mimi.”

Napatingin si Cashmere sa pinsan niya.

Napangiti lang naman si Mimi.

Pagkatapos ng pakikipag-usap na iyon, nagkaroon ng ideya si Cashmere sa mga taong puwede pa nilang makausap.

Una ay si Dondon. Katulad din lang nila ito na nasa First Year. Madalas itong abala dahil kasali ito sa banda.

“Ano ba ang gusto nyong malaman?” medyo mataas ang tono na tanong nito.

WP New Stories' One-Shot Story ContestWhere stories live. Discover now