Chapter 13
Bloody Acquaintance
I paste a smile on my face while i am gracefully walking in the red carpet going to the grand stage wearing the red dress given by someone i dont know and it gives me creeps. Though, nakakakaba man ay hindi ko iyon ipinakita, nakakatakot pero ayaw kong matakot, nakakapanghina pero ayaw kong panghinaan ng loob dahil alam kong nasa paligid ko lang sila, nasa harap at pwedeng nasa likuran ko lang din. Hindi pwedeng magmukha akong mahina sa paningin nila, hindi ko sila pwedeng bigyan ng dahilan para matuwa, hinding hindi ko pwedeng ipakitang napuntohan nila ako, hindi ako maaaring matalo.
Naupo lang ako sa isang table habang palinga linga sa paligid, hinahanap ko si Grey kasi nauna na siyang pumunta dito pero hindi ko pa siya nakikita. "Sanay na sanay ka talagang magisa." Wika ng isang tinig na kilalang kilala ko na. Si Red.
"Sanay na sanay ka talagang nangingialam sa buhay ng may buhay. Hays." Surang sura kong sabi saka ko ito inirapan. Somehow, kahit na gan'to palagi ang conversation namin ni Red, kahit na sa tuwing magkikita kami puros mga arguement ang nangyayari sa pagitan namin ay i dont feel like im in danger when im with him, when he is around me.
"So asan kasama mo?" Tanong niya pero napayuko lang ako. Kasi nga wala akong kasama pero sa kabilang banda mas okay na iyon dahil inaamin kong kakaiba ang nararamdaman ko sa paligid, para bang may mangyayaring hindi maganda, mas hindi kanais nais kaysa sa inaakala ko.
"Ah, wanna drink?" Pangiiba nito ng usapan dahil siguro napansin niyang hindi ako sumagot, na ayaw ko itong pagusapan. Tumango lang ako sa alok niya at nakita kong naglakad ito paalis para siguro kumuha ng maiinom.
*
Napabalikwas ako ng biglang namatay ang ilaw kaya naman biglang binalot ng kadiliman ang kabuuan ng paligid at ang malakas na tugtog ay namatay din, napalitan ito ng naglalakasang sigaw ng mga iba kong schoolmates. Madaling gumapang sa loob ko ang takot at pinagpawisan ako ng malamig, ito na ba?
Nakahinga ako ng maluwag ng bumukas ang ilaw, maayos padin ang lahat. Nakuha ang atensyon ng lahat ng may magsalita sa harap. Hindi ko ito kilala, but his face is so familiar. Para bang nakita ko na siya noon, hindi ko lang alam kung kailan at saan.
"Let's just enjoy the party." Masayang sigaw nito dahilan para maghiyawan ang lahat. Sila lang ang natuwa dahil ramdam kong may kakaiba sa ngiti niya. Im pretty sure they will enjoy, pero alam kong hindi sila magkatulad ng pagkakaintindi. I must say, something is going fishy here.
Tumunog na ulit ang naglalakihang speaker na nakapalibot sa paligid at ang ilaw ay napalitan ng disco lights kaya naman medyo dumilim ang paligid pero natanaw ko pa kung saan nagtungo ang lalaki kanina kaya naman palihim ko itong sinundan. Itinaas ko ng bahagya ang laylayan ng gown ko dahil medyo nahihirapan akong maglakad, nasa madamong parte kami ng Philippine High idagdag mo pa ang may kataasan ang heels na sout ko.
"Alam kong may tao diyan kaya lumabas ka." Hindi ito masquerade ball pero nagdala padin ako ng maskara dahil alam kong ganito ang mga mangyayari, na unti unti na silang magpapakita, na makikilala ko na sila at hindi ako maaaring magkamali na isa siya sa mga makakalaban ko, at hindi ako pwedeng magpatalo.
Isinuot ko ang kulay itim at puting maskarang dala ko at saka lumabas sa likod ng may kalakihang puno na pinagtataguan ko. Madilim pero kitang kita ko ang malawak na ngisi nito. "Sino ka?" Natawa ito ng mahina.
"Hindi ba dapat ikaw ang tinatanong ko niyan? Ikaw ang sumusunod ng walang dahilan sa akin kaya, bakit? Sino ka ba?" Pagbabalik nito ng tanong. Hindi pa ako nakapagsasalita ay muli itong nagsalita.
"Pero hindi mo na pala kailangang magpakilala, kilalang kilala na kita." Napasinghap ako sa narinig. Totoo nga ang hinala ko, isa siya sa mga papatay sa akin pero hindi yun pwede, mauuna muna siya.
BẠN ĐANG ĐỌC
Twisted Reality
Bí ẩn / Giật gânDo not open this if you haven't yet read the Desiree University. This is just a sequel of that Book. Thank you.
