Ang bawat sugat na natamo ko,
Ay galing sa mga salita mo.
Salitang mapapait,
Salitang masasakit.Ang mga sugat na binigay mo,
Tumagos,
Tumatak,
Dito sa puso ko.Oo, hindi ako perpekto.
Oo, hindi ako kagaya mo.
Oo, hindi ako matalino.
Oo, hindi tayo pareho.Pero naisip mo ba?
Na tao rin ako gaya ng iba?
Na nasasaktan din ako gaya nila?
Nahihirapan? Umiiyak? Sumusuko?Maaaring hindi tayo pareho
Pagdating sa pisikal na aspeto.
Pero ito ang masasabi ko sa'yo—Walang mararating iyang pambubulas mo.
YOU ARE READING
koleksyon.
RandomKoleksyon ng mga sulat para sa mga taong naging aking inspirasyon sa pagsusulat. 09/08/17 - #670 in poetry