Chapter 1: First day

34.3K 418 28
                                    

Chapter 1: First day

DENDEN'S POV

It was monday and first day ko sa Ateneo De Manila University. Medyo kinakabahan ako dahil wala akong kakilala or kaibigan sa school na iyon pero at the same time excited rin na makakilala ng mga bago kong magiging kaibigan.

Parents ko ang nagdecide na dito ako mag-college. And syempre go nalang ako. Wala sila lagi dito sa Pilipinas dahil may business kami sa ibang bansa, kaya tanging si Manang lang ang palagi kong kasama dito sa bahay.

Time check: 5:15am, 7:30 ang klase ko. Dali-dali akong naligo at nagbihis dahil ayokong sa unang araw ng klase ko ay ma-late ako.

Pagkatapos magready, bumaba na ako para magbreakfast. Tapos nagpaalam nako kay manang na aalis na ako.

Sinabi niyang mag-ingat ako. Psh pano kung ayoko? Joke lang. Mag-iingat talaga ako. Mag-aasawa pako no!

Paglabas ko ng bahay, dali-dali akong sumakay sa kotse ko, nag-earphones at nagdrive papuntang school.

**

Pagdating ko sa ADMU, pinark ko na agad yung kotse ko at naglakad papunta sa room ko.

Habang naglalakad, nakita ko yung tarpaulin na nagsasabing sa friday na yung try-out ng volleyball. Syempre magtatry-out ako. Kaya rin pumayag ako na dito mag-aral, dahil gusto kong makapasok sa ADMU WVT.

Anyway, pagdating ko sa klase ko. Hindi ako late. At meron nakong nakilala na gaya ko, balak din magtry-out sa ADMU WVT. Mababait naman sila and sa tingin ko, magiging kaibigan ko sila lalo na pag pare-pareho kaming nakapasok sa team.

Si Ella mukhang bully at madaldal. Si Amy medyo tahimik, at mahilig magbasa ng books.

**

Lunch break. Magkakasama kaming tatlo na pumuntang cafeteria.

Habang tumitingin ng pagkain na bibilhin, napatingin ako sa babaeng mag-isang nakaupo lang at kumakain.

Morena, mukhang matangkad, pero.. weird? Nakatingin siya sakin or more like.. nakatitig? Nagkatinginan kami at ako nalang yung umiwas ng tingin. I don't know pero.. nahiya ako bigla.

Kasi naman! Titigan ka daw ba!

After what happened, di na ako lumingon ulit sakanya. Baka tarayan ako, mukha pa namang masungit. Duh wala akong balak makipag-tarayan ngayong first day ko dito.

**

ALYSSA'S POV

Napabalikwas ako ng bangon ng makita ko ang oras.

6:05 na!! 7:30 ang klase ko mygad!

Ayokong malate jusko first day palang!

Nagmadali na akong kumilos. Naligo, nagbihis at nag-ayos ng sarili. Tumatakbo akong bumaba ng madatnan kong mag-isang kumakain si mama.

"Aly, kumain ka muna."

"Sa school nalang ako kakain ma, malelate napo kasi ako. Bye ma! Love you!"

"Sige. Take care, okay? Love you too!" kiniss ko siya sa cheeks saka nagmadaling lumabas ng bahay at nagdrive papuntang school.

Pagkapark ko ng kotse ko, nagmadali na kong lumabas para pumunta sa klase ko.

Habang nagmamadaling hanapin yung room ko, napatingin ako sa isang babaeng naglalakad sa hallway. Napatulala ako sakanya, ewan koba. Di ko maialis sakanya yung tingin ko kaya naman natisod ako.

Oo natisod ako. Kainis! May nakakita kaya?

Hay. Nawala na tuloy si ateng girl na maganda! Magtatanong sana ako sakanya eh. Mukha kasing mabait. Tss sa iba na nga lang.

**

Nasa cafeteria ako at kumakain ng makita ko ulit si ateng girl na maganda.

I don't know but.. di ko nanaman maalis sakanya yung tingin ko.

Hanggang sa shet. Napatingin siya sakin. And guess what? Nagkatitigan kami, pero sya yung naunang nag-iwas ng tingin.

After nun tinuloy ko nalang yung pagkain ko. Pero di siya maalis sa isipan ko. Yung mukha niyang maganda.. omg what the hell Alyssa!

Nababaliw na ata ako.

Sumulyap ulit ako sakanya hanggang sa di ko namalayan.. nakangiti na pala ako.

- Vote and comment! Thank you :)

Ask me: ask.fm/janinagaspar

I love you, Ms.Sungit! (AlyDen) [EDITING]Where stories live. Discover now