1st Chapter

803 13 1
                                    

Shocking Shet

NADINE

"Nads?" 

"Oh?"

"Di paba tayo uuwi?"

"Di pa."

"Bakit? Tara na! Uwi na tayo."

"Maya na."

"Boring naman kasi ditto eh."

"Edi maki-wifi ka."

"Nilalait mo ba ako?"

"Hindi---- HAHAHA. Oo nga pala, wala palang wifi yang phone mo."

"Akin na nga yan." sabi ni Aya sabay agaw sa'kin ng phone ko.

"Hoy! Balik mo yan!" Tinaas niya pa hanggang sa matapon niya papunta sa lalakeng nakaupo sa may table malapit sa inuupuan namin.

Tiningnan ko ng masama si Aya. (>.<)

"Ah-eh. Hehe, sorry." sabi niya sabay peace.

Buti nalang sa bag ng lalake natapon ang phone ko. Tumigil muna yung lalake mula sa kakasulat ng enrollment form niya ata(?) tapos ibinaling niya ang tingin sa bag niya. Kinuha niya yung phone ko tapos tumingin sa direksyon namin.

He mouthed, 'Inyo ba 'to?'

Nagtinginan muna kami ni Aya tapos nag-nod dun sa lalake.

Kinurot ko sa tagiliran si Aya. Humanda 'tong babaeng  'to mamaya. "Aray." mahina niyang sabi. Leche talaga 'tong babae na'to.

Tumayo yung lalake tapos lumapit sa'min. "Eto oh." pinatong niya yung phone ko sa table namin ni Aya tapos tumalikod at naglakad.

Tinawag ko yung lalake, "Psst. Naka-black na damit." nilingon niya kami. "Salamat." Nag-smile lang siya tapos bumalik doon sa upuan niya. 

"Gwapo niya teh." sabi ni Aya. Oo nga no? Bakit hindi ko kaagad namalayan yun? Sabagay, ang phone ko ang pinagtutuunan ko ng pansin kanina.

"Gwapo-gwapo ka diyan! Leche ka! Dahil sa'yo natapon 'tong iPhone ko." ngumuso ako tapos kinalikot ang phone ko.

"Nahiya naman ako sa iPhone mo the. Porket ganyan ang phone mo tapos akin pipityuging cherr y mobile, eh nangungurot ka na." sabi niya sabay pout.

"Yuck. Ang pangit mo!"

"Mahal mo naman!"

"Eeew." 

"Hahaha! hoy teh, tara na nga. Ang boring na dito eh." sabi niya sabay tayo.

"Ayaw ko nga. Sayang yung free wifi oh," pinakita ko sakanya yung phone ko. "wala kaming ganyan sa bahay kaya swerte nalang tayo at may free pang wifi."

"Teka," sabi niya tapos aakmaing kukunin ang phone ko. Nilayo ko naman ito agad sa kanya dahil baka matapon niya ulit ang phone ko. "sino yang sa picture?" tanong niya.

"Si papa JR." sagot ko.

"Ha? Sinong JR?" 

"Duh. James Reid, gwapo, macho, maputi, mayaman, artista at boyfriend ko." sagot ko. Oh ano, palag kayo?

"Hahaha. Boyfriend mo? Hmm. Okay lang yan friend," tinapik-tapik niya yung balikat ko. "libre lang mangarap."

Tiningnan ko ulit siya ng masama.

"Ba't ganyan ka makatingin? I'm just saying the fact." sabi niya sabay crossed arms at roll eyes.

"Leche ka talaga. Kung hindi lang kita bestfriend eh matagal na kitang pinakulam." sabi ko tapos tumingin ulit ng mga picture ni James sa insta account niya.

The Chase and Heartbreak Where stories live. Discover now