Chapter 1: The Probinsyana

1.1K 53 42
                                    

Kakatapos ko lang maglaba sa ilog kaya heto ako ngayon, sinasampay ang mga damit na nilabhan ko dito sa likod ng bahay namin.

"Tinang! Mamaya mo nalang iyan isampay. Kumain ka muna dito."- sigaw ni Mama sa akin.

"Naisampay ko na Mama, sayang naman kung hindi ko nalang ipagpatuloy. Pagkatapos nito ay kakain na ako."- mabilis ko pang tugon bilang sagot.

Mama talaga.

Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng isang Mama na mabait at maalaga pa.

Ang Papa ko naman ay nasa Japan at nagtatrabaho bilang isang guro doon.

Nag-iisa lamang akong anak kung kaya'y para sa akin ay ako na ang maswerte. Wala na akong maihihiling pa dahil lahat nang masasabi kong mga simpleng kailangan ko sa buhay ay natugunan na.

"Hali ka na dito Tinang, tapos ka na pala dyan. Kakain na tayo. Hindi maganda ang hindi kumakain ng sabay." - Saad pa ni Mama na tumatanaw sa akin mula sa bintana.

"Nandyan na nga Ma. " - pagsagot ko saka dali-daling inilagay ang palanggana sa likod ng bahay namin na malapit sa maliit kong hardin.

Pagkapasok ko sa bahay ay nadatnan ko si Tita Carmen na kapit-bahay namin at ang anak niyang limang taong gulang palang na si Petor.

"Ate Tinang!"- Bungad ng bata saka nagmano sa akin.

"Gagawin mo talagang matanda ang ate Tinang mo Petor."

Natawa nalang ako sa sinabi ni Aling Carmen, kung saan ay nakasanayan ko nang tawaging Tita.

"Matanda na naman po talaga ako."- nakangising saad ko pa.

" 'Yong matanda ka na nga e hindi ka naman marunong mag-ayos sa sarili mo Tinang." - Angal pa ng pinakamamahal kong ina.

Mama talaga oh. Sadyang ganito na talaga ako. Hindi ko na kailangan pang mag-ayos.

"Grabe ka Mama, totohanan na iyon ano? Baliwala na sa akin kung ano ang hitsura ko. Ang importante ang ugali diba? Mana ako sayo e."

"Ay sus! Kumain na nga lang tayo. O'sya nandyan sa gilid ang plato. Kumain ka nang marami Petor, masarap ang luto kong ampalaya."- natatawang tugon ni Mama.

Napakibit-balikat lang ako sabay kumuha ng plato at kutsara.

Maya-maya pa'y kumakain lang kami ng tahimik ni Petor samantalang sila Mama ay nag-uusap patungkol sa palayan.

Pagkatapos naman naming kumain ay ako na ang nagligpit nang pinagkainan namin saka ako dumiretso sa silid ko at nagbihis ng mataas pero saktong palda at isang hindi kalakihang T-shirt.

Hindi uso dito sa probinsya namin ang mga sikat na isinusuot ng mga tao sa kasalukuyan gaya nalang ng mga madalas na ipinapalabas sa telebisyon, iilan lang siguro. Kahit papaano ay mayroon namang telebisyon ang mga kapitbahay namin dito, hindi nga lang lahat pero iyong may kaya lang sa buhay.

Pero kami ay wala kaming telebisyon. Nasira na, pero sinasabi ni Papa na kapag nakaipon na siya ng pera sa pagtuturo sa Japan ay bibilhan niya kami ni Mama ng bagong telebisyon.

"Aalis ako Ma. Pupuntahan at bibisitahin ko lang si Marco."

Marco Sinure ang pinakamalapit kong kababata. Ang matangkad na may pagkasingkit at morenong kababata ko na kung saan ay maraming mga kababaihan dito sa lugar namin ang nahuhumaling sa kaniya. Pang-artistahin daw kasi sabi pa nila.

"Bumalik ka nang maaga at mag-ingat ka Tinang."- saad ni Mama.

"Oo naman Mama."

Nagmano pa muna ako sa kaniya saka lumabas na.

Naglalakad na ako at tinungo ang pinakamalapit na bakery shop dito.

Nandito si Marco nagta-trabaho. Wala na siyang pamilya kaya siya nalang ang bumubuhay sa sarili niya.

Pumupunta din siya sa amin at minsan doon kumakain at matutulog. Nakakatuwa lang kasi kasabay ko na siyang lumaki kung kaya ay itinuturing ko na rin siyang parang isang kapatid na talaga.

"Cocoy! Musta araw natin?"- sigaw ko sa kaniya mula dito sa di kalayuan.

Sinenyasan niya akong lumapit.

"Napadito ka?"- tanong niya sa akin nang makalapit na ako.

"Paano ba iyan e na-miss ko ang best friend ko."

Ngumiti lang siya sa naging sagot ko at madaling ginulo ang buhok ko.

Naghihintay ako ng ilang minuto bago nag-time out si Marco sa bakery shop na tin-rabahuan niya.

"Naka-time out na ako. Gala tayo sa parke." - masayang sambit ng bestfriend ko.

"Ayan, gusto ko 'yan Cocoy."- naaaliw ko pang giit sa kaniya.

"Ikaw talaga Tinang."- Mabilis na pagsagot ni Marco sa akin saka ginulo na naman ang gulong-gulo ko na ngang buhok.

Ako nga pala si Cristina Apello.

Ako ay isang Probinsyana.

Chasing That Probinsyana |COMPLETED|Kde žijí příběhy. Začni objevovat