Inabot ni Falcon ang pisngi niya at marahang hinaplos iyon. His gaze leisurely moved all over her face until it lingered on her lips. Matagal nitong tinitigan ang labi niya bago nito inilapit ang mukha. At nang lumapat ang labi ni Falcon sa labi niya ay napapikit na lang si Mhelanie. Iba't ibang damdamin ang tila sumabog sa loob niya at naghalo-halo iyon pero ang nangingibabaw ay ang kaligayahan.

Falcon was about to move his lips when. . .

"Oh, My God!" Ayaw man ay walang nagawa ang dalawa kundi ang putulin ang pagkakahugpong ng mga labi nila nang marinig ang pagbulalas ng isang babae. It was Genevieve. She looks horrified! Ghad! OA ng babaeng ito. Akala mo nakakita ng isang krimen. Tumuwid ng tayo si Mhelanie.

"Since nandito na si Genevieve ikaw na magsabi sa kanya kung sangayon ka sa suggestion ko. Hindi siya nakikinig sa 'kin." Mahina ang boses niya para hindi marinig ni Genevieve na nakatayo pa rin sa may pinto habang nakatingin sa kanila. Pinisil ni Falcon ang kamay niya bago binitawan.

Humakbang siya palapit sa pinto. Ang gulat na ekspresyon ni Genevieve ay nahalinhinan ng nanghuhusgang ekspresiyon pero hindi niya iyon pinansin. Tumabi ito saka siya lumabas at bumalik sa kanyang cubicle.

Ilang sandali ang lumipas ay sumunod si Genevieve sa kanya sa cubicle.

"Slut!" She swiveled the chair around to face Genevieve. Mhelanie cocked her eyebrow.

"You are a gold digger. Ngayon alam ko na kung paano mong nakuha ang posisyon mo ng ganoon kadali. Katawan mo ang ginagamit mo. Tapos ka na kay Mr. Villez kaya ngayon si Mr. Cabral naman. Sabagay, mas mayaman si Mr. Cabral at jackpot ka kapag pinatulan ka!" Walang prenong talak nito at hindi man lang hininaan ang boses. Intensiyon talagang iparinig sa lahat.

"The gold diggers go where the gold can be found."

"If you are done with your nonsense, you may leave now. You are disturbing me, and stop accusing me, Genevieve. Wala kang alam. You are barking up the wrong tree!" Nagtagis ang mga ngipin nito.

"Sinisiraan mo pa ako kay sir."

"What I was told him was nothing but a truth. Hindi ka naman talaga nakikinig sa 'kin. Mas mataas pa rin ako sa 'yo at obligasyon mong pakinggan ang sinasabi ko, hindi iyong opinyon mo lang ang gusto mong masunod. Just revise the plan instead of barking like a dog." Nagpupuyos sa galit na umalis si Genevieve.

SUMAMA si Mhelanie sa mga kasamahan sa isang bar. Ayaw niya sana kaso sinundo siya ni Fernan at Sheryl sa condo kaya wala na siyang nagawa. Nakakahiya namang tumanggi, siya na nga itong dinayo. Ilan sa staff ng HR department at Marketing department ang kasama nila. Kaarawan ng isa sa kasamahan nila sa accounting department na si Joseph. Kasama rin si Genevieve na kanina pa masama ang tingin sa kanya.

Sinagot niya ang text massage ni Falcon. Nagtatanong ito kung sinunod na siya ni Genevieve at sinabi niyang 'oo', 'good' ang reply nito. Hindi na niya nasagot pa iyon nang inabot sa kanya ni Fernan ang baso na naglalaman ng daiquiri. Niyuko niya ang cell phone nang magvibrate iyon pagkapatos sumimsim ng kanyang drink. Tumatawag si Falcon pero namatay rin iyon, ilang sandali ay may natanggap siyang message mula kay Falcon. He was apologizing for accidentally pressing the call button. Ang tangka niyang pagreply ay natigil nang kausapin siya ni Fernan.

"Do you have a boyfriend, Mhelanie?" Bahagyang inilapit ni Fernan ang bibig sa tainga niya para mas marinig niya ito dahil sa tugtog.

"May asawa na ako." Bahagyang nanglaki ang mata ni Farnan na parang kinukumpirma kung tama ang rinig nito. Ipinakita niya ang singsing na nasa daliri niya. Bumakas ang panghihinayang sa mukha ng lalaki.

"Kaso malaki ang tampo sa 'kin dahil iniwan ko siya for California. Kaya kailangan kong mag-effort para maibalik ko ang tiwala niya sa 'kin." Muli niyang niyuko ang cell phone at napangiti siya nang makitang tumatawag si Falcon. Agad niya iyong sinagot.

Fatal Attraction 4: Sinful AffairTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon