CHAPTER TWENTY

3.3K 193 16
                                    

CHAPTER TWENTY


A couple of weeks passed and everything's going so smoothly here in my school. So smoothly, that I find it hard to believe. Hindi ko alam kung masyado lang akong overthinker o masyado lang akong nasanay sa ma-drama kong buhay kaya naninibago ako. There are still rumors and stares but no brainless barbies tripping me on the hallway.


As for my life outside the school, I can't say that it's the same in my school. Para ngang nagkabaliktad pa ang sitwasyon ko sa loob at labas ng school. Pati sa shop nila Mia ay nakakakuha ako ng mga masasamang tingin. 


Seriously, can my dramatic life be even more dramatic? It's all Wave's fault. Simula nang niyakap nya ako sa harap ng maraming babaeng may crush sa kanya ay nagkaroon na rin ako ng mga death glares sa shop.


Kung minsan nga ay patago ako kung pumasok sa loob ng shop para lang hindi ako makita ni Wave. There were some cases where he would come running towards me like some freaking cute puppy that misses his master or he would ask me what he can do for me or sometimes offer me to carry my bag and so on.


"T-They're back." Namumutlang sabi ni Mia nang makarating sya sa labas ng school gate. Dismissal time na namin and I was waiting for her dahil may nakalimutan syang kuhanin sa kanyang locker. Kunot ang noong tiningnan ko sya.


"Ha?"


"Era and her squads are back." Era and her squads. Mia's pertaining to the group of girls who only added a little spice in my life. Sila 'yung grupo ng mga babae na may dahilan kung bakit ako napatanggal sa restau na pinatatrabahuhan ko.


"Back? Hindi ko ma-gets, Mia? What do you mean back?"


"Na-suspend sila for two weeks dahil nahuli silang naninigarilyo sa likod ng school."


So that explains the peacefulness in these past two weeks. Kaya pala ang tahimik ng buhay ko ngayon. Sobrang tahimik na mahirap paniwalaan. I guess it's the common saying that it's the calm before the storm.


"Ooh, if it isn't the jings girl! I missed you, Ava!" Lumingon ako sa likod ko at nakita ko ang grupo ng mga babaeng ilang linggo ko ng hindi nakikita. The brainless barbies are really back. But wait, jings? Ano 'yon? Is that their new found nickname for me?


"Era, jinx 'yon hindi jings." Narinig kong bulong ng katabi ni Era sa kanya.


"Tsk! Manahimik ka nga Pia! Magkatunog naman sila kaya ganoon din 'yon!" Asik ni Era sa kanyang katabi. Ah, right. How could I actually praise my self for naming them brainless barbies? It totally suits them. Jings, pfft.


Taas noo akong tiningnan ni Era habang nakataas ang isang kilay, "Na-miss mo ba ako, Ava? Balita ko ay nakahanap ka na daw ng trabaho?" Tanong nya. Maingay nyang nginunguya ang bubble gum na nasa bibig nya. 


Gross


Mas lumapit pa sya sakin at pakunwaring inayos ang gusot ng damit ko. Sinulyapan nya si Mia na nakayuko at tahimik lang na nasa likod ko, "Confetti Shop, right?"

He Who Came From Another WorldWhere stories live. Discover now