TBND Special Chapter 2: A Promise of Forever

Magsimula sa umpisa
                                    

I smiled.

"One, two, three," Mama counted as the camera clicked.

Pagkatapos ay mabilis kong binitiwan ang kamay ni Karl at tumakbo palayo para hanapin ang regalo niya.

"Aww. Karl, hindi ka nakatingin sa camera. Nahihiya ka ba kay Astrid?" Narinig ko pang sabi ni Mama pero hindi ko na lang sila pinansin. Nagmamadali kasi akong tingnan ang mga regalo ko sa 'di kalayuang lamesa.

Nang makita ko ang pangalan ni Karl ay mabilis kong binuksan ang regalo dahil excited ako. Pero sana pala hindi na lang.

Hindi ko akalain na muntik pa akong isugod sa ospital sa mismong kaarawan ko dahil halos mahimatay ako sa gulat at takot. Pugot na mga ulo at chop chop na katawan na mga Barbie dolls na mukhang mga bruha ang tumambad sa akin.

***

Grade 3

“Oy, ano ‘yan?” Sumilip ang panget na seatmate ko sa ginagawa ko. Pero madali ko itong natakpan.

“Pakialam mo,” masungit na sagot ko.

“Patingin nga,” pangungulit nito. He gave me a cheeky smile.

Tinakpan ko ang Snow White na notebook ko at tinago sa Barbie kong backpack.

He pouted. “Ang damot nito.”

Inirapan ko lang ito at hindi na pinansin.

Nang mag-lunch time na. Dali-dali akong lumabas para mag-CR. It took me a few minutes dahil marami akong nakasabay na ibang estudyante. Pagbalik ko, wala na ang seatmate kong panget. I shrugged. Siguro sa cafeteria siya kakain dahil nakalimutan siyang ipagbalot ng lunch ng yaya niya.

Binuksan ko ang bag ko para kunin ang lunchbox ko. Pero napanganga ako dahil walang lunchbox akong namataan sa bag. I frowned. E, no’ng tinago ko ang Snow White kong notebook kanina, nakita ko pa ang lunchbox ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo para hanapin ang pagkain ko. Maiiyak na ko dahil gutom na gutom na talaga ako.

“Karl, kay Astrid iyan, ‘di ba?”

“Shh. Wag kang maingay!”

Napatigil ako sa paglalakad nang may marinig akong boses sa may kanan ko. Pagtingin ko, may dalawang lalaki na nakasalampak sa sahig habang kumakain. Ang isa sa kanila ay si RJ na classmate ko rin. Pero ang isa…ang pinakamasamang batang nakilala ko. Nahagip ng paningin ko ang pinagkakaabalahan ng monster na si Karl.

Nanlaki ang mga mata ko sabay turo rito. “Lunch box ko iyan!” I suddenly shouted.

Nagulat lahat ng nasa loob ng classroom pati ang dalawang lalaking magkaharap na kumakain. Punong-puno pa ng pagkain ang mga bunganga nila habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa akin.

“Astrid, s-sorry. Si Karl kasi, e,” hinging paumanhin ni RJ sa akin.

Nakita kong siniko ni Karl si RJ sa tagiliran. Imbes  na magsisi, ngumisi pa sa akin ang monster na si Karl. Mukhang tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niya.

Nakuyom ko ang mga kamay ko sa sobrang galit. Nangilid ang mga luha ko. Yumuko ako para hubarin ang mga sapatos ko.

Sa gigil, binato ko ang mga ito kay Karl Jonathan Dominguez.

Wala na akong pakialam nang umuwi ako sa amin na naka-medyas lang.

***

Grade 6

Napakasama niya talaga! Pati ba naman ang diary ko pinakialaman pa niya! Halimaw! Meanie! Hindi pa siya nakuntento, pinahiya niya pa ako sa lahat kanina!

The Boy Next Door (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon