"Let's go?" siya.

Speechless pa rin ako. Kaya naman tumango lang ako sa kaniya at nagpatuloy na kaming naglakad. Nung nasa gate na kami, lumapit agad si manong guard.

Heto na kinatatakot ko. Baka isumbong kami eh.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni manong.

Nakita kong may ibinulong si Skye sa kaniya at tumango lang si manong guard. Ano kaya yun?

"Sige, pwede na kayong lumabas." sabi pa niya at binuksan yung gate.

Curious tuloy ako kung anong sinabi niya. Bawal kaya lumabas, pero pinayagan agad kaming makalabas.  Naglakad na kami at pumunta sa parking lot. Pinagbuksan niya ako ng pintuan ng sasakyan at sumakay naman ako, then sumakay na rin siya.

"Paano mo nagawa yun?" tanong ko sa kaniya.

"Ang alin?" tanong naman niya. Infairness, hindi nawawala ang ngiti niya ah, lalo tuloy ako naiinlove sa kaniya >.>

"Kasi pinayagan tayong makalabas nung guard. Bawal kaya yun. Ano ba yung binulong mo dun?" tanong ko.

"Secret :D" sabi niya at tumingin ulit sa daan.

"Ganun? Sige ikaw na may secret!" sabi ko sabay pout. Nagagaya na ata ako kay May sa pag-pout niya >.>

"Wag kang gumanyan." sabi niya.

"Bakit? Sa gusto ko eh" sabi ko. Nakapout pa rin.

"Baka..mahalikan kita ulit sige ka." 

Waaaaaaaaaaaaaaa!

Adik naman niya. Pinaaalala na naman sakin yung kiss! Kasi naman!>.>

Agad kong inalis yung pag-pout ko at humarap sa right. Baka makita niyang namumula ako no!

Teka, pupunta nga pala kami sa bahay nila! Nawala sa isip ko yun ah. Parang kinakabahan ako.

"Skye, uhmm..Bakit nga pala tayo pupunta sa bahay niyo?" tanong ko.

"To change my clothes." sabi niya at ngumiti.

Oo nga naman! Bakit hindi ko naisip yun! Kailangan niya ng magpalit ng damit. Baka magkasakit pa siya. Kung anu-anong pumapasok tuloy sa isip ko kanina >.>

"Ahh.." nasabi ko nalang.

Medyo nabawasan yung kabang nararamdaman ko. Tahimik na ulit. 

"Ok lang bang ung i-on ko yung radyo?" tanong ko.

Ayoko kasi ng tahimik eh.

Gusto ko mang mag-ingay hindi ko na alam ano pang sasabihin ko >.>

Kaya mabuti ng may music.

"Sure." Sabi niya at ngumiti.

Tapos ayun ni-on ko naman agad yung radyo sa car niya.

Yung song na pinapatugtog now O.O

Parang nanadya ata ah?

Now Playing: Passenger Seat by Stephen Speaks

I look at her and have to smile
As we go driving for a while
Her hair blowing in the open window of my car
And as we go the traffic lights
Watch them glimmer in her eyes
In the darkness of the evening

Isa yan sa favorite songs ko eh >.> Kaso syempre bat ngayon pa pinatugtog. Sakto pa naman sa kotse kami. parang pinapatamaan lang talaga kami no? Napatingin naman ako kay Skye.

Weh? Kita ko yun! Tumingin siya bigla sa daan. Ahah. So nakatingin siya sakin kanina? :))) Parang kinilig ako sa isipin na yun. Haha.

Pinatay naman niya yung radyo. Kaya napatingin ako sa kaniya.

"Bakit?" tanong ko. Ayaw ba niya nung song? >.>

Ngumiti lang siya tapos tinuloy yung song.

And I've got all that I need
Right here in the passenger seat
Oh and I can't keep my eyes on the road
Knowing that she's inches from me


Weeeeh? Hala! Feeling ko lalong bumilis ang tibok ng puso ko! Please heart wag kang lalabas! Kantahin ba naman yung part na yun! Tapos kitang  kita  ko kung paano siyang nakangiti habang kinakanta niya. Idagdag mo pa yung boses niyang nkakatunaw!  

Spell Kilig? 

P-A-M

OO ako yun! Shemay! 

TO BE CONTINUED

A/N: VOTE.COMMENT.FAN

pakibasa na rin pala yung isa kong story yung "I AM A GANGSTER?!" tignan niyo nalang sa profile ko. Thanks sa magbabasa :)))  try niyo lang baka magustuhan niyo LOL or click niyo nalang yung  external link sa right. Tenkyuuu! <3

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherWhere stories live. Discover now