Paano ko naman kasi itatanong?

Ganito ba:

"Skye, tayo na ba?"

See? Iniisip ko palang nahihiya na ako eh. Baka kapag tinanung ko, bawiin naman niya. 

Aww. Ayokong bawiin niya yung sinabi niyang mahal niya ako. Pero sinabi ba niya talaga yun? Baka naman naghahallucinate lang ako kanina? Basta! sinabi niya yun! Tama. 

Ganito pala yung feeling na mainlove sa taong mahal ka din. Ang saya lang. Atleast hindi lang one-sided love di ba? :)))

 Sa tingin ko kinain ko rin yung mga salitang binitawan ko na never ako maiinlove kahit kanino. Kasi ngayon halos mabaliw na ako sa kakaisip at sobrang saya!

Pagkatapos kong maligo at nagbihis na agad ako. Pagkalabas nandun pa rin siya sa kinatatyuan niya kanina.

Oh my! Nga-nga talaga ako! Feeling ko lalo siyang gumwapo! Nakangiti siya habang nakatingin sakin! Tapos yung hair niya...bagsak talaga! Ang hot niya tignan!

"Sorry ang laki pala ng damit." sabi niya at lumapit sakin.

"Hehe..Ok lang." sabi ko. 

Bakit ganun? Parang nahihiya ako sa kaniya. Dati hindi naman eh >.>

Ngumiti naman siya sakin, kaya naman hindi ko mapigilan na mapangiti din. Nakakahawa siya ah.

"Let's go." sabi niya sabay hawak ulit sa kamay ko.

"Teka, saan tayo pupunta?" tanong  ko.

Naglalakad na nga kami sa hallway now. 

"My house." sabi niya.

Hala! Tama ba narinig ko? Sa bahay nila?

Waaaaaaaaaaaaaaa! Baka nandun yung parents niya. Nakakahiya!

Pero kung wala naman sila, that means kami lang? as in S-O-L-O?

Kung anu-ano na pinagiisip ko. Anu bayan >.>

Hindi muna dapat yun ang isipin ko. Hindi rin pala kami pwede makaalis kasi sa school kasi class hours pa eh. May guard pang nagbabantay sa gate.

"Bakit sa bahay? Anong gagawin natin? Tsaka hindi naman tayo--" hindi ko na naituloy pa ang sinasabi ko dahil...

*Tsup*

He just kissed me on my left cheek! Hindi naman sa lips pero feeling ko nakuryente ang buong katawan ko. I was shocked! Hindi ko ineexpect yun. Parang lumulutang ako sa ulap! Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Second time na yun ah O.O

"There." sabi niya at ngumiti na naman.

Dug.Dug

Nakakalusaw talaga ang ngiti niya! Bumibilis ang tibok ng puso! Nagmamal-function na ata ito. Baka bigla lumabas na sa dibdib ko eh!

Mr. Heartthrob and Ms. Top-NotcherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon